Agad na napaupo sa kinahihigaang kama si Celine nang pumasok si Vance. Sumenyas ang binata na hindi na ito dapat mag-abala pa kaya naman ay bumalik sa pagkakahiga ang dalaga. "How are you, Celine?" Tanong nito sa kanya. "I'm okay, hindi pa ako binibisita nila, Mommy at Daddy." Tipid na turan ng dalaga. "Hindi ka nila bibisitahin," saad ng binata. Agad siyang napatingin dito. "Hindi mo ba alam?" tanong ni Vance nang makita ang pagtataka sa mukha ng dalaga. "Sabihin mo na," untag ng dalaga. "Celine, they're blaming you for Isamu's death." Napayuko ang dalaga. Alam niyang kasalanan niya at maging siya ay hindi magawang patawarin ang sarili. "And they're transferring you to a mental institution," dugtong ng binata na labis niyang ikinabigla. Paano maaatim ng kanyang sariling magulang na i

