Chapter 9 - Deadliest Pastime

2020 Words
Third Person's POV Mataman niyang pinagmamasdan ang dalagang mahimbing na natutulog sa harap niya. Tumigil siya sa paghaplos ng buhok nito na siya ring ikinatulog nito, saka niya dahan-dahang kinuha ang bungong hawak-hawak nito at ipinatong sa mesang nasa tabi ng kama. Still as weird as before. Sabi niya sa sarili habang lihim siyang napangiti. Kalakip ng isiping 'yon ay ang katanungang mahal pa ba siya ng dalaga tulad ng dati o kasabay na bang binago ng panahon ang nararamdaman nito para sa kanya. Naudlot ang mga isiping 'yun nang tumunog ang kanyang cellphone. A message from Mikhael: My Lord, we've caught your under boss's underdog. Isang halik sa noo ng dalaga ang iginawad ng binata bago niya nilisan ang silid. Nang makalabas siya ng silid ay isinuot sa kanya ni Romana ang puting coat at pinunasan ang singsing nito saka naman binuksan ng isang binata ang gun safe, mula doon ay kinuha ni Magnus ang baril, nilagyan ng bala saka isiniksik sa likuran niya. Huminto ang sasakyan sa isang building na kung tatanawin mo'y abandonado, aakalain mong isang proyektong di tinapos at wala nang balak na ipagpatuloy pa dahil na rin sa mga nagtataasang damo na tumubo sa gilid ng estraktura. Pagkababa niya sa sasakyan ay isang nagngangalit na hiyaw agad ang bumungad sa kanya, parang inihaw na baka. Inayos ni Magnus ang nagusot na damit dulot ng matagal-tagal na pagkakaupo saka nagpagpag. "The Queen will die and the he will fall! Babagsak ang mga Alphamirano!" Parang baliw na sigaw nito na siya namang ikinatagis ng bagang ng binata. "Mi piacciono gli uomini con le palle." Magnus exclaimed as he draw a sly smile. Napatingin sa kanya si Mikhael, batid nito ang nag-aapoy sa init na dugo ng binata. Trans: I like men with b*lls. "Idiot." Magnus uttered as he hissed, ngunit sapat lang para marinig ni Mikhael. Nagbigay galang ang mga lalaki na naroon nang pumasok ito. Magnus pulled a chair and sat in front of that underdog, na ngayo'y nakatali. Nagtitigan sila ng lalaki bago siya nagsalita. "Say it again." He commanded in a cold low voice. Napangisi naman ang kaharap bago nito inulit ang sinabi. "Mamamatay siya tulad ng iyong ina at babagsak ka at ang buong angkan ng Alphamirano ay mabubura sa kasaysayan ng Mafia." Kasabay nito ay ang pagkasa ni Magnus ng baril na sinundan ng isang putok. Napahiyaw ang lalaki sa sakit ng tama ng baril sa kaliwa nitong paa. "Say it again." Magnus said for the second time with that same low tone. This time, the man refused. Nagpalingo-lingo ito. Takot na sabihin ulit ang sinabi niya kanina dahil baka kung saan pa tumama ang bala. But he was mistaken, isang kasa-- isang bala ulit ang tumaob, this time sa kanang paa niya. Impit na hiyaw ang pinakawalan nito saka nito tinapunan ng nagtataka at namimilipit na tingin si Magnus. "Did you get me, Moron? Talk shits and I'll gave you a bullet. Don't follow my command-- I'll engraved you with another bullet." Natahimik ang lahat, maging ang mga tauhan ni Magnus ay pinagpapawisan dahil alam nilang hindi pa ito galit sa lagay na 'to. "Ano bang kailangan mo?" Nanginginig na tanong ng lalaki. "I do still have 3 bullets in here-- for 3 short questions. Who, What and How." Napamaang ang lalaki, alam niya ang ibig nitong sabihin. Nais nitong malaman kung sinong Pamilya ang nagtatraydor sa kanya, ano ang mga plano nito at paano-- sa anong paraan siya papatayin nito. "Don't give me that damned look, you know what I mean-- I also hate bad faces so smile while you're telling." Napaubo si Mikhael nang pilit na ngumiti ang lalaki kahit pa namimilipit ito sa sakit at butil-butil na ang pawis. "V-vernardice. Mauulit ang nangyari 15 years ago. Mamamatay ang babaeng pinakaiingatan mo at babagsak ng tuluyan ang mga Alphamirano." Matapos ang pahayag na 'yun ay dalawang magkakasunod na putok ang binitawan ng binata. "Though you followed me, I don't like what you've said. I'll keep this one bullet as a consolation prize for you. Go back to your idiot boss, don't tell a thing or I'll scatter your brain elsewhere." Puno ng pagbabantang turan ng binata saka niya ito iniwan. Inabutan siya ng panyo ni Mikhael na agad niya namang tinanggap saka ginamit pamunas ng kamay. Sa kalagayan ng lalaki ay halatang di na ito makakapaglakad pa kaya bago pa man tuluyang umalis si Magnus ay humingi ito ng tulong. "It's not my fault that you got holes on your rotten body, so crawl if you must." Malamig na turan ni Magnus saka tuluyang umalis. 'Vernardice... You dare mess with me? You want fire, I'll give you hell. Scram you morons and have a taste of my deadly pill.' who knows what's lurking within this devil's bloody mind. Napangisi ang binata sa isiping 'yon saka pinaikot ang singsing sa daliri nito. Pasimpleng tinatapunan ni Mikhael ng tingin si Magnus habang nagmamaneho, he knows exactly kung anong tumatakbo sa utak ng binata, iniisip niya pa lang ay ginagapang na siya ng kung anong excitement. Bata pa lamang si Mikhael ay sinanay na siya, para bang ipinanganak siya para tumayo sa tabi ni Magnus at maging kanang kamay nito. Kasabay ng pag-aral niya sa ibang bansa ay ang pag-aaral niya sa buhay ng mga Alphamirano mula sa nakaraan hanggang sa kasalukuyan. "Any update, Mikhael?" Maikling tanong ni Magnus habang nakatingin sa labas ng sasakyan. "At midnight, shipment from Mexico will be lade by the Vernardice and Brogatti. Shall I start with the shipment downtime or city shut down, young Lord?" Seryosong sagot ni Mikhael. Napatingin sa rear view mirror si Mikhael nang marinig ang malutong na tawa ni Magnus. "Look at you Mikhael, being all so evil.  I like your mind, that's a good idea." Napatikhim si Mikhael nang tapikin nito ang balikat niya. "So which will you prefer, young Lord?" Pagkompirma niya sa binata. "I prefer both, shipment downtime and city shut down with a boom!" Sagot ng binata sa kanya na sinundang ng nakakatakot nitong halakhak. Napabuga na lamang ng hangin si Mikhael. "Ruthless, indeed." Bulong niya sa sarili saka nagsimulang mag dial. Tumigil ang limo sa harap ng manor. Bumaba si Magnus saka tumuloy sa loob. "Wo ist sie, Romana?" Tanong ng binata sa Russian nitong katiwala na siyang sumalubong sa kanya. Trans: Where is she, Romana? "In ihrem Zimmer, mein Herr." Sagot nito saka tinahak ng binata ang hagdan paakyat sa silid nito. Trans: In her room, My Lord. "Margaux?" Sambit ng binata matapos pihitin ang door knob. Nilibot niya ng tingin ang buong silid ngunit wala dito ang dalaga. "Romana!" Sigaw ng binata. "My Lord!" Sabay na sigaw ni Romana habang nakatayo sa pinto ng kabilang silid. Napalingon siya kay Romana na ngayo'y putlang-putla na at namimilog pa ang mga mata habang sa paanan nito'y ang malapot na pulang likido-- dugo na nagmumula sa loob ng kabilang silid. "What the f**k, Romana! Open that f*****g door!" Galit na utos ng binata. "I-it's locked from the inside, My Lord!" Tarantang turan ng katiwala. "Then get that f*****g key!" Bulyaw ng binata. "Hannah! Sofia!" Sigaw ni Romana. Agad namang dumating ang dalawang kambal na katiwala. "Who the f**k are they, Romana! Get it yourself! You know better where it was!" turan ng binata. Agad na tinakbo ni Romana ang silid kung saan nakatago ang mga susi ng buong manor. Habang naiwan namang nanginginig sa takot ang dalawa. Kakapasok pa lamang nila at unang araw sa trabaho ngunit mukhang mapapasabak pa sila sa kung ano mang masamang pangyayari na nagbabadyang maganap. "A-ano pong nangyayari?!" Tanong ni Sofia. "Dugo!" Bulalas ni Hannah na biglang namutla, agad naman itong sinalo ni Sofia at niyakap. "N-nasa loob po ba ang Miss?" Nag-aalalang tanong ni Sofia, wala silang nakuhang sagot mula sa binata ngunit sapat na iyon bilang sagot. "My Lord?!" Gulat na tanong ni Mikhael na kakaakyat pa lamang habang nakatingin sa dugong nasa sahig na nagmumula pa sa loob ng silid. Napakuyom ng kamao ang binata, bigla niyang naalala ang sinabi ng lalaki kanina kung