Margaux Arevalo
Abot tenga ang ngiti ko nang bumaba ako ng sasakyan.
"Sige na, mauna ka na-- uuwi na lang ako mag-isa." nakangiti kong turan kay Dawson habang tinatapik ang bintana ng kotse.
"Maghihintay po ako sa inyo Miss, 'yun po ang bilin ni boss." sagot nito saka isinara ang bintana, nagkibit balikat na lang ako saka excited na tinungo ang site. Excited na akong maging si Victoria!
(Si Victoria po ay ang main lead actress-- main lead kasi siya ang babaeng multo sa isang horror movie.)
Tumigil ako saglit upang basahin ang nakapaskil.
Victoria to the right →
Veronica to the left ←
Napangiti ako saka nag-inat. "Victoria, here I come!" sigaw ko saka lumiko pakaliwa. Nagtaka pa ako kung bakit nakatingin silang lahat sa akin, mula ulo hanggang paa-- threatened marahil na makuha ko ang role ni Victoria!
May nagawa ba akong mali?
Saktong pagpasok ko ay ang pagsara ng dalawang pinto. Abot-abot ang saya ko dahil nakaabot ako. Pinaghalong kaba, excitement at takot ang nararamdaman ko nang sinadya akong sagiin ng isang babae.
Nilingon ko 'to saka ako ngumiti sa kanya. Sa halip na gantihan niya ako ng ngiti ay tinaasan niya ako ng kilay kaya mas lalo ko pang nilawakan ang pagkakangiti saka sabay na itinaas ang dalawang kilay.
"What's with that reaction?" kunot noo nitong tanong.
"A killing-my-enemy-with-kindness reaction." nakangiti kong sagot. Napabuga ito ng hangin with that I-can't-believe-this-girl reaction.
"Name?" taas kilay nitong tanong.
"Margaux Arevalo." nakangiti ko pa ring sagot.
Margaux Arevalo
"Wala ka naman sa listahan ah. Saang acting school ka ba?" mataray na tanong nito.
"Hindi naman ako pumasok ng acting school." sagot ko. Nawala ang ngiti ko nang bumunghalit ito ng tawa pati na ang mga nasa likuran nito.
"Did you hear this woman, guys?" bulalas nito habang hawak-hawak ang t'yan.
"Tanga ka ba o sadyang mapangarapin ka lang talaga?" mapanuya nitong turan. Dahil sa naka high heel siya ay bahagya akong nakatingala sa kanya. Isa rin 'to sa mga pinagtataka ko eh, paano kaya nila ipeperform ang role ni Victoria mamaya gayong ang tataas ng heels nilang lahat.
"Compliment ba yun? Kasi kung compliment yun-- edi thank you." sabi ko saka ngumiti. Napangiwi ito saka wari'y naiinis na kinagat ang labi.
"Hey, ugly duckling-- listen to me. This entertainment company is solely owned by Ace acting school." akala ko si Romana lang ang Wikipedia, pati rin pala ang isang 'to.
"Talaga? Yun ba yung pinakasikat na acting school dito sa Pilipinas?" bulalas ko. Napahalukipkip ito saka ngumisi.
"Siguro naman gets mo na ang ibig kong sabihin?" malamig nitong tanong as she lean forward towards me.
"Ang alin?" naguguluhan kong tanong. Nakita ko ang pagkabigla at pagkainis sa mukha nito saka niya dinuro ang noo ko gamit ang hintuturo.
"Na wala kang pag-asa dito. Tinatanggap lang nila ang galing sa Ace, and look how plain-looking you are-- how could you play the role of Veronica without the status, knowledge and looks-- guts alone can't keep you going, remember that." inismiran ako nito saka niya ako tinulak patabi at sumingit sila sa harapan ko.
Para akong nanigas sa narinig, "Veronica-- hindi ba Victoria?" nanlalamig ang mga kamay akong napatingin sa saradong pinto. Kinalabit ko ang kasama nitong nasa harapan ko na.
"Ano?!" bulyaw nito.
"Veronica ba dito?" nakanguso kong tanong.
"Ano pa?!" bulyaw nito saka tinuro ang mga poster na nasa harap namin. Dahan-dahan akong napasandal sa pader saka padausdos na naupo sa sahig.
"Katapusan na ng mga pangarap ko!" bulong ko saka dali-daling tumayo at kinalampag na ang pinto upang makalabas ako.
"Guard, ano ba yan!" sigaw ng isang lalaki.
"Miss, tumahimik ka po." mahinang turan ng Guard habang inaawat ako.
"No, no manong-- di mo ko naiintindihan-- sa Victoria po ako dapat." naiiyak kong turan.
"Eh ba't po kayo nandito!" mapanuya nitong sagot.
"Nagkamali po ako."
"Nagkamali? Eh ang linaw-linaw na nun may arrow pa, Victoria to the right → Veronica to the left ←" nagpalingo-lingo ito saka ako iniwan.
"Hey you-- that woman at the last." sigaw ng isang babae habang tinuturo ang direksyon ko. Nagtataka akong napatingin dito saka sa mga nakapilang nakatingin na rin sa akin, di rin nakawala sa paningin ko ang inis sa mga mukha nito.
"Ako?" paninigurado ko habang tinuturo ang sarili.
"Yes, you." sagot nito kaya lumapit ako-- pagagalitan ata ako dahil sa ingay ko.
"Ace?" tanong nito nang makalapit ako-- nagets ko kaagad ang ibig nitong sabihin, tinatanong niya kung sa Ace ba ako galing-- nagpalingo-lingo ako. Napakamot ito saka ako tiningnan mula ulo hanggang paa. Hinawakan niya ang bangs ko, ang buhok kong hanggang bewang pababa sa pinakadulo nito.
"Ba't ka nandito?!" napaigtad ako sa sigaw nito saka napakamot sa batok, habang napangisi naman ang karamihan. Sasagot na sana ako nang biglang bumukas ang pinto.
Third Person's POV
Sa loob ng bulwagan na punong-puno ng mga naggagandahang kakababaihan, nagkikintabang palamuti sa katawan, kung saan nagaganap ang isang mahigpit na pilian-- may isang panauhing hindi inaasahan.
Balot ng ingay ang buong silid, lahat ay galit lahat ay nag-iinit dahil sa isang babaeng sinadyang piliin kahit pa ito'y nakatayo sa pinakahuli, isang babaeng ubod ng simple.
Sa unang tingin ay malalaman mo ng hindi angkop sa kanya ang katauhan ni Veronica, dahil si Veronica ay isang karakter, ang second lead na bida-kontrabida na kabaliktaran ng pagkatao niya. Ano nga namang malay niya-- gayong ang nais niya'y maging si Victoria-- hindi Veronica.
"Ace?" tanong ng babae nang makalapit na siya. Nakuha agad ng dalaga ang ibig sabihin nito kaya nagpalingo-lingo siya. Mariing napapikit ang babae sa panghihinayang.
"Ba't ka nandito?!" napaigtad ang dalaga sa sigaw ng babae. Di naman natin masisisi ang babae, dahil sa unang pagkakataon na ipinukol niya ang mata sa dalaga ay kuhang-kuha nito ang karakter ni Veronica, ang height at balingkinitang katawan, ang maputing kutis, ang maamong mukha at ang buhok nitong tugmang-tugma.
"A-akala ko kasi, dito kay Victoria." nakangusong sagot ng dalaga. Nabalot ng tawanan ang buong silid-- pinagtatawanan siya.
"Gusto niya pala maging Victoria-- bagay siya dun, kaya ibalik niyo na!" mapanuyang turan ng isang dalaga saka nabalot ulit ng tawanan ang buong silid. Napangiti ang dalaga saka tumango-- wari'y umaaproba sa sinabi ng nauna.
"How naive-- alam mo bang pinagtatawanan ka nila?" bulong ng babae sa kanya. Ngumiti ang dalaga sa kanya saka nito biglang iniba ang ekspresyon sa mukha, from an angel to a complete b*tch from hell in a split second.
"I know-- let them be." bulong ng dalaga in his menacing voice-- that kind of voice that can send a thousand chill through her entire body. Napangiti ang babae dahil mas lalong naagaw ng dalaga ang curiosidad niya-- she wants this girl to play as Veronica if only this girl belongs to Ace-- that would be a lot easier.
"Anong pangalan mo?" tanong niya sa dalaga.
"Margaux Arevalo-- ikaw?" nakangiti nitong sagot.
"Irish, and I want to be your manager." natigilan ang dalaga sa naging sagot ng babaeng kaharap niya.
"Gusto pala niyang maging aswang-- ba't di niyo na lang ibalik, pang horror naman ang itsura n'yan!" pabirong sigaw ng isang partisipante na ikinatawa ng lahat.
Di magkamayaw sa pangungutya ang lahat nang bumukas ang malaking pinto ng bulwagan at iniluwa nun ang isang panauhing di inaasahan nino man-- the Nation's Husband.
Natahimik ang lahat-- di makapaniwala. Maging ang mga staff ay di makapaniwalang makikita nila ngayon ang sikat na Nation's Husband gayong naging mailap ito sa mata ng karamihan.
Magnus Alphamirano III, known as the nation's husband. Why not, when he has everything. Isang titulong para sa kanya lang. A perfect husband-material man-- a dream of every woman. He've got this fair skin that matches his medium length straight hair that sometimes reaches and covered his eyes. Those thick, well-formed eyebrows that match his hazel-gold eyes match by those dark eyelashes, enhanced by his well-defined jawline and long pointed nose. Strong well-proportioned hands with long slim fingers and broad muscular shoulder-- a long-legged man with a visually appealing thing in between his thigh. No wonder he's given the title of the Nation's Husband-- means a perfect husband material. He is indeed known as the most prime in the upper world but being him as the underworld lord is a secret kept by the few from the crowd.
"M-magnus?" napatingin ang lahat kay Margaux dahil sa mapangahas nitong pagtawag sa binata.
Calling him by name as if you were having a close tie, will be a great chaos of hell. Again, it was that damn nation's husband legend.
But thanks to her calling his name, para iyong switch sa lahat ng naroon at saka lang sila nakagalaw, napaatras ang lahat, nagbibigay daan para sa binata. Di naman magkamayaw ang staff sa pagkuha ng mga gamit na nakapatong sa couch upang may maupuan ito. Habang ang mga kababaihan nama'y lalag panga na-- na locked jaw pa. Laglag panty na-- tulo laway pa. Of course, it was that damn nation's husband's charisma and aura.
Binitawan ng babae si Margaux saka dali-daling sinalubong si Magnus.
"Mr. Alphamirano-- what brings you here?" nanginginig ang boses na tanong ng babae.
"Why, can't I? Can't I visit my own entertainment company and watch the student of my acting school made their way to stardom?" nakangiti nitong turan saka naupo sa couch. Impit na napatili ang mga kababaihan sa naging sagot nito-- sino nga namang di kikiligin na sinadya ka talagang panuurin ng sikat na "The Nation's Husband".
Napangiti si Irish saka nanliliit ang mga mata itong tinitigan. "I'm quite sceptical-- it's not your type to watch this kind of event Mr. Alphamirano unless-- there's this special someone that caught your attention?" makabuluhan nitong turan saka tusong ngumiti.
"I really like that brain of yours, it's working at the most complicated things." makabuluhang turan ng binata saka itinukod ang mga siko sa tuhod, then he intertwined his fingers and put it below his chin.
"I just find this event quite fascinating." nakangiti niyang sagot saka napatingin kay Margaux na ngayo'y lumong-lumo pa rin dahil di niya nakuha ang role ni Victoria.
"So you've found one!" bulalas ni Magnus habang titig na titig kay Margaux.
"Oh, y-yeah -- unfortunately..." nahihinayang na turan ni Irish.
"Unfortunately what?" kunot noong tanong ni Magnus. Lumapit si Irish kay Margaux saka ito inakbayan.
"She suits Veronica the best." pahayag ni Irish na ikipinanlaki ng mata ng lahat.
"But she's not one of the Ace." pagtutol ng babaeng nakasagutan ni Margaux kanina, agad naman itong napangiti at namula nang lingunin siya ni Magnus.
"That's the unfortunate thing, Mr. Alphamirano." dugtong ni Irish, napangisi ang babaeng nakasagutan ni Margaux saka kagat labing napatingin kay Magnus na ang atensyon ay nasa kay Margaux habang si Margaux naman ay parang walang pakialam sa mundo.
"We need the right character here, Irish. We can just let her enter Ace afterwards-- if that young miss wouldn't mind." nakangiting turan ni Magnus. Habang ang lahat ay di makapaniwala, nanlalaki naman ang mga mata ni Margaux saka lihim na iwinawasiwas ang kamay upang patigilin si Magnus.
Napangiti si Irish saka lihim na ninakawan ng tingin si Margaux-- may napapansin siyang kakaiba.
Agad na tinawag ni Irish ang mga staff at pinabihisan si Margaux upang makita ang kabuuang physique nito kapag nabihisan na ito bilang Veronica. Ibinigay ni Irish ang linya ni Veronica para sa isang dialogue pagkatapos itong mabihisan.
Makalipas ang ilang minuto ay lumabas si Margaux. Nabalot ng katahimikan ngunit naiinggit at mapanuring mga mata mula sa mga kababaihan nang lumabas ito. Napatingin si Irish kay Magnus-- lihim na nagmamasid sa magiging reaksyon ng binata. At hindi nga siya nabigo, huling-huli niya ang paghanga sa mga mata nito habang nakatingin sa naglalakad na dalaga.
Tulad ng sinabi ni Irish na sa oras na lumabas siya sa mata ng mga tao, magsisimula na ang pagiging Veronica niya, sinunod iyon ng dalaga. Isang sopistikadang Margaux ang nagpakita sa kanila-- ibang-iba sa naging anyo nito kanina.
Dahan-dahan at maingat na naglalakad si Margaux, sinisiguro nitong may distansya siya mula kay Magnus. Pero dahil nga maswerte siya ay natalisod siya, buti na lang at nakabig siya ng nakaupong si Magnus dahilan upang maikandong siya nito. Napatitig siya sa malagintong mata ng binata gayon din ang binata sa kanya.
"Hundreds of eyes are watching-- should I be happy and assume this that you wanted to tell everyone that we have this intimate relationship or shall we tell them that we are?" mapanudyong bulong ng binata saka ngumiti-- namumula naman ang mga pisngi na nagpalingo-lingo ang dalaga saka dali-daling napatayo.
Nakayuko itong lumapit kay Irish para sa isang dialogue.
Irish to Margaux:
"You are stuck in here with me Veronica-- you're in danger. So why not do the pleading?" nakangising turan ni Irish kay Margaux. Napatitig si Irish nang isinara ni Margaux ang script habang si Magnus naman ay ipinilig ang ulo saka masuring pinagmasdan ang gagawin ng dalaga.
Nakikinig at nanonood ang lahat, inaabangan kung anong mangyayari, nang biglang mag-iba ang ekspresyon ni Margaux. That menacing aura with terrifying stare-- it can melt a thousand hell.
"I'm sorry, I don't do pleading when it comes to business. And mind you, I am not stuck in here with you-- you are stuck in here with me. I am not in danger because I am the danger-- and right now I wanna kill you senselessly." those cold chilling voice followed by a deep scary laugh as if Veronica doesn't need a knife to kill an enemy because her presence alone could.
Napatingin ang lahat nang pumalakpak si Magnus.
"You've messed up the script and change the line but it sounds chilling and a lot better." bulalas ni Irish na ikinatahimik ng lahat.
"Congratulations, let's sign the contract." nakangiti nitong turan saka inilahad ang kamay na malungkot na tinanggap ng dalaga. Ang totoo kasi'y sinadya niyang wag sundin ang script upang di siya matanggap, kagat labi niyang nilingon si Magnus na ngayo'y papalabas na ng hall.