Tulad ng mga nagdaang umaga ay nagising si Margaux na walang maalala sa nagdaang araw. Napatingin siya sa mga kamay at hindi hindi na gaanong makapal ang pagkakabenda nito. Dahan-dahan siyang bumaba ng kama at sumilip sa may bintana. Makulimlim ang kapaligiran at nagbabanta ang malakas na ulan. "I need to see her," bulong niya sa sarili, "who is she again?" tanong niya habang napapakamot ng ulo. Maging ang pangalan nito ay hindi niya matandaan. Hindi na rin gaanong sumasakit ang mga paa niya kaya mas nakakalakad na siya ng maayos. Pabalik-balik siya sa harap ng kama nang bumukas ang pinto at pumasok si Maria. Naupo siya agad sa kama na animo'y handa na siyang pagsilbihan ng dalaga. "Good morning, Miss Margaux," nakangiting bati ng dalaga. "Good morning, ano nga ang pangalan mo?" tano

