Chapter 12 - The Consigliere

2043 Words
Third Person's POV Nang makatulog na ang dalaga ay maingat niya itong kinumutan. Paglabas niya ng silid ay nasa labas si Sofia, nag-aantay na makaalis siya. Agad itong napayuko nang makita ang binata. "Where's Mikhael?" tanong ng binata sa kanya. "At the underground, Young Lord," sagot nito. Bahagyang kumunot ang noo ng binata nang marinig ang sagot nito. Iniisip niya kung anong ginagawa nito roon. Alos magpigil naman ng hininga si Sofia habang nasa harap nita nakatayo ang binata, hindi niya magawang kumilos lalo pa't alam niyang nadismaya nilang magkakapatid ang amo nila. Saka lamang siya nakahinga nang lagpasan siya ng binata at nagsimula itong maglakbay sa malawak na pasilyo patungo sa sarili nitong kwarto. Mabilisan ngunit maingat na hinila ni Sofia ang door knob saka tinungo ang silid ni Margaux. Natigilan siya saka napatingin sa paligid. Sa totoo lang ay may punto naman ang kakambal niya, nakakatakot nga ang amo nilang babae. Lumapit siya upang tingnan ito. Tinungo niya ang bintana at isinara ito nang makitang mahimbing na natutulog ang dalaga. Consigliere Mikhael Matapos iwan ang underground na 'yon ay bumalik na ako sa sariling silid. "Mikhael!" Bago ko pa man marating ang sariling silid ay natigilan ako nang marinig ang sigaw ni Lord Magnus. Napatingala ako at nakita ko itong nakadungaw mula sa rail ng ikalawang baitang kung nasaan ang silid nito. Humarap ako saka yumuko bilang pagbigay galang. "Where have you been, Mikhael?" tanong nito habang ang isang kamay ay nakahawak sa rail at ang isa naman ay naglalaro sa luma nitong pocket knife. Sa halip na sagutin ito nang pasigaw ay pinili kong umakyat at lumapit dito. Muli akong yumuko bilang pagbibigay galang, "I took care of the one who caused the malfunctioning of the power source, My Lord," sagot ko dito. Napatingin ako sa hawak-hawak nitong pocket knife. Naalala ko bigla nang una ko itong makita ay nasa kanya na ito. Kamuntikan pa akong masaksak ng kutsilyong iyon dahil sa pag-aakala nitong kalaban ako. "I see. Anything you find interesting?" tanong nito sa akin. "No, My Lord," tipid kong sagot. "Okay. Timex for rest, Mikhael." Umayos ito ng tayo saka niya mahinang tinapik ang balikat ko matapos iyon sabihin saka ako tinalikuran at tinungo ang sariling silid. Bumaba na rin ako ng hagdan saka tinungo ang sariling silid. Nang makapasok ay maghubad ako ng suit upang mag shower. Binuksan ko ang heater ng kwarto upang madaling matuyo ang basa kong katawan, idagdag pa na malamig ang panahon dulot ng malakas na pag-ulan. Natigilan ako sa paglalakad nang mapuna ang sariling repleksyon sa salamin. Dahil sa tuwalyang nakalukob sa kalahating parte ng aking katawan ay kitang-kita ko ang mga pilat mula sa nakalantad kong katawan. Muling nagbalik sa akin ang mga panahon kung papaano ko nakuha ang mga ito. Pawis na pawis at hapong-hapo na ako habang iniinda ang sakit na dulot ng mga sugat na nakuha ko sa pag-eensayo. "Do you still wish to be Trey's Consigliere?" Napatingala ako nang marinig ang tanong na 'yon. Bumungad sa akin si Second, The Third's father, the second head of the Alphamirano family. Nang mga panahong 'yon ay nagmumukha akong mahina at tila ba gusto nang sumuko kaya naiintindihan ko ang mensaheng nais iparating ng mga tanong na 'yon. It was 10 years ago, napakabata ko pa. Bago sa akin ang lahat ng mga nakikita at natutunan ko sa mundo ng mga Mafia. Napayuko ako upang maiwasan ang pagpasok ng mga butil ng pawis sa aking mga mata ngunit muling napatingala nang hawakan ni Second ang baba ko at iniangat ito dahilan upang nagtama ang mga mata namin. "I choose you for a reason, Mikhael." Sabi nito. Puno ng 'di mawaring emosyon ang maladagat nitong mga mata. "But if you want to quit, I will not stop you," aniya. Tumayo ito kasabay ng paggulo nito ng buhok ko. Mula sa pagkakasalampak ay agad akong napaluhod. Napatigil ito sa paglalakad at nilingon ako, "I want to be a Consigliere. I want to serve the Alphamirano family." Buo ang loob kong turan. "Do you know what you are wishing, Mikhael?" tanong nito. Napatingala ako nakita ko ang nanliliit nitong mga mata. Sinagot ko ito ng tango. "I know very well, Lord Magnus." Sagot nito. Siya ang ama ng kasalukuyang tagapangasiwa ng Familia Alphamirano. Ang lalaking taong nagligtas sa akin nang patayin ng mga Brugatti ang aking buong angkan. "What is your reason for doing this?" tanong nito. Batid kong alam nito ang intensyon ko ngunit nais lamang nitong magmula sa akin mismo. "Vengeance. Let me avenge my clan, My Lord. Let me serve your son, Lord Magnus. I will be his most loyal servant and I will guard him with my life. In return, help me remove every Brugatti in the history of Mafia Family." Wala akong nakuhang sagot mula dito. Mga ilang segundo pa bago ko narinig ang malutong nitong tawa. "Our boy knows how to trade-- he even dare to trade with me!" bulalas nito saka tumawa ulit. "Stand up." Agad kong sinunod ang utos nito at tumayo ako. Kinuha ko ang kamay nito at hinalikan iyon. Napahinga ako ng malalim nang lumapat ang mga palad nito sa pisngi ko saka siya ngumiti sa akin. "I will entrust the third Mafia lord to you, Mikhael." Saad nito na ikinalawak ng mga ngiti ko. Isang katok ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Agad kong kinuha ang robe at isinuot saka tinungo ang pinto. Bumungad sa akin si Romana na may dala-dalang tsaa. "Consigliere Mikhael, guten abend." Pagbati nito ng magandang gabi sa wikang German. Lumabas ako ng silid at isinara ko ang pinto dahil ayaw kong may nakakakita ng kwarto ko. "Dein tee, Consigliere." Sabi nito habang iniaabot ang tsaa. Kinuha ko ang tsaa na nakapatong sa bitbit nitong tray. Trans: Your Tea "How's the young miss, Romana?" tanong ko dito. "She's well asleep. Dawson is right by the door next to the young miss. Nothing to worry, you can rest easy, Consigliere." Sagot nito saka yumuko. "Good job, Romana." Sabi ko dito habang mahina at maingat na hinahalo ang tsaa. "Wenn sie mich entschuldigen, Consigliere." Paalam nito. Trans: If you'll excuse me, Consigliere. Napatigil ako sa paghalo ng tsaa saka ako napasandal sa gilid ng pinto, "Romana," sambit ko. "Let's avoid speaking in German or Italian since the young miss is already residing here. We don't want to upset, Lord Magnus." Paalala ko dito. Napatingin ito sa akin saka ngumiti. "Masusunod po, Consigliere." Magalang nitong turan na ikinangiti ko. "Your Filipino accent is even good, so use it." Sabi ko dito saka tumango senyales na pwede na siyang umalis. Agad naman itong tumalikod at iniwan ako. Pumanhik na ako sa loob ng silid. Ipinatong ko ang tasa ng tsaa sa mesa saka ko tinungo ang lagayan ng mga aklat. Hindi ako nahirapang hanapin ang aklat na nais ko dahil memoryado ko ang bawat aklat at kung saan ito nakalagay. Maging ang pagkaka posisyon ng isang bagay ay memoryado ko mula sa iwan ko ito hanggang sa balikan ko na. Naupo ako sa sofa saka binuklat ko iyon at binasa habang nagta-tsaa. Napatigil ako sa pagbabasa nang maalala ko ang nangyari kanina sa underground. Isa sa mga tauhan namin ang may pakana ng pagkakaputol ng power supply. Nanliliit ang mga matang napatingin ako sa kawalan. "Looks like I have to sort our people out," bulong ko sa sarili. Tama, dapat ay salain ko na ang mga tao na nasa paligid namin. Hindi maaaring may traydor sa pamilya namin. Muli kong inilapag ang tsaa sa mesa saka ako tumayo upang kunin ang laptop at isa-isahin ang record ng mga lalaking nasa paligid namin ngayon. Margaux Arevalo Nagising ako na tila ba may kung anong yumuyugyog sa akin. Dahil sa madilim ang silid ay inabot ko ang ilaw na nasa gilid ng kama at nagbigay iyon ng sapat na liwanag upang makita ko kung sino iyon. "Mikhael?" bulalas ko nang makita ko itong nakatayo sa paanan ko. Agad kong nilibot ng tingin ang buong silid. Hinahanap ng mga mata ko si Magnus ngunit wala ito. "Si Magnus?" tanong ko dito. Sa halip na sagutin ako ay inilagay nito ang daliri sa labi senyales na pinapatahimik niya ako. Agad ko naman itong sinunod. Ikinumpas nito ang kamay na sa pagkakaintindi ko ay pinapababa niya ako sa kama. Dahan-dahan naman akong naupo sa sahig sa gilid ng kama. I hugged myself habang pinapanood ko itong dahan-dahan na binubuksan ang bintana ng aking silid. Dumungaw siya sa bintana. Napasinghap ako ako nang umalingawngaw ang isang putok at kasunod no'n ay ang paghandusay ni Mikhael sa sahig. Akma akong sisigaw nang may tumakip ng bibig ko. "Shush," bulong nito. Saka ko lang napagtantong si Magnus pala ang nasa likuran ko. "Patay na ba siya?" Nanginginig ang boses kong tanong dito ngunit wala akong nakuhang sagot. Binitawan ako ni Magnus upang lapitan si Mikhael. Aabutin ko sana ang kamay nito upang pigilan siya ngunit nabigo ako. Wala akong ibang nagawa kundi ang panoorin ito. Napaluhod si Magnus saka niya kinarga si Mikhael nang biglang umalingawngaw ulit ang isang putok at kasunod no'n ay ang pagbagsak ni Magnus. Batid kong hindi na ligtas ang lugar para sa akin kaya gumapang ako palabas. Wala ako sa sarili habang nilalakbay ang madilim na pasilyo. Tila nagwawala ang puso ko sa kaba. Hindi pa napoproseso ng utak ko ang mga nangyayari nang makita ko sila Romana, Sofia at Hannah na wala nang buhay at naliligo sa sarili nilang dugo habang nakahandusay sa sahig. Natigilan ako nang pumasok ang isang lalaki na nakasuot ng maskara. Napatingin ako nang itinaas nito ang baril at itinutok sa akin. Alam kong dapat tumakbo at magtago ang dapat kong gawin ngunit papaano? Gayong tila ba napako sa kinatatayuan ang mga paa ko. Nakita ko kung paano nito kinalabit ang gatilyo at kasabay no'n ay nakakabinging sigaw ni Magnus. "Margaux!" Hinihingal akong napaupo. Nilibot ko ng tingin ang buong silid, panaginip lang pala. Walang Mikhael sa aking paanan ngunit narito si Magnus. "You okay?" tanong nito na puno ng pag-aalala. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko. "You were screaming that I came rushing here," sagot nito. Talaga? Sumisigaw na ako sa panaginip ko. Iniabot nito sa akin ang baso ng tubig na agad ko namang tinanggap. "It's okay, it's just a bad dream. It will pass," saad nito sa akin habang hinihimas ang aking likuran. Kinuha niya sa kamay ko ang walang laman ng baso na agad namang tinanggap ni Romana. Sadyang napakasama ng panaginip na 'yon at napakarealistic din. Inuhaw pa ako. "I was killed," halos pabulong kong turan habang nakatitig sa kawalan. Sapat lamang ang mga katagang iyon upang marinig ni Magnus. Natigilan ito saka niya hinawi ang mga buhok sa aking mukha. "Nothing will happen to you, I can assure you that. No body can touch even the tip of your hair," saad nito. For some reason ay napaka reassuring nitong pakinggan. Nakakawala ng pangamba. Dahil lamang sa mga salitang 'yon ay muli akong naniwalang wala talagang mangyayari sa akin. "Go back to sleep." Utos nito. Napatingin ako sa kanya na nagayo'y titig na titig naman sa akin. "Don't worry, I'll stay here tonight." Sabi nito. "Hindi naman ako takot." Nakita ko ang pagkunot ng noo nito, "I mean, hindi ako natatakot para sa sarili ko," paglilinaw ko, "natatakot ako para sa inyo ng lahat na narito," dugtong.ko. "What a brave, Fräulein." Nakangiti nitong turan. I sighed sabay irap sa kanya, he's treating me like a 6 years old. Bigla akong nakaramdam ng antok kaya naman ay bumalik na ako sa pagkakahiga sabay hila ng kumot na inilukob ko sa sarili. Inayos ni Magnus ang kumot ko saka siya tumayo. Tinungo nito ang pinto. Nakita ko itong lumapit sa isang lalaki na ngayo'y nagnakaw ng mabilisang tingin sa akin. Seryoso ang mukha ni Magnus habang nakikipag-usap dito. Sa palagay ko ay may inutos si Magnus dahil nagbigay galang ang lalaki bago ito tuluyang umalis. Nang makaalis ang lalaki ay isinara ni Magnus ang pinto, saka siya naupo sa couch na nasa gilid ng higaan ko. Dali-dali ko namang ipinikit ang mga mata upang magkunwaring tulog. Naramdaman ko na lang ang marahan nitong paghaplos sa pisngi ko saka siya napasandal sa couch habang ipinipikit ang mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD