Margaux Arevalo
Nagising ako sa isang silid na may purong itim na kurtina. Bakit wala akong maalala? Nasapo ko ang noo nang makaramdam ng bahagyang pagkahilo. Nilibot ko ng tingin ang buong paligid, maliban sa itim na kurtina ay tanging ang nag-iisang mesa at malawak na kama lamang ang narito. Tumayo ako at dali-daling hinanap ang mga gamit ko, pero wala, maging ang mga bulsa ko'y wala ring laman. Tinabig ko ang kurtina at nabigla ako nang makitang pader ang nasa likod nito. Natigilan ako nang may maalala ako, papunta ako sa isang audition nang may itim na sasakyang tumigil sa harap ko, may mga lalaking bumaba at sapilitan nila akong isinakay. Dali-dali kong tinungo ang pinto nang bigla itong bumukas at pumasok ang tatlong babae na nakamaskara at may dala-dalang mga kahon at damit.
"S-sino kayo?" nangangamba kong tanong pero wala akong nakuhang sagot mula sa mga ito. "Sino kayo!?" bulyaw ko dito saka ako napaatras, umakyat ako sa kama upang makalayo sila.
"Strip her." Tinalikuran ako ng babaeng may hawak ng itim na gown. Pinanlakihan ako ng mata nang pinagtulungan ako ng dalawang babae at sapilitan nilang hinubad ang damit ko, ipinasuot nila sa akin ang itim na gown saka pinaupo sa kama.
"Ano bang nangyayari, anong gagawin niyo sa akin?" tanong ko habang inaayusan nila ako, walang sumasagot sa mga tanong ko.
"Parang awa niyo na, wala naman sigurong mawawala kung malalaman ko, ‘di ba?" mahina kong turan, nagtitigan ang dalawang babae sa isa't-isa, saka nagsalita ang isa.
"You will be sold through an auction tonight," mahinang turan ng babae.
"Auction?! Anong palagay niyo sa akin? Antique?" nanggigil kong turan.
"Tara na," sabi nito sa mga kasama saka ako iniwan. Pasalampak akong napaupo sa kama, di ko na alam kung anong mangyayari sa akin pagkatapos nito. Diyos ko, isang beses lang. May magligtas lang sa akin ng isang beses. Kung meron lang talaga-- kung meron lang sana.
Dali-dali akong tumakbo nang pumasok ang dalawang lalaki at kinaladkad nila ako papunta sa isang lugar. Pinaakyat nila ako sa isang bilog at elevated na entablado na may tatlong baitang. "Tumayo ka ng maayos, isang baba mo lang ng isang baitang-- malilint*kan ka!" malamig nitong turan. Parang tuod akong nakatatayo sa entablado nang biglang umilaw ang paligid. Nakakasilaw ang ilaw na nakatutok sa akin kaya itinapat ko ang palad sa mukha upang maaninag ko ang mga tao sa harap, halos malula ako sa dami ng nakatingin sa akin.
"Ladies and Gentlemen, for tonight's most precious item. We have here a long-legged hour glass princess, 5'6 in height, pale complexion with milk chocolate eyes-- as you can see, a complete perfect art," sigaw ng auctioneer. Nanghina ang mga tuhod ko nang maghiyawan ang mga ito kaya pasalampak akong naupo sa sahig.
Biglang umingay ang paligid saka tumahimik, napatingin ako sa paligid-- napakaraming tao. Ang ilan ay gumamit pa ng teleskopyo upang makita lang ako. Natatakot ako, anong kasunod nito, anong gagawin ng taong makakabili sa akin. Anong mangyayari sa buhay ko-- katapusan ko na ba o may darating pa ba upang iligtas ako?
"Wanna have her? I will start at 500 Thousand!" sigaw ng auctioneer.
"Seven hundred thousand!" sigaw ng isang lalaking mas bata pa sa akin. Nanginginig ang mga kamay ko sa galit sa isiping parang nagbebenta lang sila ng painting.
"Seven Thousand money bidder would you give nine, would you bid nine would you go nie, would you give nine..." sigaw ng auctioneer.
"Nine hundred thousand!" sigaw ng isang matabang lalaki saka ako tinapunan ng isang malaswang tingin, parang gusto kong masuka nang makita ko ang mukha nito.
"Nine hundred thousand money bidder would you give 1.2M, would you bid 1.2M would you go 1.2, would you give 1.2..." sigaw ulit ng auctioneer.
"5.5 Million!" sigaw ng isang foreigner saka kagat labing napatingin sa akin-- napakabastos!
"5.5 Million money bidder would you give 7.5, would you bid 7.5, would you go 7.5, would you give 7.5..." sigaw ulit ng auctioneer.
"10 Million!" sigaw ng isang matanda at matabang lalaki saka nito kinapa ang kanya habang nakatingin sa akin. Mariin akong napapikit-- gusto kong masuka sa kalagayan ko ngayon. Siguradong ito ang makakabili sa akin dahil sa laki ng offer nito-- kapag nangyari iyon, magpapakamatay na lang ako.
"10 Million money bidder would you give 12, would you..." di natapos ng auctioneer ang sasabihin nang sumigaw ang isang lalaki.
"5 Billion-- Sold!" sigaw nito saka tumayo at inayos ang nagusot na suit, kasunod nito ang limang lalaki na nakablack suit pawang may bitbit na malalaking itim na maleta, natahimik ang lahat maging ang auctioneer ay natigilan din. Napatingala ako at napatingin sa lalaking nag bid nang ganoon kalaki. Bumaba ito at naglakad papunta sa kinaroroonan ko.
"Going once. Going twice. Sold to the highest bidder!" nabalot ng ingay ang buong paligid. Ibinagsak ng limang lalaki ang malalaking suitcase sa harap ng auctioneer na ngayo'y tulalang nakatingin sa kanila. Natahimik ang lahat nang umakyat ang lalaking bumili sa akin sa entablado at lumapit sa akin.
Nakasalampak pa rin ako sa sahig kaya tumingkayad siya at yumuko. He held my chin and pulled my face upward-- just then my eyes met his. Napamaang ako nang makita ang napakaganda nitong mga mata-- that hazel brown eyes na animo'y gintong kumikuminang. Bigla kong naalala ang lalaking minahal ko noon sampong taon na ang nakararaan, ang lalaking limot ko na ang pangalan at mukha at ang tangi ko na lang naaalala ay ang kakaiba nitong mga mata-- kung siguro'y asul ang kanan nitong mata ay aakalain kong sila'y iisa. Kaso ang lalaking kaharap ko ngayon ay may perpektong mga mata 'di tulad noong isa na may heterochromia.
"Tss! Was für ein preis!" pinanlakihan ako ng mata nang marinig itong magsalita sa wikang German Deutsch. Pareho sila-- what a coincidence!
Trans: Tss! What a price!
Dahil do'n ay kunot ang noo akong napatitig sa mga mata nito, lumuhod ako saka inabot ang mukha niya habang inilalapit ko naman ang mukha ko sa mukha nito upang matitigan kong maigi ang mga mata nito.
Napatigil lang ako nang bigla itong tumayo saka ako tinitigan na animo'y nagbabanta. Exposing that double eyelid-- I bet he's mad.
"The only part that a servant can kiss is her master's fingertips," malamig nitong turan saka iniabot ang kanan niyang kamay. Nakatingala ako sa mukha nito at mula roon ay napatingin ako sa kamay nito at sa singsing na may malaking asul na bato na nasa hintuturo nito at sa silver ring na may nakaukit na M.A sa gitna ng dalawang ace of spade.
Does it stand for... Mariin akong napapikit-- nahihiya ako dahil naisip kong maaari rin itong maging Margaux Arevalo.
"Aren't you going to kiss your Master hello, after he bought you at a very costly price?" malamig nitong turan, napatingin ako sa kamay nito, it has a fine outline of veins with long fingers and beautiful nails. Inabot ko ang kamay nito saka hinalikan ang dulo ng daliri nito-- that smell of rubbing alcohol. This man just spilt one of his personality-- and that was, he is hygienic and might be a clean freak.
Napatingala ako sa kanya nang hawakan nito ang mukha ko matapos kong halikan ang kamay niya, "what a docile young miss. My 5 Billion wasn't wasted indeed," aniya saka kumurba ang labi. Nabigla ako nang walang pasabi niya akong binuhat. "Don't be so trustworthy, the man holding you right now has a bad habit of dropping things-- no matter how expensive it is," mahina niyang turan, mga ilang segundo pa bago ko makuha ang ibig nitong sabihin kaya dali-dali kong isinaklay ang mga braso sa leeg nito.
Lumabas kami ng hall at doon ko napag-alamang nasa isang hotel pala kami. Paglabas namin ng hotel ay doon ko nalamang malapit lang pala ito sa paaralan ko. Sa dulo ng red carpet ay may nag-aabang na black limo, nakatayo do'n ang isang lalaki in black suit wearing an eyeglasses-- he looks like a butler in old earl's time.
"Good evening, My Lord," bati nito sa lalaking kumarga sa akin at saka niya kami pinagbuksan ng pinto sa likurang bahagi. Isinakay ako nito saka siya tumabi sa akin.
"Shall we, My Lord?" tanong ng butler nito nang makapasok na kami.
"At the Alphamirano Estate, Mikhael." Natigilan ako nang marinig ang sinabi nito-- Alphamirano, saan ko nga ba ito narinig?
"As you wish, My Lord," nakangiti nitong turan saka isinara ang pinto namin. Napatingin ako sa labas ng bintana saka mariing napapikit, pilit inaalala ang pangalan nito. Nanlalaki ang mga mata akong napaayos ng upo nang maalala ko ang itim na business card. Bigla kong naalala ang sinabi ng lalaki kanina na aantayin nila ang tawag ko at kailangan kong magdemand ng reward kung 'di ay mapapasama ako.
Di na ako mapakali at halos nanginginig na ang tuhod ko sa ideyang ang kasama ko marahil ang boss na tinutukoy ng lalaki kanina. Napatingin ako sa unahan nang huminto ang sasakyan. Napaigtad ako nang may mga batang kumakatok sa bintana at paulit-ulit na tinatapik ang salaming bintana. Napatingin ako sa lalaking katabi ko nang dumukot ito ng limang libo na nasa gilid lang ng upuan nito. Halos lumuwa ang mga mata ko nang makitang kung saan-saan lang nakasiksik ang bulto-bulto nitong pera. Napaatras ako upang maiwasan ito nang iniabot niya ang pera sa mga bata, masyado siyang malapit sa akin kaya naaamoy ko ang bango ng after shave nito na humalo sa napakabango nitong perfume. Nanlalaki naman ang mata ko at sinagad ko na rin ang pagkakasandal, maiwasan lang ang mukha nito dulot ng biglaan niyang paglingon. Sumisikip ang dibdib ko nang maramdaman ko ang init ng hininga nito at maamoy ang bango nito. He exposed a half smirk bago siya umayos ng upo. Kinuha nito ang rubbing alcohol na nasa gilid ng upuan saka nagpunas ng kamay, marahil ay sa paghawak niya ng pera kanina-- iba rin 'tong lalaking 'to.
Bumukas ang malaking gate at pumasok ang limo. Pinagbuksan kami ng lalaking nagbigay sa akin ng business card kanina.
"Good evening, Young Lord," bati nito sa binata na sinagot lamang nito ng tapik sa balikat.
"Good evening, Young Lady," napakunot noo ako nang marinig ang honorific na ginagamit ng mga ito.
"Teka lang, Sir!" sigaw ko dito nang tuloy-tuloy lang ito sa paglalakad. Hawak-hawak ang manggas ng suot kong gown ay binilisan ko ang paglalakad upang maabutan ito. Tumigil ito sa paglalakad at lumapit sa kanya ang isang lalaki, kinuha nito ang suit at necktie na suot niya at tanging ang puting pulo lang ang itinira.
