"Ang ganda mo." Puri sa akin ni Irene habang inaayusan ako. Nakatayo siya sa likuran ko kung kaya ay nakatingin lang ako sa salamin habang nakikipag-usap dito. "Ikaw nga 'tong maganda." Nahihiya kong turan. Nang sabihin kong maganda ito ay seryoso ako. I mean it. Irene was wearing her ombre styled dress na siyang pinili mismo ni Dad para sa kanya. Napusod ang kanyang buhok na nagbibigay diin sa maliit nitong mukha. Mas lalo pang na-emphasize ang matangos niyang ilong at magandang mga mata kung kaya naman kahit na sino ay mapapalingon sa kanya. Irene has a tanned skin na bagay na bagay sa kanya. "Can I help?" Nakangiti niyang turan na sinagot ko rin ng ngiti. "You have a very beautiful long hair. Noong una akala ko'y pinakulayan mo lang 'to kaya mas lalong umitim." Hinawi niya ang iilang

