Napatingin ako kay lolo nang makita sina Irene. Agad akong napahawak sa aking mukha saka mariing napapikit. Nakita nila ako! Kumalma lang ako nang maramdaman ko ang paghawak ni lolo sa balikat ko. "Lo?" Baling ko dito. "You need to talk," saad ni Lolo. Hindi ko agad nakuha ang ibig nitong sabihin. "Or would you like me to stay?" Dahil sa nalilito ako sa kung ano ang ibig nitong sabihin ay tumango na lang ako. "Of course, I'd love if you stay." Ngumiti si Lolo at inabot ang kamay ko. Binitawan ni Ezio si Irene saka ito lumapit sa amin. Nagbigay galang siya kay Lolo saka napatingin sa akin. "Hoshiko, I would like you to meet your father." Mahina lamang ang pagkakasabi ni Lolo ngunit dinig na dinig ko. Bigla kong naalala ang sinabi ng lalaki no'ng binanggit nito ang pangalan niya, "It's L