Margaux Arevalo
"Let me guide you to your room, miss." Anang Romana saka bahagyang yumuko. Nagsimula itong maglakad, leading my way through expensive rooms.
"Ganito ba kayaman ang Nation's Husband?" ang mga salitang nasa isip ko lang ay di ko inaasahang naisalita ko pala.
"There's a lot more to see, Miss. What you will see in the upper world is the exact opposite of the underworld-- though he has more than there than here. One thing that the two world has in common is that it shares one Lord." Napakunot noo ako sa sinabi nito.
"Ano bang ibig sabihin no'n Romana-- pasensya di kasi gaanong na digest ng utak ko ang mga sinabi mo?" tanong ko dito.
"Here's your room, if you need something-- just ring the bell," nakangiti nitong turan.
"Any question bago kita iwan?" tanong nito habang nakangiti pa rin.
"Pangalan ba iyong Fräulein?" tanong ko.
"It's a title in German form-- it means 'young lady'," sabi nito saka hinawakan ang doorknob upang isara at iwan ako. Pero dali-dali kong hinawakan ang kamay nito.
"May isa pa," sabi ko. Napatitig ito sa mga mata ko saka siya ngumiti.
"Ano po iyon?" Napangiti ako, maganda si Romana and she has this warm smile, I bet she's in her late 20's.
"Anong ibig sabihin ng mga sinabi mo kanina-- tungkol sa upper world at underworld?" tanong ko dito.
"Ah, that it shares one Lord? Alphamirano is the most prime in the upper world and the Lord of the underworld," This family seems weird to me-- bakit parang pakiramdam ko'y hawak ng mga Alphamirano ang mundo? Kung i-describe niya 'to ay parang nasa isang mundo ako kung saan hindi saklaw ng gobyerno. Mga kwentong makukuha mo lang sa isang libro.
"Lord of the underworld?" kunot noo kong tanong.
"Magnus Alphamirano is the Nation's Husband on the other side he is the Mafia's Lord," aniya saka buong galang na yumuko.
"M-Mafia? So that man was the Mafia's Lord-- I am being sold to the Mafia Boss!" inabot pa ata ng limang minuto bago nag sink in sa akin ang mga sinabi nito. Startled by what I've learned, I fell on the floor. Saka ko lang napansin na nakaalis na pala si Romana.
Tumayo ako saka binuksan ang closet, may iilang damit pangtulog kaya kumuha ako ng isa at nag-shower. Pabagsak akong nahiga sa kama, tumagilid, tumihaya-- kahit anong posisyon ay nagawa ko na pero di pa rin ako makatulog.
"Ano bang nangyayari? Anong mangyayari sa akin pagkatapos ng araw na 'to-- anong magaganap bukas?" inis kong naihilamos ang kamay sa sariling mukha saka napaupo sa kama.
"Hindi niya ako bibilhin sa halagang limang daang bilyon para lang matulog sa silid na ito," parang na drain lahat ng dugo ko nang sumagi sa isip ko ang posibleng mangyari, nanginginig kong niyakap ang sarili saka napatingin sa paligid. Agad kong tinakbo ang bintana, dumungaw ako at napagtanto kong mahirap tumakas dahil sa dami ng mga lalaking nakabantay sa paligid ng manor.
"Siguradong kinulong nila ako dito," kahit pa ganoon ang nasa isip ko ay sinubukan ko pa ring pihitin ang door knob. Gulat akong napatigil nang bumukas ito.
"They're not locking me in here o baka'y nakalimutan lamang ni Romana na i-lock ang pinto?" Lumabas ako at dahan-dahang naglakad papunta sa hagdan. Nang di ko pa man marating ang hagdan ay nakita ko ang pusang nakita ko kaninang umaga, marahan itong naglalakad saka napatigil at napatingin sa akin.
"Magu," pagtawag ko sa pangalan nito, tumingin ito sa akin saka umikot sa pwesto niya at nag "meow" napangiti ako saka humakbang palapit. Lumingkis ito sa binti ko habang nakatingin sa akin kaya mahina akong natawa.
"Di ka rin ba makatulog, Magu?" tanong ko dito sabay buhat sa kanya.
"So you're a girl," tumatawa kong turan nang makita ang kasarian nito.
"Oh ang ganda-ganda talaga ng mata mo," bulong ko saka nanggigigil itong niyakap. Nabigla ako nang tumalon ito at pumasok sa isang silid na nakabukas ang pinto.
"Magu?" pagtawag ko sa pangalan nito saka sinundan ito at tumuloy na rin sa pintong pinasukan nito.
"Magu?" pabulong kong turan ngunit di ko ito mahanap. Napatingin ako sa paligid ng silid at napansin kong madilim sa parteng kinatatayuan ko. Nakuha ng aandap-andap na liwanag ang atensyon ko sa kabilang dulo, sa isiping doon pumunta si Magu ay tinungo ko ito. Habang naglalakad ay napansin kong medyo mausok ito at may naririnig akong agos ng tubig.
