Third Person's POV
Umalingasaw ang tunog ng putok ng isang baril sa gitna ng mapunong parte ng siyudad.
Napatingin si Mikhael sa madilim na kalangitan saka napatingin kay Magnus na nakasandal sa itim nitong sasakyan habang kampanteng humihithit sa tabako nito.
Bahagyang napataas ang kanyang kilay nang makita ang nakagapos na lalaki habang nakaluhod ito sa harap ng binata.
"Mikhael, I'm getting tired. I wanna see my Fräulein." Tila nababagot na turan ng binata saka tinapon sa lupa ang tabako at tinapakan.
Agad na nagsuot ng itim na surgical gloves si Mikhael saka tinanggal ang suot niyang salamin. Lumapit siya sa nakaluhod na lalaki at hindi ito inundayan ng malalakas na sampal dahilan upang matanggal ang dalawa nitong ngipin.
Tumigil si Mikhael sa kakasampal dito saka hinarap si Magnus na bahagyang hinihingal. Lumapit si Magnus kay Mikhael, dumukot ng puting panyo at marahang pinunasan ang mga dugong tumalsik sa mukha nito.
"My dark shadow. No, actually even darker than mine," bulong nito sa kanya habang pinupunasan ang mukha niya.
Hindi umimik si Mikhael, sa halip ay hinubad niya ang surgical gloves saka tinaggap ang panyo ni Magnus at siya na ang nagpatuloy sa pagpupunas.
Nilampasan siya ni Magnus. Dumiretso siya sa sasakyan upang kumuha ng alcohol at mag-ayos ng buhok. Mula sa salaming bintana ay nakita niya si Magnus na nakapamulsang nakatingin sa nakasalampak na lalaki na ngayon ay lupasay na nakasandal sa puno ng kahoy habang wasak ang duguan nitong mukha.
"Look how handsome Mikhael had made you," rinig niya ang mapanuyang turan ng binata saka nito sinipa sa sikmura ang lalaki.
"How much did Vernardice paid you to spy on me?" malamig na tanong ng binata. Nang marinig niya ang tanong na 'yon ni Magnus ay agad niyang inayos ang nagusot na damit saka lumapit dito.
Nagpalingo-lingo ang lalaki saka nagsimulang umiyak. "No-- not the Vernardice--" umiiyak nitong turan.
"Tell me who. We've been here for almost 20minutes and I'm getting tired," kalmadong turan ni Magnus ngunit walang balak na magsalita ang lalaki.
Lumapit si Mikhael at napatingala sa kanya ang lalaki. Pinanliitan niya ito ng mata dahilan upang manginig ito sa takot. Napatingin si Magnus kay Mikhael saka napangisi.
Batid niyang hindi magsasalita ang lalaki kaya tinalikuran niya ito. Bahagya niyang tinapik ang balikat ni Mikhael saka siya umalis. Hindi niya pa man nararating ang sasakyan ay umalingawngaw na ang isang putok.
Umikot ito sa sasakyan at kasabay ng pagsampa nito ay ang pagbukas ng pintuan ng driver's seat.
Tahimik na nupo si Mikhael na animo'y walang nangyari. Hawak-hawak nito ang baril saka ito kumuha ng pamunas na likha sa satin at ipinunas sa baril saka ito inilagay sa lagayan na nasa gilid lamang ng upuan nito. Kinuha nito ang cellphone saka tiningnan ang kelendaryo ni Magnus. Pinaandar nito ang isang Italian music saka pinaandar ang sasakyan at tuluyan na nilang nilisan ang lugar.
"No more appointment for you today, My Lord," pagbibigay alam nito kay Magnus na ngayon ay naglalaro sa ginto nitong mirror windmill cube. Para itong Rubik's cube na nasa ibang shape lang.
"I thought meeting with the Del Luca will be today?" tanong niya habang patuloy pa rin sa paglalaro.
"Yes, but I've handled it already, My Lord," sagot ni Mikhael. Napangiti si Magnus.
"Good, I don't wanna see him anyway," saad niya.
Wala pang ilang minuto ay natapos niya nang buuin ang laruan. Ibinato niya iyon kay Mikhael na agad naman nitong sinalo.
"I'll order you a new one, My Lord." Pagbibigay alam nito saka nito isiniksik ang laruan sa dashboard ng sasakyan. Hindi na sumagot si Magnus, sa halip ay umayos ito sa pagkakasandal saka iwinasiwas ang kamay kasabay sa himig ng musika.
***
Napatingin si Hannah sa makulimlim na kalangitan na humalo na sa nagdidilim na papawirin dulot ng papalubog na araw, mula sa labas ng manor na kinatatayuan niya'y tumingala siya sa silid kung nasaan ang amo niyang babae ay namamahinga.
Unti-unti ng dumidilim ang paligid hanggang sa tuluyan na ngang nilukob ng karimlan ang kalangitan. Walang bituin, wala rin'g buwan-- napabuntong hininga siya.
Muli niyang tiningnan ang bintana ng silid nang makita niya ang isang babaeng nakadungaw rin sa kanya, para siyang napako sa kitatayuan at ginapang ng kung anong kilabot ang kanyang buong sistema lalo pa't umihip ang napakalakas na hangin na siyang nagpapasayaw sa mga nagtataasang puno sa paligid.
Walang lingon-likod siyang tumakbo papasok ng manor at humahangos na tinungo ang kusina kung nasaan ang kakambal niyang si Sofia.
"Hannah, es ist spät und gnädige Frau ist immernoch nicht runter zum Essen gekommen. Sag ihr dass das Essen fertig ist." Pagsalubong sa kanya ni Sofia habang nagpupunas ng mga pinggan.
Trans: Hannah, it's late and Madam hasn't come down yet for dinner. Tell her that food is ready.
"Urgh, kannst du es ihr nicht sagen?" Sagot niya dito. Napatigil si Sofia sa pagpupunas ng pinggan saka nagtatakang tiningnan siya nito.
Trans: Uh, can you go there and tell her, instead?
"Warum?" Kunot noong tanong ni Sofia.
Trans: Why?
"Sie verhält sich seltsam. Nein wirklich seltsam. Hast du sie und das Zeug in ihrem Raum gesehen?" Bulalas ni Hannah.
Trans: She seems odd. No, actually she is. Haven't you seen her and those stuff in her room?
Nasa kalagitnaan sila ng pagtatalo nang biglang namatay ang ilaw at kumidlat na siyang nagpaliwanag sa buong manor ng panandalian na sinundan ng isang nakabibinging kulog.
"No! Ayokong akyatin siya do'n! Nakakatakot!" Bulalas ni Hannah saka kumapit sa kakambal.
"Do you want us to get doomed if young Lord will know about this?" Saad ni Sofia, nagpalingo-lingo si Hannah. "See, so go. And stop speaking in German. Young Lord doesn't want us to speak in language that the young miss wouldn't understand," dugtong pa ni Sofia saka siya mahinang tinulak. Nanginginig ang mga kamay na nilingon niya ang kakambal saka nag-aalangang tinahak ang daan papunta sa silid ni Margaux.
Nag-aalangan man ay dahan-dahan niyang kinatok ang pinto. Sa kanilang dalawa kasi ay si Hannah ang may mahinang katangian. Takot sa dugo, takot sa multo at iba pa. Mahina ang loob.
"M-missus?" Nakailang katok na siya ngunit wala siyang nakuhang sagot kaya dahan-dahan niyang pinihit ang door knob. Maririnig ang tunog ng pinto habang binubuksan niya ito.
Pawisan at nanlalamig ang mga kamay na nakahawak ang siya sa pinto nang marinig niya ang tila ba nababaling mga buto na sinundan ng isang makapanindig balahibong musika.
"M-missus?!" Natatakot man ay pinilit niya pa ring hagilapin ang dalaga.
"Missus?" Tila echo na inulit ng kung sino man ang sinabi niya. Malamig ang boses na yun, nakakatakot at nakakapangilabot.
Para atang lalabas na ang puso niya sa sariling bunganga sa sobrang bilis ng t***k nito. Para iyong dinudukot ng kung anong elemento dahil sa paninikip nito.
Dahan-dahan siyang humakbang papasok nang biglang kumulog na sinabayan ng mahinang pagbukas ng pinto sa kabilang silid. Napatigil siya sa paglalakad.
Butil-butil na ang pawis niya at batid niyang putlang-putla na rin siya. Narinig niya ang isang nakaririnding hagikhik na humalo sa nakakatakot na musika at kasunod no'n ay ang pagkalaglag ng kung ano mang matigas na bagay at gumulong ito papunta sa paanan niya.
Dahan-dahan siyang yumuko ngunit di niya matukoy kung ano ang bagay na 'yon dulot ng karimlan kaya naman ay minabuti niyang pulutin ito.
Dahan-dahan siyang yumuko saka kinapa ang bagay na gumulong sa kanyang paanan. Nanginginig ang mga kamay niya habang hawak-hawak ang... "B-bungo?!" Kasabay ng matinis niyang sigaw ay ang pagdapo ng isang malamig na kamay sa balikat niya na sinundan ng isang bulong.
"Akin na ang bungo ko." Iyon ang huling bagay na narinig niya bago siya panawan ng ulirat.
Margaux Arevalo
Dumungaw ako sa bintana nang marinig ang malakas na kulog. Gustong-gusto ko ang ganitong klase ng panahon. Makulimlim na sa labas at nagbabadya ang pagbagsak ng malakas na ulan. Actually, parang music na sa tenga ko ang tunog ng ulan, kulog at ang ihip ng malakas na hangin. Nakakagaan ito ng damdamin.
Muli ko na sanang bibitawan ang pagkakahawi ko ng kurtina nang mapansin ko ang babaeng nakatingin sa akin mula sa ibaba. Natigilan ako, those look of terror in her eyes-- may nakikita ba siyang multo sa likuran ko? Gosh, sana maramdaman ko!
Kakawayan ko na sana ito nang kumaripas ito ng takbo. Dali dali akong lumingon dahil base sa ekspresyon nito at kung paano ito kumaripas ng takbo ay paniguradong may nakita ito. Sigurado akong may nakita ito sa likuran ko. Nilibot ko ng tingin ang buong silid ngunit wala akong nakita. Dismayado kung ibinaling ang atensyon sa labas ng manor. Makulimlim ang paligid at napakatahimik. Tanging ang tunog lang ng nagbabanggaang sanga ng mga puno at ang pagkuskos ng mga dahon nito sa atip ang maririnig mo.
Dahan dahan kong binuksan ang salaming bintana ng silid. Bahagya kong inilabas ang kalahati ng aking katawan, mariing ipinikit ang mga mata and I spread my hands as I was trying to feel the coziness of the weather. Napangiti ako nang maramdaman ko ang dahan-dahang pagpatak ng ulan na siyang tumatama sa aking mukha. Muli kung ipinasok ang sarili, isinara ang bintana at dahan-dahang isinara ang kurtina. I turned off the light and started playing a lullaby-- my lullaby.
I grabbed Skullie from his chamber which is within my table lamp's drawer. I was about to crawl into my bed when I've noticed something protruding under my bed. Awtomatiko ko itong inilapag sa tabi ko. I bend over to grab what was popping out under my bed just then I realized that it was Skullie's skeleton.
"Oh no, Skullie. You've got a twisted bone!" I exclaimed when I saw the skeleton's arms and legs got twisted. "Don't worry, Mama's gonna fix you," I whispered as I started twisting its bone back to its original state. Medyo nahirapan ako dahil matindi ang pagka-twist nito. Kailangan ko pang dahan-dahanin dahil baka mawasak ang mga lock na nagko-connect sa nga boto ng spinal cord nito. Nang matapos ako sa pag-aayos nito ay napangiti ako. I lift the skeleton into the air and whispered, "My Skullie's looking good now," saka ako humagikhik.
Nabigla ako nang biglang bumukas ang pinto dahilan upang aksidente kung matabig ang bungo at nagpagulong-gulong sa sahig.
Agad akong bumaba ng kama upang kunin ito ngunit nakita ko ang isang babae na nakatayo habang hawak-hawak ito. Agad kong nakilala ang babae na siyang nakita kong nakatingin sa akin kanina sa labas mula sa ibaba.
Napangiti ako, I'm glad she's here, I would like to ask here kung anong nakita nito kanina. Kung totoong nakakakita ito ng multo ay kakaibiganin ko siya.
Dahan-dahan akong naglakad palapit dito saka ko mahinang hinawakan ang balikat nito. "Akin na ang bungo ko," sabi ko sa mababang tono.
Nopatingin ito sa akin. Nakita ko kung paano namilog ang mga mata nito bago ito mawalan ng malay. Nabigla ako nang malupasay ito kaya naman dali-dali king sinalo ang bungo. Napabuga ako ng hangin dulot ng ginhawa nang makitang ang babae ang bumagsak sa sahig at hindi ang bungo ko.
Napatingin ako dito nang biglang kumidlat at tumama ang panandaliang liwanag na 'yon sa buong silid. Natigilan ako nang mapuna ko ang isang kumikinang na bagay na nadaganan nito. Inusog niya ang babae at tumambad sa kanya ang isang kutsilyo. Kinuha niya iyon upang tingnan. Napatingin siya babaeng walang malay pilit na inaanalisa kung bakit may kutsilyo itong dala nang marinig niya ang isang matinis na sigaw.
Third Person's POV
Natapos na sa paghahanda si Sofia ngunit wala pa rin ang Missus nila at ang kakambal niya kaya naman ay nagpunas siya ng kamay saka tinungo ang silid ng dalaga. Napansin niya ang bahagyang pagkakabukas ng pinto ngunit patay ang ilaw sa loob.
Dahan-dahan siyang naglakad papasok. Halos panawan siya ng ulirat nang makita ang kakambal na walang malay sa sahig habang ang dalaga naman ay nakadagan dito.
"Missus?" sambit niya. Napaatras siya nang lumingon ito habang hawak-hawak ang isang bungo at kutsilyo sa kabilang kamay. Binalot siya ng takot dulot ng nasaksihan, napasigaw siya. Umugong ang matinis nitong sigaw sa buong silid. Sakto namang bumalik ang mga ilaw.