Chapter 4 - How to be spoiled by a Mafia

1936 Words
Margaux Arevalo Pabagsak akong nahiga sa kama saka nailagay sa noo ang kamay, napatingin ako sa kisame-- blanko lang akong nakatitig dito dahil wala akong maisip-- wala akong maisip dahil di pa nadadigest ng utak ko ang mga sinabi nito. Napakatahimik ng silid, kaya dinig na dinig ko ang sariling paghinga at ang tunog ng orasan. Makalipas ang isang oras ay napaupo ako. Naihilamos ko ang kamay sa sariling mukha. "Bakit ako?" naitanong ko na lang bigla nang maalala ang alok nito sa akin. Ano bang mapapala niya sa akin, dahil ba niligtas ko ang pusa niya-- yun lang ba? "Anong mangyayari sa akin-- pagkatapos ng kasal?" ano ba ang tungkulin ng isang asawa-- asawa ng isang mafia-- higit sa lahat ang maging asawa ng isang nation's husband? Mariin akong napapikit saka inis na ginulo ang buhok, "I'm doomed!" patay talaga ako-- di lang sa mapapangasawa ko kundi pati sa mga tagahanga nito-- tiyak na kukuyugin ako. Iniisip ko pa lang ay parang papanawan na ako ng ulirat. Nangarap naman ako ng maayos at marangyang buhay pero di ang ganito-- sobrang karangyaan at sa pagkakaalam ko'y nakakasakal ang ganitong buhay-- at ayaw ko ng ganito. May pangarap ako pero gusto kong maabot ito sa paraang alam ko, sa paraang gusto ko sa tamang paraan-- sa paraang pinaghirapan ko. Bumaba ako ng kama saka dumungaw sa kama, nasa teritoryo ako ng mga Mafia-- makalabas man ako sa bahay na 'to ay di naman ako makakatakas sa mga kamay nito. Pabagsak akong naupo sa sahig nang maalala si nanay, tatay at ang kapatid kong lalaki--  "Just like the deck of cards, I'll give you two sides. One is NO but I'll have your family instead and the other one is YES and I'll have you, it always comes with a price. Choose which side are you, Margaux." Muling nagbalik sa alaala ko ang mga sinabi nito, ang mga mata nitong puno ng pagbabanta-- lalong lalo na ang halik nito. Namalayan ko na lang ang sariling sapo-sapo ang labi-- nagpalingo-lingo ako. Di ko alam kung bakit ako umiiyak nang maalala ang halik nito, agad akong nagpunas ng luha saka napatingin sa basa kong kamay. Hindi ko ipapahamak ang pamilya ko-- maliban sa pangarap ko ay sila na lang ang meron ako. Magpapakasal ako-- pero ilalatag ko ang sarili kong kondisyon. Tumayo ako saka bumalik sa kama. Tumagilid ako, napakunot noo ako nang makita ang back pack kong nasa lamesa-- nahanap rin pala nila ang bag ko. Bumaba ulit ako saka kinuha ang cellphone at headset, napatingin ako sa black card na nasa wallet ko-- ito ang dahilan kung bakit nila ako nahanap, dahil sa tracking device nito-- nagpapasalamat pa rin ako kahit papaano, kesa sa mapunta ako dun sa matanda, mataba at bastos na foreigner. "At least di lang gwapo ang nakakuha sa akin-- sobrang gwapo pa at ang mismong nation's husband pa..." napatigil ako nang marealise ang mga pinagsasasabi saka malakas na sinampal ang sarili upang matauhan. Muli kong ibinalik ang card sa wallet saka bumalik sa kama, dala-dala ang cellphone at headset. Pahiga na sana ako nang makarinig nang kaluskos sa pinto. Pinanlakihan ako ng mata nang biglang kumulog-- minumulto ba ako? Biglang kumidlat at nabalot ng takot ang buo kong pagkatao, marahil ay marami ng namatay sa manor na 'to. Napangiti ako, eto ang gusto ko! Gusto ko ang pakiramdam ng natatakot-- yung kakaibang takot, yung nakakapanindig balahibong takot-- mga paranormal!  Tumayo ako upang tunguhin ang pinto nang mapatigil ako dahil nakuha ng isang repleksyon sa salamin ang atensyon ko. Naririnig ko ang bilis ng t***k ng puso ko ngunit naiexcite ako-- dahan-dahan kong nilingon ang salamin at halos iwanan na ng kaluluwa ang katawan ko nang makita ang nakalutang na puti-- I laughed in horror saka hinaplos ang sariling mga braso. Nilingon ko ang kabilang direksyon-- nadismaya ako nang makitang ang bathrobe pala na nakasabit sa gilid ng closet ang inakala kong multo. Gusto ko ang mga ganitong scenario, yung takutan kaya mahilig ako sa horror movies at kung ano pang nakakatakot na mga bagay, gusto ko yung tunog ng hinihiwang laman, yung kulay ng dugo. Kaya sobra talaga akong nanghihinayang dahil di ako nakasali sa audition ng lead-- gusto ko talagang makuha ang role ni Victoria; yung babaeng sinaniban saka nagkanda bali-bali ang buto nang malaglag sa mataas na building tapos nagmulto. Lumapit ako sa salamin at napatingin sa sarili kong mukha, dahil sa ginawa nilang pag-aayos sa akin kanina ay naiba ang itsura ko, masyadong makapal ang pagkakalagay nila ng make up sakin kanina kaya ang pangit kong tingnan. Dahan-dahan kong tinanggal ang pagkakapusod ng buhok ko at nalalag ang mahaba, itim at tuwid kong buhok na hanggang bewang. Isa-isa kong tinanggal ang hair pin na ginamit nila upang maitago ang bangs ko. Inayos ko ang bangs na abot ang pilik mata saka ako napangiti-- ang ganda ko, lalo na kapag naging si Victoria ako. Napatigil ako sa kakapuri sa sarili nang muling marinig ang kaluskos sa pinto, napabuntonghininga ako-- eto na ang accomplishment ng mga pangarap ko, ang makakita ng totoong multo! Nanginginig ang mga kamay kong pinihit ang door knob-- pero wala akong nakita. "Magpakita ka," bulong ko sa sino mang kaluluwa ang nagpaparamdam. "Meow," napayuko ako at nakita ko si Magu. Nakatingala ito sa akin na animo'y nagpapaawa. Napangiti ako saka akmang yuyuko upang buhatin ito nang kusa itong pumasok at tumalon sa kama ko. "Meow," malambing nitong turan habang iwinawagayway ang buntot. napangiti ako saka isinara ang pinto. Tumabi ako dito at itinabi sa paghiga, nagkumot ako saka inilagay ang isang bahagi ng headset sa tenga ko at ang isa nama'y sa tenga ni Magu. "Goodnight Magu," nakangiti kong turan saka hinaplos ang noo nito. "Meow," sagot nito, napatingin ako sa mga mata nito. Isang asul at isang mala ginto, muling nagbalik sa alaala ko ang lalaki saking nakaraan. Pilit ko mang alalahanin ang pangalan mo ay di ko magawa-- maaalala lang kita kapag nakita ko ang mga matang 'yan. Ngunit kasabay ng paglabo ng iyong mukha sa aking alaala ay ang paglabo ng pagmamahal ko sayo. Kapag nagkita tayong muli, nais ko lang itanong sayo... Bakit mo ako iniwan, mahal ko? Bigla akong nagising, makailang beses ko pang isinara't ibinuka ang mata saka napahilot sa ulo. Umaga na pala. Tulala akong napatingin sa orasan, inis kong isinuklay mg sabay ang dalawang kamay sa buhok, nanaginip ako ng masama-- di ko lang maalala kung ano. Napatingin ako sa cellphone kong hawak-hawak ko pa rin. Nag-inat ako saka isinilid sa ilong ang maliit na daliri nang paglingon ko ay prenteng nakaupo sa isang couch si Magnus in his suit naka crosslegs habang kalong-kalong si Magu. Naitapat ko ang palad sa mukha nang masilaw ako sa liwanag na nagmumula sa bintana, napaatras ako dahilan upang malaglag ako sa kama. Sa pagkalaglag ko sa kama ay dali-dali kong pinunasan ang mata at gilid ng bibig gamit ang kamay upang alisin ang kung ano mang nanigas dun. "Bakit ba siya nandito-- at saka pano siya nakapasok na inilock ko naman," pabulong kong turan. "Matagal ka pa ba dyan?" malamig nitong turan kaya dali-dali kong nilagay ang ilang hibla ng buhok ko sa harapan upang itakip sa dibdib ko dahil sa wala akong suot na bra. Sinilip ko muna 'to saka ngumiti bago ako umakyat sa kama at hinarap siya. Itinukod nito ang kamay sa baba niya kasabay nun ang pagkinang ng singsing niya. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko. "Seeing my future wife-- obviously," ngumisi ito, napahawak ako sa sikmura nang makaramdam ng kung ano mang bultahe dahil sa sinabi nito. "Nah ah," nakapikit kong turan habang iwinawasiwas sa ere ang kanan kong hintuturo. "Magpapakasal ako pero may sarili akong mga kondisyon," sabi ko saka napahalukipkip. "What an insolent child!" untag nito. "State those conditions and give me reasons," dugtong niya. Ibinaba ko ang paa sa kama saka naupo ng maayos sa harap niya, nasagi pa ng paa nito ang binti ko dahil na rin sa haba ng mga binti niya-- wala bang hindi perpekto sa lalaking 'to?  Tumalon si Magu palayo sa kanya then he interlocked his own fingers and put it below his chin as he stare at me intently. "Una, di mo ako ikukulong, makakapunta ako kahit saan ko gusto, at magagawa ko pa rin ang mga bagay na dati kong nagagawa-- gusto kong mapanatili ang dati kong buhay." "Pangalawa, walang makakaalam na kasal ako sayo," nakita ko kung paano nanliit ang mga mata nito-- damn that hazel-gold eyes, it's killing me! "And why is that?" kunot nitong tanong. "Ayoko kayang kuyugin ng mga tagahanga mo-- gusto kong panatilihin ang simple kong buhay. At saka ayokong marating ang mga pangarap ko nang dahil nakadikit sa akin ang pangalan mo," nakayuko kong turan. "And what dream is that?" tanong nito. "Mag artista," biglang nagliwanag ang mukha ko nang sabihin yun saka abot tenga ang ngiting tinitigan siya. "Stupid, being the nation's husband's wife is the easiest way to have that dream," aniya, nagpalingo-lingo ako. "Anong dangal nun-- gusto kong madiskubre dahil sa talent ko di dahil sa pangalan mo," in a split second he flashes that smile as amusement was written on his face. "Is that all?" tanong nito. Mariin akong napapikit saka nakakuyom ang mga kamaong nakagat ang labi sa pag-aalangan. "Ahm  may isa pa-- wag ka sanang magdadala ng ibang babae sa bahay, kahit sa labas lang kayo-- wag lang dito," napayuko ako nang mahina itong tumawa. "Stupid, you could have said-- not to have any woman through my entire life except you and our daughter," natigilan ako sa narinig-- anong ibig sabihin nun, nakakabobo ang presensya niya. I saw him leaned forward, he reached for my chin and pulled it upward. Nagtama ang mga mata namin. Those golden captivating eyes na animo'y nakikipag-usap sa kaluluwa ko-- it's making my knees weak. "As you wish, my Fräulein," bulong niya saka ako siniil ng halik. Tumayo siya ng tuwid sa harap ko saka sa loob ng suit ay may dinukot siyang card. Sapo-sapo ang labi ay tulala akong naiwan-- it's that f*cking nation's husband legend that once he kisses you means he's true to his words. "Take this Black card, it has 1 Million pesos in there, buy anything you want, use it to your liking-- I don't mind as long as it pleases you," sabi nito saka iniabot sa akin ang gold embedded black card kasabay nito ang isang susi. "That's the key to your car-- it's bulletproof and built with a tracking device, it has a sensor that connects to us-- Mikhael will know-- I will know," Kinuha ang cellphone niya saka tinawagan ako, nagregister dun ang numero niya. "Save my number so that you can call me anytime," dugtong nito, tulala pa rin akong nakatingin sa black card at sa sinabi niyang laman nito. Ano ang pin nito? "And don't you dare save my number as Mr. Alphamirano or whatsoever nonsense title your brain could provide," Dagdag niya pa. "Eh!? Anong ilalagay ko? Ah Mr. Mafia!" Nagtataka kong turan. "Save it as Husband! Should I spoon-feed you every time and everything?" Aniya na ikinatulala ko. "The pin of that Black card is your birthday," aniya na para bang nababasa niya ang iniisip ko. Natigilan ako-- alam niya kung kailan ang birthday ko? "It was on your ID, dumbo," sabi niya ulit habang tinatapunan ng tingin ang bag ko-- nakakabasa ba talaga siya ng isip? Napatingin na lang ako sa pinto nang marinig ang pagsara nito, nakalabas na pala si Magnus. Nasapo ko ang nag-iinit kong pisngi saka mariing napapikit-- malas ba 'to o swerte?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD