Sa halip na ang mga pasyente lang ang papakainin ay napagdesisyonan namin na mag-agahan da bahay upang makapag salo-salo. Tawa pa rin kami ng tawa habang pilit pa rin na pinoproseso ni Enzo ang mga nangyayari. Ngayon niya lang kasi nalaman na tatay ko si Mr Vernardice at kami ang nagmamay-ari ng ninanais nilang Casino na nasa Roma. "Ako lang ba ang hindi nakakaalam?" tanong ni Enzo. Napatingin ako sa hindi pa nagagalaw nitong pagkain kahit pa hawak-hawak na nito ang mga kubyertos. "Sa palagay mo?" Pabalang na sagot ni Enrique. "Kung alam ko 'di na ako magtatanong," masungit at halatang naiiinis nitong turan. "Dalawa kayo ni Maria." Nakangising turan ni Lucca saka sumubo ng pagkain. "Isa ka pa." Baling nito sa pinsan na ikinatawa ng lahat. "Sige na, huwag niyo nang asarin ang birthda

