"I really had enough of that Alphamirano guy!" Bulalas ni Vencielo. Para bang sasabog ang ugat nito sa leeg sa kakasigaw. "Why don't we kill him then?" sabat ni Vance, ang bunso nitong anak. Napatingin si Vencielo sa anak saka napaisip. "You know how bad that grass is. Ilang beses ko nang tinangka, hanggang ngayon ay buhay pa rin!" Turan ni Vencielo habang iwinawasiwas ang kamay sa ere. "We will not achieve anything without trying. How about an ambush?" Hindi nakasagot si Vencielo sa mungkahi ng anak, napatingin lang siya dito at mga ilang segundo lang ay napatango na siya. "And let's do it tonight," dagdag pa ni Vance. Umugong ang halakhak ni Vencielo sa buong bahay saka nito tinapik ang balikat ng anak. "Iyan ang gusto ko sa 'yo. If we succeeded, tell me anything you wish for. I can