"Mr Brugatti kanina pa--" napatigil sa pagsasalita si Dalton ang kanyang kanang kamay nang makita ang babaeng karga-karga niya "My lord?" kunot noo nitong tanong sa kanya. "Call the Doctor, Dalton." Utos niya dito. "Now!" singhal niya nang hindi kumibo ang binata. "Yes, my lord." Agad naman itong kumaripas ng takbo. Hindi niya alintana ang basang-basang katawan. Ang lubos niyang inaaalala ay ang kalagayan ng estrangherang nasa mga bisig niya. Agad na binuksan ng bantay ang malaking pinto ng bahay upang makapasok siya. Sinalubong naman siya nang mga nakayukong mga katiwala. "Bring her clothes to change." Iyon agad ang naging bungad niya sa mga ito kung kaya naman ay saglit na katahimikan ang namayani saka nagkukumahog ang humigit kumulang tatlompung katiwala. "Hold on," bulong niya s

