Third Person's POV
Hawak-hawak ang black card na binigay sa kanya ni Magnus ay mataman niya itong tinititigan. Bumaba siya sa higaan at kinuha ang bag saka ito dinala sa kama.
Mala buddha siyang naupo saka napapikit habang nasa mga kamay niya ang black card.
Bago umalis si Magnus kanina ay tinanong niya ito.
"Magnus," mahina niyang sambit.
"Yeah?" tumigil ang binata at hinarap siya.
"Seryoso ka bang akin na 'yong black card?" nag-aalangan niyang tanong, bahagya pa siyang napakamot sa batok.
"Uh-huh," sagot ng binata na ikinangiti niya. Nakita niyang ipinipitik ni Magnus ang lagayan nito ng isang Gurkha Royal Courtesan Cigar. Napangiwi siya nang makita ang brand ng tabako. Batid niyang mamahalin iyon, hindi nga lang siya sigurado kung magkano ang presyo ng tabakong 'yon.
"At wala kang pakialam kung ano mang paggagamitan ko ng pera?" paninigurado niyang malaya niyang mabibili ang alin mang naisin. "I promise, na sa makabuluhang bagay ko lang gagamitin ang pera Promise!" Itinaas pa niya ang kanang kamay bilang palatandaan ng pangako niya dito.
Napatingin sa kanya ang binata saka mahinang napatawa, "Sei Bella!" saad nito habang nagniningning ang mga mata. "Yup," dugtong nito bilang sagot sa dalaga saka humakabang palapit sa kanya.
"Buy everything that you want. I don't care as long as it pleases you." Nakangiting turan ni Magnus saka ginulo ang buhok ng dalaga. Namumula ang mga pisngi ng dalaga nang gawin iyon ng binata hindi dahil sa kilig kundi dahil sa kakaibang excitement na hatid ng ideyang mabibili niya na ang mga bagay na matagal niya nang pinapangarap.
May gusto pa sana siyang sabihin dito pero nag-aalangan siya dahil baka magalit ito kaya mas pinili niyang manahimik.
"What is it? Tell me," untag ng binata na animo'y nababasa nito ang iniisip niya, napatingin siya sa mata ng binata nang mapansin niya ang mga mapanuring tingin nito.
"Uhm," pag-aalangan niya.
"Do you need more money?" tanong ng binata. Agad namang nagpalingo-lingo ang dalaga.
"Then tell me what you need, my Fräulein," tanong ng binata sa mababang tono.
"Excuse me, my Lord. You will be late for--" napatigil si Mikhael nang iniangat ng binata ang kaliwang kamay, senyales na pinapatigil nito ang una.
"Oh! Vattene! I don't f*cking care, Mikhael." Malamig na saad ng binata while using his other hand to smack his other moving hand, yumuko na lang ang una saka lihim na napangiti habang naglalakad palayo.
"What is it, Margaux. Tell me." mahinahon nitong turan.
Nakagat ng dalaga ang labi saka nilaro-laro ang mga daliri. Napatingin ang binata sa sa dalaga saka kunot noo itong sinuri, pilit iniintindi kung anong kahulugan ng mga ikinikilos nito.
"Come on Margaux, I am not a mind reader. So will you please tell me, I'm being anxious here," saad ng binata sa kalmado pa ring tono.
"P-pwede ko bang gamitin 'yong bakanteng kwarto sa tabi ng kwarto ko?" sa wakas ay nasabi rin ng dalaga ang nais sabihin.
"Is that all? I've told you that this house is yours too, do whatever you want with it," sagot ng binata saka ngumiti at hinalikan siya sa noo.
"My Lord," muling sambit ni Mikhael.
"See you this afternoon, my Schatz." malambing na turan ng binata saka niya ninakawan ng madaliang halik sa labi ang dalaga.
Trans: Schatz means darling/love.
Nagpalingo-lingo ang dalaga matapos maalala ang pangayayaring "yon. Pilit binubura sa isipan ang mga kakatwang ikinikilos ng binata. Tama, may dumating na biyaya, tatanggihan niya pa ba? Gagawin niya ngayon ang mga bagay na matagal niya nang pinapangarap gawin.
Alas kwatro ng hapon nang matapos niya ang ginagawa. Maayos na ang silid at naisaayos na rin ang lahat. Dumating rin kanina ang mga binili niya through online.
Naging itim ang kabuuan ng silid dahil nabalot ito ng itim na wallpaper maging ang puting kurtina ay pinalitan rin ng kulay itim.
May mga divider na sa bawat baitang ay may nakalagay na mga specimen ng mga ini -preserve na hayop at mga insekto. Sa tulong ni Dawson ay nahakot niya ang mga bagay na 'yon mula sa kanyang boarding house na isinisilid niya lang sa mga kahon noon bilang collection dahil sa limitado ang lugar at idagdag pa na lagi siyang sinisita ng land lady dahil malas daw ang mga iyon sa negosyo niya, ayon dito.
Hindi tulad sa kwartong ito na hiningi niya kay Magnus na tatlong beses ang nilaki sa boarding house niya ay spat na upang makabuo siya ng isang museum. Kaya naman naka display na ang mga specimen ngayon. May mga divider sa bawat sulok ng kwarto kung saan nakalagay ang mga gara-garapong specimen.
Mula ipis hanggang pangil ng dinasour ay kompleto siya.
Meron siyang replika ni Anabelle at yung boyfriend ni Anabelle at kung ano-ano pang mga bagay na makikita mo lang sa isang horror movie.
Sa sahig nama'y makikita mo ang nakasalampak na si Margaux habang hawak-hawak ang isang bungo na nabili niya sa isang online auction.
Syempre, overwhelming sa kanya ang mga oras na 'yon. Para siyang nakapulot ng ginto
"Sabi ko nga kay Magnus, makabuluhang bagay lang ang bibilhin ko," humahagikhik niyang turan habang maingat na hinahaplos ang mausling cheekbone ng bungo. "Nabili nga kita, sabi nila galing ka raw sa ulo ng isang serial killer na si Jason. I love you Skullie from the bottom of my bloody heart. I will cherish you till your bones may crack," naiiyak sa tuwang turan ni Margaux saka ito niyakap.
Naiyak din ang bungo dahil ngayon lang siya nakaramdam ng importansya sa tanang buhay-buto niya. Wala kasi siyang ibang saysay sa mundo nung buhay pa si Jason, lagi lang silang tumatakbo palayo sa mga pulis, kung minsa'y napapalo pa siya ng tubo at nitong huli lang ay tumaob sa kanya ang isang bala na ikinamatay ni Jason. Pagod na rin siyang mag handle ng komplikado nitong utak kaya naman ang mapunta sa isang napakagandang babae ay biyaya na sa kanya.
Alas syete ng gabi nang makauwi si Magnus. Abot tenga ang ngiti niya itong sinalubong.
"Hi Magnus," napatigil sa pagalalakad ang binata saka kunot noo itong tiningnan, nagtataka sa ikinikilos ng dalaga.
"Hey, you look freaking happy," bulalas ni Magnus.
"Marami kasi akong nabiling makabuluhang bagay," abot tengang ngiti ng dalaga saka lumapit sa binata at kinuha ang kamay nito at hinalikan bilang pagbibigay galang.
"Lagi ka bang nag-aalcohol kapag may nahahawakan ka?" tanong ng dalaga matapos halikan ang kamay ng binata.
"Would you like to kiss a dirty hand-- or a dirty lips?" tanong ng binata sa malambing na tono.
"Pareho naman 'yong dirty kaya ayaw ko." sagot ng dalaga habang lumilingo-lingo pa. Magnus chuckled saka nito ginulo ang buhok ng babae.
"How naive," pabulong na turan ng binata. "So I've checked my account and you've indeed used the money I gave you, leaving 1 peso in it," malamig na turan ng binata saka niya nilagpasan ang dalaga.
Kagat labing napapikit si Margaux habang nakatalikod sa binata. Habang niluluwagan ang kurbata ng suot niyang suit.
"I'm sorr--" Magnus cut her off saka ito pasalampak na naupo sa couch.
"I told you my Schatz, I don't mind as long as you're happy," agad na napatingin si Margaux sa binata nang marinig ang sinabi nito. Ang buong akala niya kasi ay mgagalit ito. Tumakbo ang dalaga palapit saka pasalampak na naupo sa paanan nito.
"Thank you Magnus, at saka 'di ko naman 'yon ibinili ng pagkain o damit-- ginasta ko 'yon sa makabuluhang mga bagay. Promise!" masayang-masayang turan ng dalaga. Napatango ang binata.
"Was there some sort of things that are much more important than food and clothes?" kunot noong tanong ng binata.
"Meron, ano ka ba Magnus," sagot ng dalaga.
"Oh really, and what are those?" sa tanong na 'yon ng binata ay agad siyang hinila ng dalaga patayo. Hila-hila siya nito paakyat papunta sa hunted room niya.
"Tsadaaa!" sabi ng dalaga habang nakadipa. Napasandal ang binata sa pinto dulot ng pagkabigla saka nasapo ang mukha at napabuga ng hangin.
"So this is what you're up to?" tanong ng binata sa mababang tono.
"Uh-huh." nakangiting sagot ng dalaga saka pumasok at kinuha ang bungo at niyakap.
"What the! What was that, my Schatz?" bulalas ng binata nang makita ang bungong hawak-hawak nito saka dali-daling lumapit dito at inagaw sa dalaga saka itinapon.
"No, ang bungo kooo!" naiyak na turan ng dalaga saka itinulak si Magnus at tinakbo ang bungo, maingat na pinulot at hinimas-himas. Napahilot na lang sa sintido ang binata.
Skullie: Nakita mo ba yung ginawa sa akin ng lalaking 'yon? Tinapon niya ang butong mahal na mahal mo. Kung mahal ka niya babae, dapat mahal niya rin ang buto mo.
"Ang sama mo Magnus, di mo ba naisip na masakit 'yon?" nakangusong turan ng dalaga habang himas-himas ang bungo.
"That's-- That's a freaking fake skull, my Schatz and it can't even feel any pain!" bulalas ni Magnus while waving that Italian pinecone hand gesture in front of her while having that 'oh-you-silly' look.
Nabigla si Margaux sa sinabi ni Magnus, hinimatay naman ang bungo dahil hindi niya matanggap na tinawag siyang fake.
Skullie: I kennat-- after all these years. I'm real at pinag-aagawan ako ng mga collectors of artifacts! real na real, real na real huhuhu.
"Napaka wala mong puso Magnus!" sumbat ng dalaga na ikinagising ng bungo.
"What?!" di makapaniwalang bulalas ng binata.
"Hindi siya fake, galing siya sa ulo ng sikat na serial killer na si Jason, okay!" depensa ng dalaga. mariing napapikit ang binata saka napasuklay sa sariling buhok.
Lumapit ito sa dalagang nakasalampak sa sahig saka tumingkayad at hinaplos ang buhok nito.
"Okay, so you love this kind of stuff?" tanong ng binata na sinagot lang ng tango ng dalaga.
"You're weird and I love it." Napatingin sa kanya ang dalaga saka niya ito hinalikan sa noo.
"It's not weird," depensa ng dalaga, pilit man nitong ikubli ag kitang-kita kung papaano ito napanguso.
"Okay as you say, my Schatz. I understand so stop pouting," malambing na turan ng binata saka niya mahinang pinitik ang noo ng bungo na yakap-yakap ng dalaga.
Inabot ng dalaga ang black card sa binata.
"What is it?" nagtatakang tanong ng binata dito.
"Wala naman nang laman eh, kaya isasauli ko na," tugon nito habang pilit na isinisiksik sa kamay ng binata ang card.
"It has, I've transferred another 1 million in there," nanlalaki ang mga matang napatingin ang dalaga sa binata saka nahihiyang nag-iwas ng tingin.
Napangiti ang binata at binuhat niya ito palabas ng hunted room at dinala sa sarili nitong kwarto.
"Can we leave that skull there?" tanong ni Magnus na sinagot lang nito ng lingo habang mas humigpit pa ang pagkakayakap nito dito.
Magnus just smiled as he smelled Margaux's hair. That smell he have been longing for.
"As you wish my Schatz." malambing nitong turan.
Inilapag niya ang dalaga sa kama saka siya tumingkayad sa harap nito.
"Have you bought all of the stuff that you wanted?" tumango ang dalaga nang tanungin niya.
"Okay, what about buying clothes, foods or jewelry next time?" tanong nito sa dalaga.
"Hmm? Anong gagawin ko dun?" puno ng pagtatakang tanong ng dalaga.
"Seriously, you're asking me that kind of question. Every girl needs those stuff my Schatz," mahinahong turan ng binata.
"Hindi ba mas dapat nilang kailanganin 'to?" tanong ng dalaga habang ipinapakita ang bungo.
"Tss, they're afraid of that Schatz," nakangiting turan ng binata sabay pisil sa pisngi ng nakangusong dalaga.
"Di naman kasi ako magaling sa pamimili ng mga ganyang bagay eh." sagot nito saka yumuko habang hinahaplos ang bungo.
Ngumiti lang ang binata saka hinaplos ang buhok nito. "It's okay, my Schats."