"Yes?" humarap ito sa akin saka nito tinanggal ang unang tatlong buton ng suot niyang polo dahilan upang malantad sa harap ko ang matipuno nitong dibdib. Hindi ko magilan ang sariling 'di tapunan ng tingin ang magandang tanawing iyon at masentro ang atensyon ko sa tattoo na nasa kaliwang dibdib nito; isang ace of spade na may korona sa itaas.
"Ahm, ito po ba ang Alphamirano Estate?" tanong ko dito.
"Yes," aniya.
"And you-- you are an Alphamirano?" parang tangang tanong ko.
"Absolutely." sagot nito sa akin sabay sigaw ng pangalan, "Romana!" Agad na lumapit ang isang babae at inabutan siya ng alak na nasa baso. Naupo ang lalaki sa couch habang ako nama'y nakatayo sa harap niya. Tumunga siya ng alak saka sumandal at tinitigan ako mula ulo hanggang paa.
"Good evening, Lord Magnus," nanlaki ang mga mata ko nang banggitin nito ang pangalan ng lalaki. Bigla kong naalala ang business card-- I'm doomed!
"I-ikaw si M-Magnus Alphamirano?!" 'di makapaniwala kong turan. Nangisay ako sa takot at pabagsak na naupo sa kalapit na sofa nang mapagtanto kung sino ang kaharap ko ngayon. Kaya pala nang mabasa ko ang pangalan nito sa business card ay masyado itong pamilyar. Napakunot-noo ito saka umayos ng upo then he leaned forward towards me.
"Why, have you recalled something about that name?" nanliliit ang mga matang turan nito at muli sa pangalawang pagkakataon ay napatitig ako sa malaginto nitong mga mata. Agad akong nag-iwas ng tingin-- diyos ko anong karapatan kong titigan ito sa mata!
"O-oo, the Nation's Husband," pabulong kong turan habang pilit na iniiwasang titigan siya sa mata-- ang usap-usapan kasi'y di nabubuhay ng matagal at pinaparusahan ang sino mang mangahas na titigan ito sa mata.
"Oh, so that's what you've recalled-- nothing more?" napakunot-noo ako sa tanong nito, dali-dali naman akong tumango…
"Ah, meron pa!" pahabol ko ng di pa rin siya tinatapunan ng tingin.
"What is it, Fräulein?" tanong nito. Faulein? Ano yon?
Trans: Fräulein (Fraw-layn)means young lady in German Deutsch
"I-ikaw ‘yong nasa business card," nabigla ako nang napabuntong hininga ito. Napaigtad ako nang mabasag ang baso sa kamay nito. Diyos ko, nabasag niya ba ang baso gamit ang kamay lang-- is he human?
"So that-- that's what you've remembered? At least you've remembered!" napakuyom ako ng kamao sa lamig ng boses nito, nagagalit ba siya dahil hindi ako humingi ng reward?
"Romana! Lead my Fräulein to her chamber," malamig nitong turan saka tumayo at iniwan ako. Teka, ano bang ibig sabihin ng Fräulein? Pangalan ba yon?
"Teka lang," sabi ko napatigil ito sa paglalakad saka ako hinarap.
"Just to inform you that I am not Fraulein, okay? Baka nagkamali ka ng binili-- my name is Margaux Arevalo," seryoso kong turan saka ko inilahad ang kamay upang makipagkamay.
"As I've presumed," sagot nito saka inabot ang kamay ko at hinalikan-- makikipagkamay lang naman sana ako. Tila may mga mumunting boltahe ng kuryente ang dumaloy mula sa kamay ko papunta sa puso ko nang lumapat ang malambot nitong labi sa kamay ko.
"Goodnight, Fräulein!" nakapamulsa nitong turan saka umakyat na sa itaas. Tulala naman akong naiwan, nagising lang ata ako nang lumapit sa akin si Romana.