paanong binalak ng mga Vernardice na patayin ang dalaga. Hindi niya maatim na may mangyaring masama sa dalaga. Di niya na magawang hintayin pa si Romana. Isang malakas na sipa sa pinto ang pinakawalan ng binata na ikinasira nito. "Margaux!" Sigaw ng binata habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa nakasalampak na dalaga sa sahig. "Eh?!" Malungkot at blangkong baling ng dalaga sa binata habang hawak-hawak ang basag na garapon. "M-multo." Tuluyan namang nawalan ng malay si Hannah na kanina pa nanghihina dahil sa nakita nitong dugo matapos makita si Margaux sa puti nitong kasuotan na balot ng dugo, sayad sa sahig ang mahaba at itim nitong buhok na tumatakip sa kalahating parte ng mukha nito. Hawak ang isang matulis na bagay at bungo sa kabilang kamay nito. "What happened?" Tanong ng binata sa mababang tono matapos mahimasmasan. Agad siyang lumapit sa dalaga at punalis ang mga buhok na tumatakip sa mukha nito. Tumambad sa harap niya ang namumulang mga mata ng dalaga. Bahagya pa itong humihingos, halatang galing lang ito sa kakaiyak. "Nabasag ang garapon ng pekeng dugo na binili ko, Magnus." Malungkot na turan ng dalaga saka pumalahaw ng iyak. Napabuntong-hininga na lamang ang binata saka tumingkayad sa harap ng dalaga na ngayo'y nakaupo pa rin sa sahig. "It's okay, we'll buy a new one. Now give me that broken jar or it will cut you." Mahinahon na saad ng binata habang kinukuha ang basag na garapon sa kamay ng dalaga. Napalingo-lingo na lamang si Mikhael habang nakatingin sa dalawa. "Dumating na ang kinakatakutan ko, ang kahinaan mo. You aren't unfathomable anymore, My Lord." Mahinang saad ni Mikhael sa sarili saka tumalikod at tinungo ang silid na pinaroroonan ng mga baril. Nilibot ng tingin ni Mikhael ang malawak ba silid habang sa mga pader nito ay ang mga babasaging estante na pinaglalagyan ng mga baril, simula sa pinakaluma hanggang sa pinakabago. "My Lord!" Humahangos na turan ni Romana habang bitbit ang susi ng kwarto. Agad naman itong iginiya pababa ng hagdan ni Mikhael. "Di na tayo kailangan, Romana." Nakangising turan ni Mikhael habang hila-hila ito. Parang lutang naman na nagpatangay ang dalaga sa kanya. Sa kabilang dako... "Sinira mo ang pinto ko." Pagrereklamo ni Margaux. "We will fix it," maikling tugon ng binata saka niya binuhat ang dalaga na ngayo'y matamang nakatitig sa kanya. "Galit ka ba?" Tanong nito sa binata. "I was scared. Don't be so reckless next time." Sagot ng binata habang papasok sila sa silid ng dalaga. "Takot ka pala sa dugo?" Gulat na tanong ng dalaga saka humagikhik. "What a dumb woman I've got." Di makapaniwalang saad ng binata saka niya inilapag sa kama ang dalaga. Tuwid na naupo ang dalaga habang hawak-hawak ang puting bestida na nababalot ng pulang mantsa habang kandong nito ang bungo. "Margaux." Sambit ng binata sa mababang tono. "Yes po?" sagot nito. "Are you stupid?!" Biglang sigaw ng binata na ikinagulat ng dalaga. "No po," nakayukong sagot ng dalaga. Naisuklay na lamang ng binata ang kamay sa sariling buhok, "Can you behave, even a little bit?" Tanong ng binata habang hilot-hilot ang sintido. "Behave naman ako," sagot ng dalaga. "No, you aren't," anang binata. Di na umimik ang dalaga. Tumingkayad ang binata sa harap niya at tinitigan siya sa mata. "In the next month, I will be gone for a couple of weeks to deal with some business. How will I be at ease to leave you here knowing your are this reckless, naive, carefree and stupid." Seryosong turan ng binata. Napataas ng kilay ang binata nang hindi siya sinagot ng dalaga sa halip ay inismiran lamang siya nito. "Hey, what is that attitude?" tanong niya sa dalaga na di pa rin sinagot ang  tanong niya. Napabuntong-hininga na lamang ang binata saka ginulo ang buhok nito. "Get dressed, we're going somewhere," saad nito. Agad namang napatingin sa kanya ang dalaga. "Papasyal tayo?" tanong ng nito. "Magpapakasal tayo," tipid nitong tugon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD