"So this is your coffee shop." Hindi iyon tanong. Sinisigurado ni Irene na alam nito na narinig niya ang pag-uusap nila. "Yes," nakangiting sagot ni Ezio. "My first ever business that I built with my own money," dugtong nito. "Kaya ba hindi mo 'to igini-give up?" Panghuhula ni Irene. "That's one reason. The other one is that this is a memorable place for me, this is where I met my late wife." Seryosong sagot ni Ezio. Bahagyang nawala ang ngiti sa mga labi ng dalaga nang malamang may dating pag-ibig ito. Hindi naman iyon imposible given na nasa mid 40s na si Ezio, maliban sa ubod ito ng gwapo ay ubod ng yaman din. Ngunit sa halip na makaramdam siya ng selos ay mas namayani ang simpatya sa puso niya. Nakaramdam siya ng awa para dito. "You must have love her that much," saad ng dalaga s