Nasa labas ng bahay at nagpapahangin ang magkapatid na Vance at Luigi. Ito ang unang pagkakataong magkakalapit ang mga ito-- 'yon nga lang ay walang imikan ang mga ito. Dumukot ng sigarilyo si Luigi at akmang sisindihan nang biglang may umagaw nito. "Anong ginagawa mo dito?" tanong niya sa dalaga matapos nitong sindihan ang ang sigarilyong dapat sana ay sa kanya. "Ano pa nga ba, malamang naaalibadbaran nanaman 'yan sa bahay nila," sabat ni Vance. Tumalon ito mula sa kinauupuang rail at saka naupo mesang nasa harap nila Celine at Luigi. "Anong kailangan mo?" Nakangising turan ni Vance dito. Napatitig si Celine sa binata. Nahalata agad nitong may kailangan siya. "Ano sa palagay mo?" Pabalang niyang sagot dito saka humithit at ibinuga ang usok. "Ah, huhulaan ko. Malamang tungkol 'to kay

