Tumunog ang cellphone ni Aurelio, he excuses himself. Nagpatuloy kami sa katuwaan nang mapansin ko ang pag-iiba sa ekspresyon nito. "What? Where is he?" Tanong ni Aurelio sa sino mang kausap nito sa telepono. "How did it happen, Mikhael?! Sinabihan na kayo ni First na nanganganib ang buhay niya!" Kahit pa pinapanatili nitong kalmado ang tono ng pananalita ay mahahalata pa rin ang panginginig nito. Napatayo na sila Enrique, Lucca at Enzo. Nagkatitigan kami ni Gabriel. Kinukutuban ako ng hindi maganda. "Kuya Aurelio? Anong nangyari kay Kuya Magnus?" Hindi man nabanggit ni Aurelio na si Magnus ang paksa ng usapan nila ay diretsahan iyong itinanong ni Gabriel. Hindi nakasagot si Aurelio. "Aurelio, speak!" Singhal ni Enrique. Makikita ko ang pag-aalala sa mga mata ng mga kasama ko. Naikuy