Chapter 13 - Alphamirano Cousins

1723 Words
Margaux Arevalo Nang magising ako ay nakaupo pa rin si Magnus sa couch na na nasa gilid ng kama ko. Dahan-dahan akong bumaba at nang hindi ito magising. Maingat ko kinuha si Skully at ipinatong sa ibabaw ng vanity drawer. Kinuha ko ang cellphone at pasekreto kong kinunan ng litrato ang natutulog na si Magnus. Sa kakalapit ko dito ay  nangyaring halos isang dangkal na lang ang layo ng phone ko sa mukha nito. Kaya naman nang alisin ko ang cellphone sa harap ng mukha nito ay natigilan ako nang mapatitig ako sa mapayapa nitong mukha. Dahan-dahan kong iniangat ang mga kamay upang abutin ang mala-diyos ng pag-ibig nitong mukha. Lumapat ang dulo ng aking  mga daliri sa may kakapalan nitong kilay na may perpektong mga kurba. Naglakbay iyon sa matangos nitong ilong at nanatili sa retrousse nitong tuktok. Napatingin ako sa makapal nitong pilikmata. Ang balbas nitong bumagay sa imahe ng mukha niya na mas nagpalitaw ng nagngangalit nitong mga panga. Napalunok ako nang napadako ang paningin ko sa kulay rosas nitong labi, dahil na rin siguro sa balbas nito ay nagmumukha iyong manipis. Napangiti ako, hindi ko naman masabing sa babae ang labi nito dahil bumagay naman ito sa kanya. Eto ang tipo ng mukha na hinding-hindi ka magsasawang titigan. Kaya naman pala tinagurian itong 'The Nation's Husband'. Napakurba ang labi ko nang maramdaman ang kakatwang bugso ng damdamin. A sense of familiarity. Lagi ko itong nararamdaman sa tuwing natititigan ko ang mukha nito lalo na ang mga mata nito. Nasa ganoon akong sitwasyon nang magdilat ito ng mata. Natigilan ako, tila ba nagyeyelong tubig na naninigas ang mga tuhod ko at napako lamang ako sa harap nito. Nanatili akong nakayuko habang nakatitig sa mukha nito. Nakita ko kung paano nagningning ang mga mata nito, kung paanong ang dark amber eyes nito ay nagpalit at naging kulay ginto. Napakunot noo ako nang mapunang may pagkakaiba ang dalawa nitong mata. Ang kaliwa nitong mata ay masasabi kong natural kumpara sa isa. Out of curiosity ay itinukod ko ang mga kamay sa magkabilaang handrest ng kinauupuan nitong couch saka ko inilapit ang mukha. Nasa kanang mata naman talaga nito ang atensyon ko ngunit naagaw ng pag-dilate ng mga mata nito ang focus ko dahilan upang mapasinghap ako sa sobrang pagkamangha. Para itong pusa. Bigla kong naalala si Magu. "Ang cute!" bulalas ko saka inilukob ang mga braso sa ulo nito at niyakap ito ng mahigpit. Naramdaman ko ang mahina niyang pagtutol habang maingat akong itinutulak na animo'y natatakot siyang mabali niya ang buto ko kapag hinila niya ako ng malakas. Marahan niyang tinapik ang braso ko, saka ko lang napagtanto na mariing nakasubsob ang mukha nito sa dibdib ko. "Seriously? I can't breathe, Woman!" he hissed. Mariin itong napapikit saka napasandal habang isinuklay nito ang mga mahahabang daliri sa malambot nitong buhok. "Sorry, para ka kasing si Magu." Paghingi ko ng tawad at pangangatwiran ko dito. "What? Me?" bulalas nito na tila ba hindi makapaniwala. Napatango ako. "Since when did I become a cat, Margaux?" aniya saka napahilamos ng mukha. "Galit ka ba?" nakanguso kong turan. Narinig ko ang malalim nitong paghinga at mahinang pagtawa. "Yeah, I'm angry at you. Now go and prepare yourself before I punish you,"  sabi nito. Bigla akong kinabahan sa sinabi nito kaya bago pa man niya ako mapalo ay tumakbo na ako palayo. Magnus Alphamirano III Hindi ko na napigilan ang sarili ay natawa na lang ako sa inaasta ng babaeng 'to. Para siyang batang natatakot mapalo kay dali-daling tumakbo palayo. Sa Isang iglap lang ay wala na ito sa paningin ko at ang tanging naririnig ko na lang ay ang pagkalampag ng pinto ng shower room. Tumayo ako at nang paglabas ko ay naabutan ko na si Mikhael na nakatayo sa labas ng silid-- hinihintay ako. "Good morning, My Lord!" Bati sa akin ni Mikhael. Tumango ako saka nilagpasan ito. "What important agenda do we have for today, Mikhael?" tanong ko dito habang naglalakad patungo sa sariling silid. "Lucca, Aurelio, Enrique and Enzo--" agad kong itinaas ang kanang kamay dahilan upang mapatigil ito sa pagsasalita. "I said important, Mikhael." Untag ko matapos madinig ang pangalan ng mga pinsan ko. Ano bang importante sa mga 'yon na halos wala nga itong magawa sa buhay, laging panggulo. "It's indeed important, My Lord," saad nito na ikinatigil ko. Hinarap ko ito saka tinitigan. Nagpatuloy ito sa pagsasalita, "they are here, My Lord." Parang pumutok ang ugat ko sa ulo nang marinig na narito sa bahay ang apat. Agad akong dumungaw at mula sa second floor ay tanaw na tanaw ko ang apat na animo'y susong nagkukumpulan. Kumaway pa ang mga ito sa akin. Agad kong hinila sa braso si Mikhael saka pabulong na sinabi, "what the hell are you doing, Mikhael? Why are they here?" nanggigigil kong turan. "How would I know, My Lord?" napahilamos ako sa mukha. "Don't use that kind of answer to me, Mikhael. Not anymore. Never. Forbidden." Sabi ko dito saka tinahak ang sariling silid. Narito nanaman ang mga sakit sa ulo. Consigliere Mikhael Lihim na lang akong natawa nang makita ang naging reaksyon ni Lord Magnus matapos makitang binisita siya ng mga pinsan niya. I think having the other Alphamiranos here is no big deal at all. At least mapipilitan ang dakilang Magnus na makihalobilo sa mga kadugo nito. Bumaba na ako upang tunguhin ang mga ito. Nasa hagdan pa lang ako ay napansin na ako ng mga ito at kumaway. "Consigliere!" sigaw ni Lucca habang kumakaway. Si Lucca ay anak ng pinsan ni Magnus II. Sa magpipinsan ay ito ang pinakabarombado. Walang inaatrasan at walang kinikilalang nilalang maliban sa kasalukuyang tagapamahala ng Familia Alphamirano na siyang pinagsisilbihan ko ngayon. "Buongiorno a voi," bati ko sa mga ito saka bahagyang yumuko. "Come te la passi, Consigliere?" tanong sa akin ni Enzo. Ang pinakabata sa lahat, ang kanya ina ang Alphamirano at kahit pa nakapangasawa na ito ng isang Rosetti ay Alphamirano pa rin ang ginagamit nito. Trans: How's it going, Consigliere? "Sto alla Grande. Grazie per avermelo chiesto." Sagot ko dito. Napatango naman si Enzo habang nakangiti naman ang iba. Trans: I'm great. Thank you for asking Nang maalala ang bagong utos ni Lord Magnus na bawal magsalita ng German o Italian sa loob ng Manor ay minabuti kong sanayin ang mga ito na makipag-usap sa wikang Engles. "Will you be staying here tonight?" tanong ko sa mga ito. "Not sure," sagot ni Aurelio. Sa palagay ko'y may balak ang mga ito na umalis ng maaga kaya hindi sila sigurado kung aabot ba sila ng gabi. "We might stay here for weeks," sabat naman ni Enrique. Natigilan ako sa narinig. Lagot na kapag nalaman ito ni Lord Magnus. "What? Did I allow you to stay here?" Ayon na nga, biglang umalingawngaw ang sigaw na 'yon ni Magnus sa buong bahay. "We allowed ourselves!" sagot ni Aurelio habang nakadipa, nag-aantay ng yakap mula sa una. Ngunit nasingitan siya ni Enzo. "Magnus!" tuwang-tuwa na bulalas ni Enzo saka nagmamadaling tumayo at niyakap si Lord Magnus na ngayon ay hilot-hilot na ang sintido. Tahimik akong napaatras saka nilisan ang mga ito. Habang pabalik sa itaas ay nakasalubong ko ang Missus. Nagbigay galang ako saka ito tinanong kung saan ang lakad nito. "Ngayon kasi ang first day ko sa Ace agency, kailangan ko 'yong dalohan," sagot nito. Let me guide you, My Lady," sabi ko saka ito sinamahan papunta sa parking area. Pagdating namin sa sasakyan ay naroon na si Dawson-- nag-aabang sa kanya. Lumapit ako kay Dawson upang kausapin ito, "from now on you will look after young Miss, did you get it?" saad ko. "I will do that, Consigliere." Tipid nitong turan saka pinagbuksan ang dalaga. Nang makaalis ang mga ito ay sakto namang lumapit sa akin si Romana habang iniaabot ang telepono. "Mikhael, did my grandsons arrived?" agad kong nakilala ang boses ni first mula sa kabilang linya, nangungumusta ito tungkol sa mga apo nito. "Yes, First. They are here." Sagot ko. "Are they getting along with my Tray?" tanong nito. Hindi ako nakasagot agad, hindi ki alam kong pagtatakpan ko ba o sasabihin ang totoo. Bago pa man ako makapagsalita ay nagsalita na si First, "I knew it. Mikhael, you have to let his cousin stay there at nang matuto naman 'yang makisama sa mga pinsan niya." Sabi nito. Tahimik lang akong nakikinig. "This will be your task, Mikhael. Make sure na magkakasundo ang mga 'yan," utos nito. "I will try my bes, First." Sagot ko dito. "Good, you know I trust you when it comes to Tray," untag nito saka mahinang tumatawa. "By the way, how's our ace?" tanong nito na ang tinutukoy ay ang Missus. "She's still adjusting sa bago niyang buhay, but she's doing well. She's well taken care of," saad ko. Narinig ko ang mahina nitong pagbuga ng hangin. "That's good then," sagit nito. Matapos ang tawag na 'yon ay kinuha ko ang cellphone at tiningnan, ang mapa habang sinusundan ko ng tingin ang tumatakbong berdeng marka. Lingid sa kaalaman ng Missus ay nilagyan ko ng tracking device ang sasakyan nito. Third Person's POV Napatingin si Sofia sa nakatulalang kakambal. "Hey, are you okay?" tanong niya dito. Nagpalingo-lingo ito. "Umalis na kaya tayo dito?" tanong nito dahilan upang awtomatiko siyang mapalingon. "Why?" tanong niya sa kakambal. "I'm scared of her," sagot nito. "You better keep your mouth shut, Hannah. You know who you're referring to. It's not just some ordinary person, it's our Missus." Pagsita niya sa kakambal na ngayo'y nauubusan na ng lakas ng loob. "I know! But she's creepy, Sofia." Depensa nito. Napabuga na lang ng hangin si Sofia. Natahimik sila nang pumasok si Romana, tahimik lang ito habang kumukuha ng makakain at inumin an pwede nitong ibigay sa paumanhin. "You two, stop talking about our young Miss," sita nito sa kanila. Lihim na lang nakagat ni Hannah ang sariling labi saka tumayo at tumulong sa paghahanda. "Anong meron, Romana?" tanong nito nang mapuna na marami-rami ang kanilang inihahanda. "The young Lord's cousins are here," tipid na sagot ni Romana. Napatango na lang si Hannah saka naman lumapit si Sofia at saka tumulong na rin. "You behave yourself, let's not stir commotions just like the last night. I don't want the First and the Second to hear about us being so lame," seryosong paalala ni Romana sa dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD