Lumapit sa akin si Irene matapos ang taping. Pinunasan nito ang noo ko na may namumuo na ring pawis. "Ano ba ang sadya mo sana kanina sa akin?" tanong nito habang isa-isang tinatanggal ang mga accessories na suot ko. "Tungkol sa sinabi ko sa 'yo nitong umaga." Kumuha ako ng basang tissue at saka ipinunas sa aking mukha upang matanggal ang makapal na make up ni Victoria. Bahagyang napatigil si Irene saka niya ako tinitigan. "So nakapagpaalam ka na?" tanong niya sa akin. Napatango ako. "That's good, but Margaux, saan ka ba talaga pupunta?" Kanina pa ako nito kinukulit. Alam nitong wala na akong pamilya at wala rin akong kaibigan. My circle is just small, may life acquaintances is limited na para ngang nagre-revolve lang ito sa mga Alphamirano at sa mga katrabaho ko. Ang dating, parang lif