Third Person's POV Matapos makaalis si Margaux ay naiwan ang apat na magpipinsan, pawang blanko sa kung ano ang nangyayari. Napatingin si Aurelio sa binatilyong nanginginig sa takot. Kinarga niya ito sa likuran at saka naglakad sila papasok ng manor habang dala-dala naman ni Enrique ang sirang bisekleta nito. Napatingin sa paligid ang binatilyo at mas lalo itong nanginig sa takot nang makita ang bakas ng nangyari kaninag barilan. "Ayos lang yan boy," saad ni Aurelio saka tinapik ang braso nitong nakapulupot sa leeg niya. "Masasama rin ba kayo?" tanong nito ngunit hindi sumagot si Aurelio. Matapos mabigyan ng maiinom ang binatilyo at nang makitang mukhang kalmado na ito ay naupo si Aurelio sa harap nito upang tanungin ito. "What happened there?" tanong niya dito. "Kilala mo ba ang bab