Matapos marinig ang mala-telenovelang kwento ng pag-ibig ni Lolo ay isa isa na kaming nagsibalikan sa kanya-kanyang mga silid. "Buti na lang pala ako ang last at first," ngingiti-ngiting turan ni Magnus. Sinagot ko lang ito ng tawa saka nagmadaling umakyat. Napasigaw na lang ako nang bigla niya akong kargahin at ipinasok sa silid. Marahan niya akong ibinaba at saka kinabig palapit sa kanya. Napatingin ako sa kakaiba ngunit magandang pares na mga mata. "They are so beautiful," bulong ko saka marahang hinaplos ang talukap ng mga mata nito. "Yeah, like you always said and do, simula pa noon ay lagi mo na lang itong naa-appreciate." Ngumiti siya saka yumuko upang ako'y halikan na siya namang ginantihan ko ng walang pagdadalawang isip. "I love you, honey." He said in between kisses. "I lo

