Chapter 174 - Claimed by a Brugatti

2360 Words

Nagising si Margaux dulot ng nakakasilaw na liwanag mula sa siwang ng kurtina. Ito ang unang pagkakataon na napahimbing ang tulog niya kumpara sa mga nagdaang mga linggo. Ramdam niya ang pagkalam ng sikmura kung kaya ay tumayo na siya at bumaba ng kama. Napatingin siya sa salamin at hindi maipagkakaila ang pagpayat ng kanyang katawan, mabigat pa rin ang kanyang mga braso at binti na para bang mawawalan siya ng balanse alin mang oras. Ang buong akala niya ay mag-isa siya sa silid hanggang sa maapakan niya ang kamay ng binata na natutulog sa sahig dahilan upang magising ito. "I'm sorry," nahihiyang sabi niya. "Hindi ko sinasadyang gisingin ka lalo na ang apakan ka." Agad na napayuko si Margaux at inalalayan ang binatang makatayo. "Ayos lang," sabi nito saka humikab. “Kumusta ang tulog mo?”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD