Matapos ang agahan ay dumiretso kami sa sala. Naupo si Lolo sa sofa saka nito tinipa-tipa ang sahig sa harap niya gamit ang dulo ng lagayan ng samurai niya. Dahil sa nakatingin si Lolo kay Magnus ay naintindihan lahat ng naroon na ito ang tinutukoy ni Lolo. Lumapit si Magnus at tumayo sa harap nito. "Oho!" Bulalas ni Lolo na ikinabigla namin. Ipinukpok nito ang dulo ng espada sa tuhod ni Magnus saka lumapit ang dalawa sa tauhan ni Lolo at pinagtulungan nilang lumuhod si Magnus. "God!" Bulong ko sa sarili saka napatingin kay First at Second na akala ko ay aalma. "Lolo nanaman!" Untag ko saka ko hinarap si Dawson. "Kuya, wala pa naman siya sa teritoryo niya, baka nakalimutan niyang teritoryo 'to ng mga Mafia!" Bulalas ko kay Dawson na nasa tabi ko. "It's okay, Hoshiko-sama." Pinagpapawis

