Chapter 5-Meeting "The First" & "The Second" with "The Third"

1800 Words
Margaux Arevalo Dali-dali akong nagbihis saka kinuha ang bag at dahan-dahang naglakad pababa ng hagdan. Nakakailang hakbang pa lamang ako nang makasalubong ko si Romana. "Miss, aalis po ba kayo?" tanong nito. "Ah oo, si Magnus nakaalis na ba?" tanong ko dito. "Magnus-- sino po ba sa kanila?" napakunot noo ako sa tanong nito. "Si Magnus, iyong boss niyo-- iyong kasama kong dumating dito," sagot ko dito. "Hm, naka-alis na po ang young Lord-- pero narito pa po si The first," sagot nito. "The first-- anong the first?" agad itong ngumiti saka ako hinila papunta sa bintana, dumungaw kami at nakita ko ang isang lalaki na prenteng nakaupo sa labas. Mafia din ba ang lalaking 'yan? Napatingin ako sa braso nitong may mga tattoo at base sa porma, pangangatawan at aura nito-- Mafia nga. "Ah sino ba siya?" tanong ko dito habang nakadungaw sa bintana. "Magnus Alphamirano The First, young Lord's grandfather. 19th head of the Alphamirano Estate and the 6th Boss of the Alphamirano Mafia Family the first right bloodline of the Sicilian Mafia originated in Italy," seryosong sagot ni Romana. "Whoah! Ang galing mo Romana. para kang wikipedia!" bulalas ko saka napapalakpak. Nabigla ako at natigilan nang pagdungaw kong muli ay nakatayo na ang lalaki at wari'y nagtatakang nakatingala sa kinaroroonan ko, malayo man siya'y batid at ramdam ko ang mapanuring mga mata nito. "Diyos ko Romana, nakatingin siya sa akin-- a-anong gagawin ko?" natatakot at nangangamba kong turan. "Magbigay galang ka," maikli nitong turan kaya dali-dali akong yumuko, nang makitang nakatingin pa rin ito sa akin ay inulit kong muli ang pagbow. Nakakalimang bow na ako nang magsalita si Romana. "Err, ano pong ginagawa niyo, Miss?" tanong nito. "Nagbibigay galang, Romana," maikli kong tugon habang paulit-ulit na yumuko. "Ah kasi-- kailangan niyo pong bumaba at harapin siya," natigilan ako saka kagat labing napatingin dito. "Ba't di mo sinabi agad," malamig at nanggigigil kong sumbat dito-- nakakahiya ang ginawa ko. Ibinalik ko ang tingin sa ibaba ngunit nakita ko itong papasok na ng bahay. Nagpakawala ako ng malalim na paghinga saka sinundan si Romana palabas ng silid. Inayos ko ang pagakakasukbit ng strap ng bag sa mga balikat ko saka hinimas-himas ang suot na damit upang matuwid ito. Natigilan ako nang makitang nakatayo na ito sa dulo ng hagdan. Huminto ako mga dalawang baitang na lang ang layo mula sa kanya-- sakto lang upang maabot ko siya. Tumigil ako saka napatingin sa mukha nito, in fairness hot-lolo ang kaharap ko. Napamaang ako nang makita ang panliliit ng mga mata nito, para akong napako sa ganda ng mga iyon. Katulad na katulad sa mga mata ni Magnus, malaginto na sinamahan pa ng makapal nitong pilikmata.  "Good morning, Mr. Alphamirano," bati ko saka yumuko, napakunot noo ako nang di ito sumagot. Naalala ko ang una naming pagkikita ni Magnus... "The only part that a servant can kiss is her master's fingertips."  Tama, baka ang paghalik sa kamay ang simbolo ng pagbibigay galang. Kaya sa walang pagdadalawang-isip ay inabot ko ang kamay nito. Napatingin ako sa malaking singsing na nasa hintuturo nito, naalala ko bigla ang singsing ni Magnus ang pinagkaiba lang ay ang kulay gintong bato nito, naaayon at bumagay sa malaginto nitong mga mata. Yumuko ako saka hinalikan ang kamay nito. Nabigla ako nang tumawa ito ng malakas kaya gulat at nagtataka akong napatingin sa mukha niya. Puti na ang buhok niya ngunit bagay naman sa kanya dahil wala pa naman siyang gaanong kulubot sa mukha liban na lang kung tatawa siya. Maputi at pantay-pantay rin ang pagkakaayos ng mga ngipin nito, nagtataka tuloy ako kung pustiso ba o totoo pero mukha namang totoo.  Kapag ba tumanda si Magnus ay magiging ganito rin siya ka gwapo? Uminit ang tenga ko sa isiping yun. "Und wer ist das Fräulein?" napakunot noo ako sa sinabi nito kay Romana.   Trans: And who's miss is this?   "Sie gehört unserem jungen Herrn, Magnus the third." sagot ni Romana saka yumuko. Pwede niyo bang itranslate at nang masali naman ako sa usapan niyo. Trans: She belongs to our young lord, Magnus the third. Great! Liban sa noun ay ang adjective with it's definite article lang nito ang tangi kong naiintindihan "Magnus the third" yun lang! Tumango-tango ito matapos marinig ang sagot ni Romana saka siya tumingin sa akin. Para akong tuod na nakatayo sa harap nito nang sapuin ng kanan nitong kamay ang mukha ko saka malamlam ang mga matang ngumiti. Kahit pa nakapatong ako sa ikalawang baitang ng hagdan ay yumuko pa rin ito upang silipin ang mukha ko saka niya ginulo ang buhok ko. "How sweet and gentle of you to kiss your elder's hand. How come Magnus haven't told me about you-- ah maybe he will," malambing nitong turan habang hinahaplos ang buhok ko. Sa mga sandaling iyon ay nakaramdam ako ng panatag ng kaluuban-- isang magaan na pakiramdam. "Anyway Klaus, have you called Trey?" tanong nito sa lalaking naka suit ng itim na nasa likuran niya-- para siyang si Mikhael kung titingnan. Sino kaya si Trey? "Yes, my Lord," sagot nito. "What about second, where is he?" tanong ulit nito. "He's on his way, my Lord," sagot nito saka ibinigay sa kanya ang cellphone na agad naman nitong tinanggap. "Excuse me for a while, my dear," malambing nitong turan saka ako tinalikuran. Napatingin ako sa sariling relo-- isa't kalahating oras na lang para sa audition, pipila pa ako! "Ah Romana, sino si Trey?" tanong ko dito.  "It's young Lord's nickname-- tinatawag siyang Trey kasi Magnus the third siya," sagot nito. "Talaga? Ah maiba tayo, kasi may audition pa akong pupuntahan-- pwede bang ipagpaalam mo na lang ako?" nakangiti kong turan saka humakbang pababa. "Pero miss--" di ko na 'to pinakinggan sa halip ay tumakbo na ako palabas. Nagmamadali ako nang mabunggo ako ng isang lalaking kakapasok pa lang. Napatigil ito sa paglalakad saka napatitig sa akin na puno ng pagatataka habang ako nama'y tulalang nakatingala dito, sa sapantaha ko'y nasa mid 40's na ang lalaki. Napatitig ako sa malalim at nakakalunod nitong asul na mga mata na animo'y dagat sa ganda-- sino nanaman 'to. Myembro din ba 'to ng gang? Ano kayang posisyon nito, collector, sundalo o pang basag-ulo? Pero mukha namang hindi. Nabigla ako nang hilain ako ni Romana paatras saka siya bumulong. "Magbigay galang ka miss, dali." Mabibigat ang hininga nitong turan. Sa isiping parang balisa si Romana ay nakuha kong nasa mataas na posisyon ang lalaking kaharap ko. "Good morning," maikli kong tugon saka kinuha ang kamay niya, napatingin ako sa singsing na nasa hintuturo nito at sa bato nitong kasingkulay ng mga mata niya. Yumuko ako at hinalikan ang kamay nito. Ramdam ko ang bahagyang pag-agaw nito sa kamay na animo'y nabigla sa ginawa ko, narinig ko ang mahinang pagtawa nito. Natigilan ako nang pagtingala ko'y ang matamis na ngiti agad nito ang bumungad sa akin saka niya inabot ang mukha ko habang pinapagalaw nito ang hinlalaki na animo'y hinahaplos ang pisngi ko. "What's your name, my dear?" Nakangiti nitong tanong. "Margaux-- Margaux Arevalo, Mr--"  nag-aalangan kong sagot. "Magnus Alphamirano the second, my dear Margaux," he smiles as he flashes those perfect set of white teeth while stroking my hair. Napatikhim ako saka ako umatras at tumuloy ito papasok. "Don't tell me tatay 'yun ni Magnus," ang mga katagang nasa isip ko lang ay di ko inaasahang lalabas pala sa bibig ko. "Yes, Magnus Alphamirano The Second, young Lord's father. 20th head of the Alphamirano Estate and the 7th Boss of the Alphamirano Mafia Family, of course, a Sicilian Mafia bloodline." biglang turan ni Romana kahit di ko naman tinatanong. "Second-- have you met Trey's Fräulein?" nakangiting turan ng lolo ni Magnus sa anak nito. Napatigil ang huli saka napatingin sa akin. "So, she is his-- I thought she's mine," sabi nito habang nakatingin sa akin saka mahinang tumawa. Inabot nito ang kamay ng matanda saka humalik sa singsing nito-- dapat ba sa singsing rin ako humalik? "Arschloch!" nakangising turan ng lolo ni Magnus saka ito mapanuyang tiningnan. Trans: Asshole! "And what made you think that way Dad?" napalingon ang lahat nang dumating at magsalita si Magnus.  "Well, she kissed my hand." sagot ng daddy nito.  Mali ba ang ginawa ko?  Lumapit si Magnus sa lolo niya at sa daddy niya saka isa-isang hinalikan ang sing-sing ng mga 'to. Mukhang mali nga ang nagawa ko. "Sorry for you second, she kissed mine too." tumatawang sabat naman ng lolo nito. "She just kissed it because you're older." malamig na sagot ni Magnus saka napatingin sa akin. "Oh, so straightforward Trey, first might not take it happily." pabirong turan ng daddy nito saka tinapunan ng tingin ang lolo nito. "Same goes with you Dad." walang pag-aalangang sagot ni Magnus na ikinabunghalit ng tawa ng lolo niya. "That's why I love my Trey." bulalas ng lolo nito saka niya inakbayan ang apo. "Let's have a sit-- come here my dear Margaux, join us." nakangiti nitong turan saka ako kinamay. Kabastusan naman kung aalis ako, kaya mas minabuti kong ipagpaliban na lang muna ang pag-alis. Kinuha ni Romana ang bag sa balikat ko saka ako sumunod sa tatlo. So we've got three sets of Magnus here, "The first" which is the hot grandpa, "The second" which is the captivating Dad, and "The Third" which is that f*cking hot and captivating but menacing yet jaw-dropping, panty dropping Mafia boss which happened to be the Nation's Husband. Dikit at pantay ang mga binti akong nakaupo sa harap nilang tatlo-- pakiramdam ko'y lilitisin ako. Pero kahit ganoon pa man ang nararamdaman ko ay mas naiisip ko pa rin ang audition. Napatingin ako kay Klaus na nasa likuran ni First, yung tinatawag nilang Sebastian sa likuran ni Second at si Mikhael na nasa likuran ni Magnus (Third). Pwede bang itanong niyo na lahat ng gusto niyong itanong at nang makaalis na ako. "Can we talk without Margaux Dad, Papa? She've got something to do and there's barely 40 minutes left for her," agad akong napatingin kay Magnus saka sa relo ko-- paano niya nalamang may lalakarin ako at 40 mins na lang ang natitira. "Mikhael, tell Dawson to escort Margaux to the audition site. And tell him to bring her back to me safe and sound," utos ni Magnus saka nagsalin ng alak sa baso. "Yes, my Lord," sagot ni Mikhael saka lumabas, maya-maya lang ay dumating si Dawson at lumapit sa akin. Kasabay ng pagtayo ko ay tumayo rin si Magnus saka siya lumapit sa akin. "After the audition, come home to me-- I'll be waiting for you," bulong niya saka ako hinalikan sa noo. Napaigtad ako dahil sa ginawa nito, dali-dali akong nag-iwas ng tingin saka napatingin at nagpaalam sa daddy at lolo nito. "Good luck, my dear!" sabay na turan ng dalawa then I heard Magnus hissed.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD