Nabigla si Irene nang makita si Ezio sa harap ng kanyang pinto. Napahinto siya gayon din ang tatlong babaeng kasama niya. "Mr Vernardice?" Bulalas niya nang makita itong nakasandal sa kotse nito. "Irene," napalakas ang pagkakahawak niya sa dala-dalang supot ng tinapay nang marinig ang pangalan niya mula sa labi ni Ezio. Humakbang palapit si Irene at napaatras naman ang tatlong kasama nito. Nagtutulakan habang sumisilay ang makabuluhan nitong mga ngiti. "Oh. Hi, ladies." Baling ni Ezio sa mga kasama ni Irene. Automatiko namang napataas ng mga kamay ang tatlo bilang pagbati. "Hi, we just have a morning stroll with her." Sagot ng isa na animo'y nagpapaliwanag ito upang dipensahan si Irene. "That's good to know and did I interrupt something? If you're not yet done, please feel free to do,