Third Person's POV "She's coming!" Bulalas ni Magnus habang inaayos ang sarili sa pagkakaupo na animo'y hindi ito mapakali habang papalapit sa kanya ang dalaga. Napatingin si Mikhael sa dalaga saka ito umatras upang bigyang daan na makausap ang dalawa. Kunwari namang abala sa pag-aayos ang binata. Masinop pa nitong hinahaplos ang suot na suit na animo'y pinapatuwid ito. Napansin niya ang paglapit ng dalaga at ang pagtayo nito sa tabi niya ngunit hindi niya muna ito tinapunan ng pansin, hinihintay niya na ito ang maunang magsalita. "Magnus," mahinang sambit ng dalaga, "pwede ka bang makausap?" dugtong nito. Kasabay ng pagsambit nito ng pangalan niya ay ang kanyang pagsagot, "yes," aniya, sa simpatico-romantikong boses habang abot tenga ang ngiti na tila ba inaakit niya ito. Napatin