Chapter 7 - The Story of The Most Dangerous Family

2161 Words
Margaux Arevalo Pagkatapos ng audition ay dumiretso ako sa audition site ng Victoria, nagbabakasakaling makakahabol pa. Nanlulumo akong napatingin sa wala ng laman na hall, natapos na nila at paniguradong nakakuha na sila ng gaganap. Nagpalinga-linga ako ngunit di ko mahagalip si Magnus. Napatingin ako kay Dawson na ngayo'y nakatayo na sa labas ng kotse at nakatingin sa akin. Hinintay niya talaga ako. Kumaway ako saka humakbang papunta sa kinaroroonan nito. Napatigil ako nang mapansing halos lahat ay nakatingin sa kotse namin. Nakakailang hakbang pa lang ako pababa nang harangan ako ng mga babaeng nakausap ko kanina sa pila. "Hey Ms. Lottery, anong ginawa mo para makuha mo ang role? Anong una mong ibinaba bago ka bumukaka?" bulong nito habang nakangiti ng matamis. Kung titingnan ang ngiti nito at ang mga salitang inilalabas ng bibig niya ay di tumutugma sa ekspresyong binabalandra ng mukha niya. Dahil kung ang titingin ay nasa malayo, nagmumukha itong friendly pero iba pala ang tabas ng dila nito. "Bakit, bumukaka ba ako kanina?" kunot noo kong turan saka napakamot sa ulo na wari'y may pilit na inaalala. "Hey, be careful how you talk to me," biglang lumamig ang boses nito nang hawakan niya ang braso ko. "Know your place, kilala mo naman siguro kung sino siya," dugtong ng isa. Di ako nakasagot-- napaisip ako. Sikat ba siya? Kaso, kilala at alam ko naman lahat ng artistang gumanap sa lahat ng horror movies-- at sigurado akong di ko siya nakita. "Ah, sino ba siya?" nag-aalangan kong tanong, nakita ko kung paano sila natigilan. "Huh, saang bundok ka ba galing?" mapanuyang tanong ng isa. "Hindi naman bundok 'yong sa amin." nakanguso kong tugon. Nakita kong napahalukipkip ang babaeng nasa harap ko saka nanliliit ang mga matang tinitigan ako. "Wala ka namang kilalang sikat na mga artista-- paanong di ka nagmula sa bundok?" tumatawang sagot ng babaeng nasa tabi niya. "May kilala naman ako, sila Lilia Cuntapay, Kris Aquino sa Feng Shui, Kim Chiu sa The Healing, Dawn Zulueta sa Patayin sa Sindak si Barbara, Rica Peralijo sa Malikmata--" imbes na ginaganahan na ako'y pinutol niya pa. "Teka! Horror movie yan lahat ah!" bulalas ng kasama nito. "Oo, bakit ba-- diyan kaya sumikat sila Kathryn at Daniel Padilla sa Pagpag diba?" proud na proud kong turan habang abot tenga ang ngiti. Nagtaka ako kung bakit napaatras sila saka parang di makapaniwala akong tinitigan. "You're crazy!" di makapaniwalang bulalas ng babaeng nasa harap ko. "Horror lang bang alam mo? What about romance, comedy--" natahimik silang lahat nang bumunghalit ako ng tawa. "Kayo pala ang baliw eh! Romance? Para lang 'yan sa mga hopeless romantic, kayo lang niloloko ng mga plot na 'di naman nangyayari sa totoong buhay. At saka comedy? Kaya siguro di ko kayo nakilala dahil sa comedy kayo nasali-- kung sa bagay pang comedy naman ang mga mukha niyo," napahawak pa ako sa sikmura sa kakatawa. "Isa kang baliw!" nanlalaki ang mga mata at nanggigigil nitong singhal sa akin. Napatigil ako sa pagtawa, saka nasapo ang bibig nang mapadighay ako. "Hm, gutom na ako," nakanguso kong turan habang di pinapansin ang pinagsapaw-sapaw na salita ng apat. Natahimik sila nang yumuko ako upang magpaalam, saka sila tinalikuran. Nabigla ako nang hinila niya ako paharap. "Wag kang tatalikod kapag nagsasalita pa ako," malamig nitong turan habang titig na titig sa 'kin ang mga mata nitong puno ng pagbabanta. "Pero nanng tumalikod ako'y tahimik naman kayo, 'di naman kayo nagsasalita," kunot noo kong turan. Nabigla ako nang mapasigaw ito saka inis na ginulo ang buhok. "Mababaliw ako sa 'yo! Baliw ka!" inis nitong sigaw. Kulang na lang ay lamukusin nito ang mukha ko. "Kakasabi mo pa nga lang na mababaliw ka na--" pabalang kong sagot nang maudlot ito. "Tahimik!" sigaw nito habang itinatapat ang daliri niya sa labi ko. "Remember my name, you idiot. I'm Sheena Portaleja, itatak mo 'yan sa kokote mo. Mag research ka sa internet kung sino ako," nakangisi nitong turan saka niya dinuro ang noo ko. "Bakit kita isisearch, may horror movie ka ba? Showing na ba or upcoming pa?" naiexcite kong tanong. Napapikit ako nang mag-angat 'to ng kamay upang sampalin ako. "Please get your hands off our young Miss, do it while I'm still asking you