Chapter 11 - His Amusement

2026 Words
Third Person's POV Walang ilaw at napakadilim  ng buing manor nang dumating sila Magnus. Napatigil siya nang makaramdam ng hindi maganda. "Dawson!" sigaw niya nang walang sumalubong sa kaniya. Mga ilang minuto pa bago nakalapit sa kanya ang binata. Humahangos ito habang hawak-hawak ang flashlight. "Young Lord," bati nito saka yumuko. "What happened here, Dawson?" tanong ni Magnus. "There's a city shutdown, My Lord." Of course, alam 'yon ni Magnus siya ang dahilan kung bakit walang kuryente ang buong siyudad. Pero hindi ito ang sagot na inaasahan niya. May sariling power source ang manor kaya papaanong wala pa ring ilaw. "And, we are still fixing the generator, Young Lord. Mukhang nagkaaberya po, we are doing our best." Biglang dugtong ng binata bago pa man siya makapagsalita at ibalibag ito sa kawalangkwenta nitong sumagot. "I see," tipid niyang sagot. Lumapit si Romana na may dala-dalang ilaw. "Good evening, Lord Magnus," bati nito saka yumuko. Napakatingkad ng suot nitong uniform lalo pa't natatamaan ito ng aandap-andap na ilaw. Tumabi si Romana upang giyahan siya sa pamamagitan ng pag-iilaw ng daraanan nito. Lumapit si Mikhael at tinanggal ang nakalukob na black coat sa mga balikat nito, tinupi at ipinatong sa braso nito. Itatanong na sana ni Magnus kay Romana kung nasaan si Margaux nang gimbalin sila ng isang napakatinis na sigaw. Mababakas sa mukha ni Romana ang pagkabigla. Nagtagis ang mga bagang ni Magnus saka binunot ang baril at mabilis na inakyat ang silid kung nasaan nagmumula ang sigaw. Agad namang sumunod sa kanya sila Mikhael at Romana. Natigilan siya nang makita si Sofia na nakasalampak sa silid. Napatingin na lang si Sofia sa mga mahahabang binti ng amo niyang lalaki nang hakbangan siya nito upang silipin kung ano ang nangyayari sa loob ng silid. Natigilan ang binata nang makita ang nakasalampak sa sahig na si Margaux habang hawak-hawak nito sa kanang kamay ang kutsilyo at bungo naman sa kanan. Sayad sa sahig ang napakahaba at itim nitong tuwid na buhok na dumadaloy mula sa maputi nitong mukha at sa puting satin na damit ng dalaga habang sa harap nito ay ang hindi nila mawari kung wala bang malay o walang buhay na si Hannah. "Margaux." Sambit ni Magnus sa malumanay at malambing nitong tono saka inilahad ang kamay habang dahan-dahan na humahakbang palapit dito. "Give me that knife. You might hurt yourself," sabi ng binata sa dalaga. Napatingin si Margaux sa kamay ng binata saka sa hawak niyang kutsilyo. Biglang nagliwanag ang mga mata ng dalaga nang muli niyang titigan ang binata, "Magnus, you're back," sabi nito sa masayang tono saka sumilay ang isang napakagandang ngiti. Natigilan ang binata nang makita ang mga ngiti nito. Lihim siyang napalunok, tila ba nahuhumaling at nahihipnotismo ito. Natauhan lamang siya nang pabagsak na inilapag ng dalaga ang kutsilyo sa kamay niya. Biglang umilaw ang buong bahay, "What's wrong with her?" tanong ng dalaga saka panandaliang tinapunan ng tingin ang nasa sahig na si Hannah. Saka lang nakahinga ang nasa paligid nang marinig iyon. Bigla namang sumulpot si Dawson, "Consigliere, we fixed--" agad itong pinutol ni Mikhael. "I know Dawson, it's obvious." Seryosong turan ni Mikhael, napatikhim na lang ang una saka napatingin sa mga ilaw sa paligid. "By the way, Consigliere, someone intentionally cut the power chord of the engine," pagbibigay alam nito. "I know, Dawson." Muling napatikhim  si Dawson nang marinig ang sagot ng Consigliere. Ano nga bang inaasahan niya? Alam ata nito lahat ng bagay, walang nakakalagpas sa mga mata nito. Maliban sa napakatalas nitong mga mata at pakiramdam, wala ring nakakalagpas sa pandinig nito. Lahat ng bagay ay naaamoy nito. Isang katangian na tanging ang Consiglier lang ng isang Mafia Boss ang nagmamay-ari. Ipiniling ni Mikhael ang ulo, senyales na inuutusan niya ang una na kunin si Hannah. Agad na nilapitan ni Sofia ang kakambal saka ito inalalayang makaupo ngunit lumapit si Dawson at binuhat ito palabas. Napayuko si Sofia  bilang pagmamaalam saka nito sinundan palabas si Dawson habang karga-karga ang kapatid. Sumunod na rin si Romana saka naman isinara ni Mikhael ang pinto at naiwan ang dalawa sa loob. "You know, Magnus." Pagsisimula ng dalaga habang yakap-yakap ang bungo, "mukhang takot na takot si Hannah kanina," pagkikwento nito, "kung nakita mo lang kanina, nanlalaki ang mga mata niya," patuloy nito. Magnus look at her full of amusement, naiisip niya kung gaano ka naive ang dalagang ito. "Sa palagay ko talaga Magnus, may multo dito sa bahay mo." Hindi na napigilan ng binata ay napabunghalit na siya ng tawa. Sigurado siyang hindi nito alam na siya ang kinakatakutan ni Hannah. "You think so?" tanong niya sa dalaga habang mahinang tumatawa. Agad naman siyang sinagot nito ng mabilisang pagtango. Napangiti siya saka napatingin sa bungo na nagayo'y yakap-yakap nito. Marahan niyang inabot ang pisngi nito upang isukbit sa tenga nito ang iilang hibla ng buhok saka ito nginitian. Hindi niya maiwasang hindi mag-alala para sa dalaga. Napakainosente nito, tiyak na hindi ito makaka-survive sa kung anong mundo mayroon siya. Kasabay ng pag-ihip ng hangin mula sa nakabukas na bintana ay ang pagbabalik ng iilang alaalang mayroon siya kasama ang dalaga. Malayo pa lang ay natatanaw niya na ang dalaga na nakatayo sa gilid ng harden habang hinihintay siya. Nais niyang surpresahin ito kaya naman ay dahan-dahan siyang naglakad palapit sa walang kamalay-malay na dalaga at sinunggaban ito ng isang mahigpit na yakap at inulan ng halik sa pisngi. "Ace!" bulalas ng dalaga nang makilala siya nito. "Kanina ka pa ba dito?" tanong niya sa dalaga na sinagot nito ng tango. "Sorry, may tinapos lang, 'di ko naman maiwan, alam mo namang ngayon na pinapatapos sa akin ang bulletin board," pagbibigay niya ng paliwanag sa dalaga. Sa halip na magmaktol, magtampo o 'di kaya'y magalit ay hinarap lamang siya ng dalaga saka niyakap ng mahigpit. "Okay lang, ano ka ba." Malambing nitong turan saka siya hinila paupo sa damuhan. It was the last week of March, ilang araw na lang ay ga-graduate na siya habang maiiwan pa sa paaralan na 'to ang dalaga upang tapusin ang dalawang taon bago ang kolehiyo. Napatingila ang dalaga nang malaglag sa hita nito ang dilaw na bulaklak ng Narra kung saan kami nagpapasilong. "Margaux," sambit niya, "mahihintay mo ba ako?" tanong niya sa dalaga nang hindi ito lumingon. "May hihintayin ba ako?" pabalik nitong tanong. "Syempre naman," sagot niya dito saka kinuha ang hawak-hawak nitong bulaklak at isinukbit sa tenga nito. "Won't you stop me from going." Tanong niya sa dalaga. Kung sasabihin ng dalaga na ayaw nitong umalis siya ay hindi siya aalis, mamamalagi siya dito sa Pilipinas at kakalimutan niya ang Europe. Nagpalingo-lingo ang dalaga, "I know your dreams, Ace. And I can't be the reason for you to fail having that dream," sagot ng dalaga. Nang mga sandaling 'yon ay hindi niya mawari kung malulungkot ba siya na hindi siya pinigilan ng dalaga o matutuwa dahil naiintindihan nito at suportado nito ang pangarap niya. Kaya naman ay hinila niya palapit ang dalaga saka isiniksik ang mukha sa batok nito habang yakap-yakap ito mula sa likuran. "Hindi mo ba talaga ako pipigilan?" bulong niya dito. Muling umiling ang dalaga. "Bakit?" naghihimutok niyang tanong dito. "Kasi mas malayo ang mararating mo. You still have to avenge your Mom, right?" natigilan siya sa narinig mula sa dalaga. Paano nito nalaman ang pagnanais niyang ipaghiganti ang ina gayong wala siyang sinabi dito. Hinila niya paharap ang dalaga ngunit sinalubong siya nito ng isang mainit na ngiti. "Kahit hindi mo sabihin, I know your heart. I can read your thoughts bago pa 'yan ilabas ng mga labi mo. I know you Ace from head to toe," saad nito ng nakangiti ngunit puno ng kalungkutan ang mga mata. Wala siyang masabi sa narinig kaya naman niyakap niya na lang ito ng mahigpit. "Halika may binili ako para sa 'yo,"  sabi ng dalaga sabay tulak sa kanya saka ito naglabas ng isang kahon. "Ano 'to?" tanong niya sa dalaga. "Buksan mo," sagot nito. Natigilan siya nang makita ang isang antique na Lancet Ouroboros pocket knife. Napaka elegante ng naka engraved nitong desenyo sa handle. Nanlalaki ang mga matang napatingin siya sa dalaga, "where did you get this?" tanong niya dito lalo na't napakamahal ng pocket knife na 'to. "Bigay sa akin ni Tatay, sabi niya itago ko raw dahil may isang tao ang nag-iwan niyan para sa akin," sagot nito na ikinakunot ng noo niya. "And you're giving it to me?" 'di makapaniwala niyang tanong sa dalaga. Nagpalingo-lingo naman ito saka ngumiti. "Hindi ko 'yan binibigay, pinapahiram lang. Ano namang gagawin ko d'yan. At isa pa, pupunta ka sa isang lugar kung saan wala ako. Hindi ko makikita kung ano ang gagawin mo, anong mangyayari sa 'yo. That pocket knife will save you one day, Ace. It will save you in my stead. And you'll be able to come back to me. At kapag nakabalik ka na, maisasauli mo na rin sa akin 'yan," saad ng dalaga. He was left speechless. He pressed the button and the sharp edge popped up from the handle. Manghang-mangha siya sa detalyadong desenyo ng patalim na gawa ng kamay lamang. "Napakaganda," bulong niya saka napatingin sa nakangiting dalaga. Marahan niyang hinaplos ang pisngi nito saka taos pusong nagpasalamat at  muling isinilid ang patalim sa maliit nitong metal na kahon. "Are you okay, Magnus?" Ang tanong na iyon ng dalaga ang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan. Napatango siya saka nginitian ito "Hindi ka naman nakikinig sa akin eh," nakanguso nitong turan habang nagrereklamo. "No, I'm listening, of course. It's just that I remembered something," sagot niya sa dalaga. "Okay," tipid na sagot ng dalaga saka siya nilagpasan. "Are you mad at me?" tanong niya sa dalaga sabay hapit ng bewang nito. Napailing ang dalaga saka napakusot ng mata. "No, I'm just sleepy," sagot ng dalaga sa kanya. Nabitawan niya ang dalaga kaya naman nagpatuloy ito sa paglalakad. Wala siyang ibang nagawa kundi sundan ito ng tingin nang  umakyat ito ng kama saka nahiga. "Good night, Magnus." Bati nito sa kanya na ikinangiti niya, para sa kanya ay napakagandang pakinggan  sa tuwing tinatawag siya nito sa pangalan niya. Naupo siya sa tabi ng dalaga saka mahinang sinusaklay ang buhok nito gamit ang sariling mga daliri. Maya-maya lang ay nakatulog ito kaya hinila niya ang kumot saka inilukob sa kanila. "Good night, Fäulein." Bulong niya sa dalaga saka ito hinalikan sa noo ng palihim. *** Sa kabilang dako naman, sa ilalim na parte ng manor kung saan ay kinakailangan pang tahakin ang madilim at makitid na daan patungo sa isang underground Prison ay maririnig ang paisa-isang yabag ni Mikhael-- ang kasalukuyang Consigliere ng pamilya Alphamirano. Umalingawngaw ang tunog ng pagtama ng latigo sa pader na ginagamit nito sa pangangabayo. Humalo sa tunog nito ang mabibigat na paghinga ng pitong lalaki na ngayon ay nakahilira na siyang nasikop ni Dawson upang isailalim sa pag-iimbestiga ni Mikhael. "One last chance to tell me who among you sabotage the power supply." Nakakapanindig balahibo ang boses na iyon ni Mikhael, halatang wala itong sasantohin dahilan upang manginig sa takot ang mga ito. Walang umimik. Walang umaamin kaya naman tatlong beses na nagpabalik-balik si Mikhael sa harap ng mga nakahilirang mga akusado hanggang sa napatigil siya sa harap ng isang lalaki. Biglang nanginig sa takot ang lalaki nang huminto si Mikhael sa harap niya. He raised his hand and in just one blow ay nagkahiwa ang braso nito. "Do you think I wouldn't find out?" tanong niya sa nakaluhod na lalaki saka ito nilat*go ng ilang beses hanggang sa manglupasay na ito sa sahig. Makailang beses na humingi ng paumanhin ang lalaki ngunit tila ba bingi si Mikhael at hindi ito nakakarinig. Tumigil lamang siya nang mabalot na ito ng sugat at nang malaman niyang nagtatrabaho ito para sa kabilang pamilya. Ibinigay ni Mikhael ang latigo sa kay Dawson saka ito lumabas ng underground habang naghuhubad ng itim nitong  surgical gloves. Sa dulo ay sinalubong siya ni Romana at binigyan ng panghugas ng kamay. "Romana, make sure that no one will approach the young Miss from now on." Utos ni Mikhael kay Romana. Magalang naman itong yumuko bilang sagot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD