Bandang alas-otso ng gabi nang makauwi si Margaux. Agad na sumalubong sa kanya si Maria at ang kambal. "Welcome home, mi lady." Bati ng mga ito na abot tenga ang ngiti, lalong-lalo na si Maria. "Good evening." Nakangiting bati rin ni Margaux saka pinisil ang ang baba ni Maria. Lihim namang napangiti ang kambal nang makitang tila ba nagugustuhan ng among babae ang bago nilang kasama. "Kumain na po kayo?" tanong no Maria sa hindi na baliko nitong pananalita. Halatang komportable na ito. "Thank you, Maria. Pero kunain na ako sa labas." Sagot ni Margaux sa mababang tono. "Si Magnus?" Tanong niya habang nililibot ng tingin ang buong bahay. "Hindi pa po nakakauwi si Lord Magnus." Si Hannah ang sumagot. "Gano'n ba?" "Gusto niyo po bang ipaghanda namin kayo warm bath?" Tanong ni Sofia. Ng