Mga ilang hakbang pa lang ang layo ko mula sa lugar na iyon nang makita ko ang isang lalaki sa loob ng isang malaking jacuzzi tub, elevated ng may dalawang baitang. Nakatalikod ito sa kinaroroonan ko habang nakadipa at nakasandal sa mala marmol na rim ng tub. Napalunok ako nang makita ang malapad nitong balikat.
Nakita ko ang pusang nakaupo at nakatingin sa lalaki kaya humakbang ako palapit upang kunin ito, di pa man ako nakakalapit sa pusa ay natigilan na ako, dahil na rin siguro sa paglapit ko ay mas naging malinaw ang likuran ng lalaki, natigilan ako nang makita ang hugis trianggulong tattoo na inukitan ng ace of spade at letrang M sa gitna. Habang sa tabi naman niya'y nakapatong ang isang baril.
"M-Mafia!" bulalas ko saka napatakip ng bibig. Dahil sa nilikha kong ingay ay napatayo ito at hinarap ako. Sa pagkabigla at sobrang takot ay napaupo ako sa sahig. Nakatayo ito sa unang baitang ng jacuzzi tub, habang tinatakpan ng kaliwa nitong kamay ang kanan niyang mata habang ang hawak-hawak naman ng kanan nitong kamay ang baril na nakatutok sa akin.
"M-Magnus?" bulalas ko habang nakatingin sa malaginto nitong mata.
"What are doing here?" malamig niyang tanong habang tinatakpan pa rin ang kanan niyang mata. Ibinaba niya ang baril saka inalis ang kamay na tumatakip sa kanan niyang mata, bigla kong naalala ang legend of the Nation's Husband na isang malaking pagkakamali ang titigan ito sa mata kaya kasabay ng pagbaba ng kamay nito ay ang pagbaba ng mga tingin ko. Pero isa iyong mas malaking pagkakamali.
"Ahhhhh!" sigaw ko saka dali-daling nagtakip ng mata nang makita ang bagay sa gitna ng mga hita nito. Parang di ito na alarma sa naging reaksyon ko dahil dahan-dahan lang itong bumaba ng jacuzzi tub saka marahang naglakad papunta sa pinaglalagyan ng bath robe niya at isinuot ito.
"I'm sorry... I'm sorry," paulit-ulit kong paghingi ng paumanhin. Lumapit ito sa akin saka tumingkayad sa harap ko.
"I see, you have this habit of falling and sitting on the floor," mapanuya nitong turan, mariin akong napapikit saka yumuko.
"I've heard you said Mafia a while ago," sabi nito dahilan upang mapatingala ako at mapatingin sa mukha nito, tanging ang kaliwang mata niya lang ang nakikita ko dahil natatakpan ng buhok ang kanan nitong mata.
Nag-iwas ako ng tingin saka iniangat ang kamay at itinuro ang tattoo sa dibdib nito.
"Yung tattoo na nasa likuran mo kanina-- 'yung letter M, Mafia marahil ang kahulugan nun," pabulong kong turan.
"Stupid!" bulalas nito saka napatawa, kaya gulat akong napatingin sa mukha nito. Bigla niyang itinigil ang pagtawa saka ibinalik ang seryoso nitong ekspresyon.
"M doesn't stand for Mafia, why of all words you've picked the most dangerous one when it can stands for Magnus or Magu-- or even Margaux," natigilan ako sa sinabi nito at di ko alam kung bakit napabilis ng mga katagang yo'n ang t***k ng puso ko. Sa ikalimang pagkakataon ay naglakas loob akong titigan ito sa mata. Kumurba ang labi nito at sumilay ang isang ngisi kaya dali-dali kong ibinaba ang tingin, 'di dahil sa legend ng nation's husband kung hindi dahil nakakaintimidate ang mga titig nito. Ang totoo'y ang buong siya ang nakakaintimidate.
"Mafia Boss ka ba talaga, Magnus?" tanong ko dito nang nakayuko.
"So Romana did told you," malamig nitong turan saka tumayo. Agad akong kinabahan nang marinig ang pahayag nito. Bigla akong nag-alala sa maaaring sapitin ni Romana kaya dali-dali akong tumayo at lumuhod sa paanan nito.
"No! Pinilit ko siyang sabihin sa akin-- kaya wala siyang kasalanan," nakapikit kong turan habang nakayakap sa binti niya.
Napadilat ako nang mata nang maramdaman ang mainit niyang hininga sa tenga ko, naka genuflect na pala ito sa harap ko habang ako nama'y nakayakap pa rin sa kaliwa niyang binti.
"I could smell the scent of terror through your words-- are you thinking that I would harm Romana for telling you about me being the underworld Lord?" bulong nito saka siya bahagyang dumistansya at tinitigan ako sa mata at sa pang-anim na pagkakatao'y natitigan kong muli ang malaginto nitong mga mata. Tumango ako saka napatingin sa mga labi nito.
"Why is that Margaux?" dahil sa titig na titig ako sa mga labi nito ay kitang-kita ko ang paggalaw nito at ang perpekto nitong mga ngipin. Agad akong naglihis ng tingin sa pangambang baka mapansin niya.
