Chapter 107 Margaux - The Magnate's Shot

1075 Words

Bago pa mam ako makalapit kina Irene ay naawat na ito ng mga kasamahan namin. "Huwag ako ang komprontahin mo Lexus, pagsabihan mo 'yang ubod ng yabang ngunit tamad naman mong manager, namamana na ng alaga niya, tingnan mo si Celine, lumaki na ang ulo mali-mali naman ang ginagawa." Parang mapipigtas ang ugat sa leeg ni Irene habang nagsasalita ito sa harap ng Producer. "Sige na, Irene. Kumalma ka na. We can't cancel this today." Pakiusap sa kanya ng Direktor. "Nasaan na ba si Celine?" baling nito sa ibang staff. Agad namang lumapit ang assistant ng manager ni Celine. "Direk, umuwi po." Pagbibigay alam nito. "What?" Bulalas nito saka napasabunot sa sariling buhok. Kinuha nito ang kumpol ng script saka muling ibinagsak. "Umuwi nanaman? Bakit daw?" tanong nito habang nakapamewang. "Masaki

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD