Third Person's POV Bahagyang natigilan si Romana nang maabutan sa loob ng shower room ang dalaga. Nakatayo lang ito sa ilalim ng umaagos na tubig. Hindi rin nakawala sa mga mata niya ang mga pulang marka sa katawan ng dalaga. Lihim na napangiti si Romana saka nito inakay ang dalaga at tinulungang makaligo. Matapos iyon ay inakay niya ito palabas upang makapagbihis ito. Kasalukuyan namang naghahanda sina Hannah at Sofia ng hapunan para sa mga ito. Magkasabay na naghapunan sina Margaux at Magnus nang ang dalaga ang unang bumasag sa katahimikan. "May I see Gabriel?" tanong nito kay Magnus. Napatigil sa pagsubo si Magnus saka ito napatitig sa dalaga, hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng matinding awa para dito. Alam niyang hindi biro ang pinagdaraanan nito. Inabot niya ang kamay nito