nicely," napatingin ako kay Dawson na ngayo'y nasa tabi na namin. Natulala ang mga kasama ni Sheena, habang nagpalipat-lipat ang tingin sa amin ni Dawson. "You! You are Mr. Alphamirano's man, right?" gulat nitong tanong kay Dawson pero hindi siya pinansin nito. "Let's go, young Miss," mahinahon nitong turan sa 'kin nang hindi pinapansin si Sheena. Ngumiti ako kay Sheena saka kumaway. Inakay naman ako ni Dawson papunta sa kotse at pinagbuksan. Nabigla ako nang makita ko si Magnus sa loob. "Ah, bakit narito ka pa?" bulong ko nang makaupo na. "I'm bringing your home to you, in case you won't go home, even after I've told you," sagot nito. Ngumiti ako then I lean forward towards him. "Ah," sagot ko habang napapakamot ng ulo dahil hindi ko gets ang ibig nitong sabihin, "anong ibig sabihin nun?" nakita ko itong ngumiti saka lumingon sa akin. "Silly!" mahina nitong turan, "What did I tell you before you left me?" tanong nito. Napatingin ako sa mga mata nito "After the audition, come home to me. I'll be waiting for you."  Pag-uulit ko sa sinabi nito kanina bago ako umalis. "Exactly! I am your home Margaux and I am bringing your home to you," nakangiti nitong turan saka hinaplos ang buhok ko. Napalunok ako saka ako napadighay. Panandalian akong tinapunan ng tingin ni Magnus saka siya ngumiti at napatingin kay Mikhael na nasa driver's seat habang nasa tabi naman nito si Dawson. "Let's go back Mikhael, my Fräulein is hungry." Dahan-dahan akong umayos ng upo, paano niya nalamang gutom ako kahit pa dumighay ako. *** Habang tinatahak namin ang daan pauwi ay tahimik lang kami ni Magnus na magkatabi. Kahit gano'n pa man ay lihim ko siyang ninanakawan ng tingin. Napatingin ako sa kamay nitong nakapatong sa binti niya matapos nitong suklayin ang sariling buhok. Nagtataka ako kung anong kahulugan ng mala-dagat sa asul nitong singsing gayong kulay ginto naman ang mga mata niya. Sa lolo at sa daddy niya kasi'y mukhang ibinagay ang bato sa kulay ng mga mata nila. Napatingin ako dito nang sumandal siya saka pumikit bago nagdilat muli at tumingin sa labas ng bintana. Nations's Husband, Mafia Boss and an underworld Lord-- Magnus Alphamirano. Paano napunta sa tabi mo ang isang tulad ko? Ang mga kwentong inaakala kong sa libro lang nangyayari at pawang kathang-isip lamang-- paanong nagkatotoo at ako ang naging karakter sa kwento. Ano ba talagang dahilan kung bakit ako? Anong meron sa akin? Alam mo bang minsan na akong nagmahal pero nasaktan. Ginawa ko lahat pero iniwan. Sampung taon na 'yon at unti-unti nang nabubura ang ala-ala niya sa aking isipan. Maliban na lang sa mga magaganda niyang mga mata na di ko pa nakakalimutan ay limot ko na rin ang iilan sa aming nakaraan. At alam mo bang dahil dun ay naging manhid na ako, sa puntong di ko na kayang intindihin pa ang sarili kong nararamdaman. Alam mo bang nang mawala siya ay may ibang nagtangkang ligawan ako pero lahat sila'y tinanggihan ko? Kaya nga nahihirapan akong intindihin ang ikinikilos mo. Ang totoo'y ayaw kong intindihin dahil baka maulit na naman ang nangyari noon, sampung taon na ang nakararaan. Ayaw ko nang magmahal dahil ayaw ko nang masaktan. Napatigil ako sa pag-iisip nang huminto ang kotse sa tapat ng manor. Bago pa man tuluyang makapasok ang sasakyan ay nakita ko ang isang patpating aso na nasa kabilang kalsada. Pinagbuksan ako ni Dawson ng pinto saka sabay kaming pumasok ni Magnus sa loob ng bahay. Pagpasok namin ay sinalubong agad kami nila Romana at hinatid kami sa hapag. Bigla akong nakaramdam  ng gutom kaya di na ako nagdalawang-isip pa, naupo na ako at kumain. Naupo na rin si Magnus sa tapat ko. Napatigil ako sa pagsubo nang marinig ko ang mahina nitong pagtawa. Tinapunan ko lang ito ng panandaliang tingin saka bumalik sa pagkain. Masyadong nakakaakit ang mga nakahaing pagkain sa hapag, kahit pa siguro magtrabaho ako ng tatlong beses sa isang araw ay 'di ko pa rin makakain ang mga ganito kasarap na pagkain. Kaya naman, kahit pa napakagwapo ng lalaking kaharap ko ay hindi ko iyon alintana. Isinangla ko na ang dangal ko sa kahihiyan saka nilantakan ang pagkain. Bago pa man ako matapos kumain ay tumayo na si Magnus upang sagutin ang tumatawag sa kanya. Tumayo ako saka lumapit kay Romana. Napatingin ito sa akin habang puno ng katanungan ang mga mata. "Pwede ko bang balutin 'yong mga boto?" tanong ko dito. "Sorry, Miss?" tila nabibingi niting tanong. "I mean, pwede ko bang kunin 'yong mga buto?" pag-uulit ko. "Bakit po?" "Ipapakain ko sana sa aso na nasa labas," sagot ko dito. "Ako na po ang bahala sa aso," aniya. "Talaga? Salamat ha." Tuwang-tuwa ako sa narinig mula dito. Paakyat na sana ako ng hagdan  nang dumating ang lolo at daddy nito. "My dear!" napatigil ako saka lumapit upang halikan ang mga kamay nito saka ngumiti. "Oh my sweet child!" nakangiting turan ni First saka ako hinalikan sa noo. "Come here my little one," nakangiting turan ni Second kaya lumapit ako dito. "We've heard you've passed the audition," sabi nito saka ginulo ang buhok ko habang ang isa niyang kamay ay nasa bulsa lang. "Congratulations, our little one," nakangiting turan ni First saka isinuot sa akin ang isang kwintas. Napangiti ako saka tiningnan ang kwintas. "Congratulations, our Ace," makabuluhang turan ng daddy ni Magnus-- poker playing cards? "Salamat po," nahihiya kong turan saka makailang beses na yumuko, ngumiti lang ito at hinaplos ang buhok ko. "No matter what happens, stay close to Trey," sabi nito saka napatingin kay Magnus na nakikipag-usap pa rin sa telepono. "Ano pong ibig niyong sabihin?" tanong ko dito. Sinagot niya lang ng ngiti ang tanong ko saka siya naglakad papunta sa sala at naiwan kaming dalawa ng lolo ni Magnus. Napatingin ako dito nang magsindi ito ng sigarilyo saka siya nagsalita. "In the year 2001 when the faction of Mafia families fell into a deep controversy, there was a clash among the families. The Alphamirano family has a dispute with the Del Cervantez, Brogatti family has a dispute with Monte Rio, same goes with Galvinno- Bonaffecie and Columbiano- Vernardice, it was a total chaos because their business intertwined. Mafioso knows well that family business and interests of each of the family may be intertwined, it's okay-- as long as each of the family would mind their own business and never intervene with others business. But everything messed up, it was Magnus II's succession when Mafia's fell into chaos. Alphamirano is the most famous family, making other families wish for our downright toil. Those families took turns with the Alphamirano to bring us down and erase our history, but unlucky them-- they've messed with the wrong family that's why Alphamiranos were still known as the underworld Lord." Mataman akong nakikinig dito nang tumigil siya saglit at sumipsip saka ibinuga ang usok na nagmumula sa sigarilyo. "They want our bloodline to be eliminated. Magnus-- I mean, Second, is the 20th head of the Alphamirano Estate and the 7th Boss of the Alphamirano Mafia Family, he made the most difficult dicision," napatingala ako dito nang tumigil siya. "Anong disisyon po?" tanong ko. "To leave his family-- he must keep his Queen and Ace away," natigilan ako sa naging sagot nito. "Just like the deck of poker playing cards, being the Mafia Boss means being a King, Veronica her late wife as the Queen and Magnus III-- Trey as his Ace." Gusto kong magsalita pero di ko alam kung saan ako magsisimula, medyo hindi ko rin ma-absorb ang sinasabi nito. Ngunit sa lahat ng sinabi nito, isa lang ang malinaw sa akin. "Wala na palang nanay si Magnus," halos pabulong kong turan. "Yes, the queen was drugged and killed in the year 2007, leaving Trey alone in the Philippines, that is when Second decided to get his Ace back-- our Trey. He brought him to Europe in the year 2008. Second's biggest regret was not keeping his Queen and Ace within his sight-- he miscalculated and found his Queen dead." Muli nitong hinithit ang sigarilyo saka tumingin sa akin. "And you my dear, before you become the Queen you are the family's Ace. And I'm telling you, becoming the Queen is an easy target for the black cards and enemies to bring down the King, if ever that happens again, stay with your King and never leave him, that's the best way to win the game." Tulad ng usok na lumalabas sa papaubos na nitong sigarilyo ay mas kumalat at nagwala pa ang mga imahinasyon ko, ibig sabihi'y may mga p*****n akong makikita kapag napabilang ako sa pamilya niya. Lihim akong napangiti sa isiping mas maraming dadanak na dugo-- this life seems to be more exciting kesa sa inaakala ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD