Nagpi-feeling royalty ako habang pababa sa mabulaklak na hagdan. Tatlong araw nang ganito ang bahay magmula nang surpresahin ako ni Magnus ng mga bulaklak. Napatigil ako sa kalagitnaan nang makita ko sa dulo ang babaeng tinatawag nilang Maria, ang babaeng hinimatay nang makita ako sa loob ng collection room ko. Bakas sa mukha nito ang pagkabigla nang makita ako ngunit agad namang nakabawi at nagbigay galang. "G-good morning, mi lady." Natawa ako ng mahina nang marinig ko kung paano ito mag-stutter. Napatingin siya sa akin na may bahagyang namimilog na mga mata saka nag-iwas ng tingin na animo'y napahiya ito. "I-- I didn't mean to offend you, mi lady." Again she stuttered. "No, you did not. Are you that scared of me?" Tanong ko dito. Agad naman itong napatingin sa akin saka tarantang iwin