Walang kaemo-emosyon na lumabas ng bahay si Isamu matapos ang alitan nilang mag-ina. Naiwan naman sa loob si Dorella na masama ang loob. "What happened?" tanong ni Cynthia nang makita itong mangiyak. Muli namang binalikan ni Dorella ang pag-uusap nila ni Isamu mga ilang minuto lang ang nagdaan. "Nag-usap na tayo, hindi ba? Sinabi ko na na putulin mo na ang ugnayan mo sa mga Vernardice lalo na kay Vencielo?" Namumula sa galit na turan ni Dorella. Nalaman niya kasi na pupunta ito sa Grand Elite Ball dahil na rin sa mga Vernadice. "Last na 'to, Ma." Tipid na sagot ng binata. "Anong last na? Wala nang last. Tama na. Hindi mo ba alam na hindi na tayo konektado sa kanila?" Bulyaw ng ginang. Natigilan si Isamu sa narinig saka nito tinapunan ng hindi-makapaniwalang-tingin ang ina. "Ma, kung t

