Nakalabas si Margaux nang hindi namamalayan ng mga bantay. At tulad ng sinabi ni Maria sa kanya ay walang lingon-likod niyang tinakbo ang kahabaan ng daan. Napatingin siya sa paligid, ang kaninang makulimlim na kalangitan ay mas lalo lang nagdidilim. Nagbabadya ang pagbagsak ng malakas na ulan. "Sh*t, I'm in the middle of nowhere," bulalas niya nang makitang puro puno at talahib ang nadadaanan niya kung kaya't walang sasakyan na nadadaan. Sa 'di kalayuan ay narinig niya ang tunog ng papalapit na sasakyan. Bahagyang nabuhay sa kanya ang pag-asa na may makakaligtas sa kanya. Ngunit may kung ano sa loob-loob niya na nakaramdam siya ng nagbabadyang panganib lalo na nang maisip niya na walang sasakyan ang pwedeng magawi doon kaya sa halip na harangin ang sasakyan ay tumakbo siya patungo sa l

