Napatigil ang lahat nang maglakad si Celine sa gitna. Iika-ika ito habang nililibot ng tingin ang buhong bahay. Napahagulhol ito saka pasalampak na naupo sa sahig nang makita kung nasaan siya. Agad naman na lumapit si Margaux dito kaya napasunod na rin si Magnus. Napaangat ng tingin si Celine at saka napatingin kay Margaux. "Margaux! Thank you, I'm saved!" Bulalas nito saka pumalahaw ng iyak. Agad na tumabi ang mga tao. Dali-dali namang lumapit si Romana at kinumutan ito upang walang makakita sa pagmumukha nito. Samantala, lumapit naman si Mikhael ay binuhat si Celine pabalik sa guest room. Inabot ni Maria ang baso ng tubig habang nakaupo ito sa kama. Tumigil na rin ito sa pag-iyak. "We found you," biglang saad ni Mikhael. "Thank you!" Bakas sa mukha ng dalaga ang tuwa habang hawak-haw