"Because you're not just a Mafia but a Mafia Boss," Pabulong kong turan. Natigilan ito saka siya napabuntong hininga.
"So that's how you see me," aniya saka tumayo. Inilahad niya ang kamay niya pero di ko tinanggap sa halip ay tumayo ako ng mag-isa at tinalikuran siya.
"You've came all the way here-- what is it that you're up to?" tanong nito na ikinatigil ko. Sasabihin ko sanang ang pusa ang sinusundan ko but I prefer to grab this opportunity to know what's the reason behind him spending 5 billion to buy me.
"I want to know, why did you spend 5 Billion on me?" tanong ko dito saka siya hinarap. Humakbang ito palapit sa akin kaya bahagya akong napaatras.
"I've owed you, and I hate being in debt," bulong nito.
"So you paid for it? Ibig sabihin ba'y wala kang hihinging kapalit sa 5 Billion dahil yo'n na ang reward mo sa akin-- pwede na ba akong umalis bukas?" nagliliwanag ang mukha kong turan.
"Sadly, it's not a reward nor a payment because you haven't contacted me for it-- you know I hate giving rewards to those who don't want it and most of all I hate people who act generously towards me because I am not the one who accepts favors," Napaatras ako nang humakbang ito palapit hanggang sa mapasandal na lang ako sa salamin nitong pader.
"A-anong ibig mong sabihin?" nakangiting aso kong turan saka tinangkang umalis sa harap niya. Napatigil ako nang iniharang nito ang braso upang pigilan ako.
"It's a contract about you being indebted to me. You know that black card you've received, it has its tracking device-- that's how I've tracked you. So what happened there was I saved you-- that's the reward for saving Magu. But that 5 Billion was not a part of the compensation-- you are indebted to me now. Hearing how scared you are a while ago after realizing that the one who purchased you was a Mafia Boss, I guess you're intelligent enough to comprehend how Mafia works and how they deal with their debtor." Para akong nanigas sa mga narinig ko-- this is a suicide, para akong pusa na pumasok sa lungga ng Leon. Paano ko naman mababayaran ang 5 Billion?
"You know that I don't spend a Billion just to throw that thing aside, right?" makabuluhan nitong turan, napasandal ako sa salamin nang inilapit niya ang mukha sa akin.
"Mag-- magtatrabaho ako at mababayaran kita," bulalas ko. Natigilan ako nang humalakhak ito.
"Common Margaux, you barely know that even working 24/7 won't make you 5 billion. Maybe if I wait for 5 reincarnations of yours?" nakangisi nitong turan. Tama siya, masyadong malaki ang 5 Billion at di ko yun kayang bayaran.
"Then tell me how can I repay you?" seryoso kong turan. He smiled as amusement was written all over his face. Napaigtad ako nang mag-angat ito ng kamay at hinaplos ang mukha ko, inalis niya ang iilang hibla ng buhok na nasa mukha ko saka ako tinitigan na para bang sinusuri niya ang bawat anggulo ng mukha ko-- biglang naging malamyos ang mga titig nito, ngunit panandalian lamang dahil muli na naman nitong ibinalik ang nakakatakot niyang aura.
"Marry me, Margaux Arevalo," napamaang ako sa sinabi nito.
"Just like the deck of cards, I'll give you two sides. One is NO but I'll have your family instead and the other one is YES and I'll have you, it always comes with a price. Choose which side are you, Margaux," aniya. napatitig ako sa mga mata nito.
"Now I understand the meaning of those tattoos. You've got that ace-- always," taas kilay kong turan.
"Yes, I'll always have that ace-- because I myself is an ace." makabuluhan nitong turan. "Now, give me the side you've chosen," dugtong nito.
"Damn it Magnus, you're asking a question with the answer provided by you," nanggigigil kong turan.
"For formality," maikli nitong tugon saka ngumiti.
"If I say YES, how will I make sure that you wouldn't harm my family. How will we sealed this contract-- at least partly in favor of me," tanong ko dito.
Pinanlakihan ako ng mata nang hawakan nito ang mukha ko at siniil ako ng halik, para akong tuod na nakatayo sa harap niya, nakita ko itong pumikit habang nararamdaman ko ang paggalaw ng malambot nitong mga labi. Di ako makagalaw, di ko alam kung gaganti ba ako sa mga halik nito o hahayaan na lang.
Sa 'di malamang kadahilanan ay naluluha ang mga mata ko nang tumigil ito, dahan-dahang nagmulat ito ng mata saka tinitigan ako sa mata with his right eye still covered with hair.
"Sealed with a kiss," bulong nito. Napalunok ako saka nag-iwas ng tingin.
"If you're unsettled about our conversation, remember that Legend of the Nation's Husband? I guess you know it well since you've been avoiding eye contact with me, it might sound like more of a legend but it's true-- so rest yourself," sabi nito saka ako tinalikuran. Napansin niyang iniiwasan kong titigan siya sa mata.
Bigla kong naalala ang usap-usapan na, he's true to his words if he kisses you.