Margaux Arevalo
Habang nilalakbay ng black limo ang kahabaan ng Metro ay tahimik lang akong nakatanaw sa labas. Napaisip ako bigla nang may makita akong tumawid na mag-asawa, pangkaraniwan lamang ang mga suot nila, parang sila Nanay at Tatay.
Nitong mga nakaraang araw ay tila ba nawala na ako sa focus. Masyado akong nilulunod ni Magnus ng mga luho at nakalimutan ko na kung ano talaga ang tunay na dahilan kung bakit ako nagsususmikap u i your htu umasenso sa buhay. Iyon ay ang pamilya ko, nais kong matigil na sa paghihirap sina Inay at Itay.
Tama, I will call them later, ipapaalam ko sa kanilang magkakatrabaho na ako, tiyak matutuwa ang mga 'yon. Kailangan kong itanong kung magkano ang kikitain ko sa pag-aartista. Sa isiping 'yon ay muling nabuhay sa akin ang pag-asa. Abot tenga akong napangiti saka umayos ng pagkakaupo. Napalingon ako nang tumigil ang limo sa harap ng isang napakatayog na building.
"Ah, nasa'n tayo?" tanong ko dito nang hindi ko matukoy kung nasaang kugar kami.
Sa halip na sagutin ako ay lumabas ito at pinagbuksan ako. Marahan nitong binuksan ang pinto saka inilahad ang kamay.
"Welcome to Ace Academy, young Miss." Pinanlakihan ako ng mata sa narinig saka ko tarantang nilibot ng tingin ang labas.
Kitang-kita ko ang mga nagkukumpulang tao at ang mga mapanuri nitong mga tingin. Alam kong masyadong nakakaagaw ng atensyon ang sasakyang lulan ko. Napakagat ako ng kuko sa isiping makikita nilang ako ang lulan nito.
I want to stay low-key at malinaw 'yon sa napagkasunduan namin ni Magnus. Napakagat ako ng labi at sa halip na ibigay ko ang kamay ko kay Dawson ay hinila ko ito papasok sa loob ng limo. Namimilipit ito sa sakit nang makaayos ito ng upo mula sa pagkakadapa. Hinila ko pasara ang pinto ng limo saka ito hinarap.
"Why did you bring me here? Why am I in this limo?" tanong ko dito. Nakita ko kung paano ito natigilan saka napakunot ng noo.
"Kasi may classes kayo today? And, because you rode this limo yourself?" Patanong nitong sagot na tila ba nag-aalangan sa kung ano ang dapat niyang sabihin sa akin.
"I know!" singhal ko. Napaigtad ito sa sigaw ko. Mariin akong napapikit ng mata saka napahilot ako ng ulo. Nang magdilat ako ng mata at tingnan ito ay naroon pa rin ang blanko at tila nagtataka nitong tanong.
"What are you trying to say, young miss?" tanong nito.
"You can't send me to this Academy riding this expensive limo," saad ko. Uulanin ako ng atensyon at ayaw ko 'yon.
"But it's Lord Magnus' order, young Miss. Pardon me if I do you wrong." Bigla akong naawa nang marinig ang sinabi nito at nainis naman na nagmula pa kay Magnus ang utos gayong may napagkasunduan na kami.
"Nakakainis naman at wala pa akong number nito--" napatigil ako sa pagsasalita nang iniabot sa akin ni Dawson ang sarili nitong Cellphone.
Napatingin ako sa cellphone nito, "Ace?" kunot noo kong turan, napatango ito, "sino 'yan?" tanong ko.
"It's Lord Magnus." Maikli nitong tugon. Kinuha ko ang cellphone saka tinawagan si Magnus.
"Dawson?" Sagot nito mula sa kabilang linya sa buo at malamig nitong tono.
"Magnus," sagot ko.
"Fräulein?" biglang lumambot ang tono ng pananalita nito. At isa pa, ba't ba 'to Fräulein ng Fräulein? Nakakainis na. "What happened? Did Dawson upset you?" tanong nito, napatingin ako kay Dawson na ngayo'y nanlalaki na ang mga mata.
"Akala ko ba may napagkasunduan na tayo?" sagot ko dito.
"Well, as far as I remember you haven't set any conditions yet," sagot nito na ikinatigil ko. Napakunot noo ako saka napatingin sa itaas, pilit na inaalala kung wala nga ba talaga akong nasabing mga kondisyon dito.
"Still there, my schatz?" tanong nito. Naihilamos ko na lang kamay sa sariling mukha, paanong nakalimutan ko 'yon?
"Schatz?" sabi nito mula sa kabilang linya.
"I'm here," tipid kong tugon.
"You okay?" tanong nito. Napatingin ako sa oras. Male-late na ako!
"Oo naman, usap na lang tayo mamaya. Bye!" Sabi ko saka pinatay agad ang tawag at ibinalik ang phone kay Dawson.
"What should I do, you Miss?" tanong nito.
"Drop me sa walang tao," utos ko. Agad maman itong lumabas at tinungo ang driver's seat.
Ibinaba ako nito sa likurang bahagi ng building kung saan walang tao. Kahit pa walang tao ay sinilip ko pa rin ang paligid upang makasiguro at nang wala akong makita ni isa ay dali-dali akong bumaba ng limo saka tumakbo palayo.
First day ko pa naman ngayon. Mukhang male-late. Pagpasok ko ng building ay dumiretso agad ako sa concierge upang doon magtanong.
"Miss, aling floor po ba ang A1- Spade?" tanong ko dito. Napatigil ang dalawang babae sa pag-uusap. Napatingin sila sa akin saka nagkatitigan.
Tinapunan ako ng mapanuring tingin ng isa saka dumungaw ang isa at ngumiti sa akin, "sigurado po ba kayong sa A1-Spade?" tanong nito. Tumango ako.
"Ano po ang pangalan?" tanong ng isa sa akin saka nito dali-daling binuksan ang computer at nagsimulang magtipa.
"Margaux Arevalo po," magalang kong sagot. Napakunot noo ako nang muling magtitigan ang mga ito.
"Wala?" bulong ng isa dito.
Nagpalingo-lingo naman ang isa habang hindi inaalis ang mga mata sa screen. "Wala sa list of students," bulong nito.
Lumapit sa akin ang babae saka ngumiti, "pwede pong makita ang card niyo?" tanong nito.
"Card? Aling card?" tanong ko rin, hindi ko alam kung anong klaseng card ang hinahanap nito.
"Identification po na student talaga kayo ng Ace Academy," paliwanag nito.
Natigilan ako, "paano ako magkakaroon no'n eh sinabi lang ni Magnus--" agad kong isinara ang bibig nang marealize kung ano ang pinagsasasabi ko.
"Sino po?" tanong nito.
"Ah wala," saad ko. Bigla kong naalala ang card na ibinigay sa akin ni Dawson nang mapulot ko si Magu. Dali-dali kong binuksan ang bag at kinuha ang wallet. Nabigla ako nang agawin ng babae ang black card na hawak-hawak ko.
Agad na napatayo ang isa saka sabay silang paulit-ulit na napayuko habang humingi ng paumanhin.
Umikot ang isa palabas at ngumiti sa akin, "let me escort you, Miss." Malumanay nitong turan habang inilalahad ang kamay patungo sa elevator. Ginantihan ko lang ito ng ngiti saka ko ito sinundan.
Ito mismo ang pumindot ng button saka ako inanyayahan papasok. Tumigil ang elevator sa pinakadulong floor ng building.
Napaatras ako nang bumukas ang pinto ng elevator at bumungad sa akin ang mga taong tila ba abala sa ginagawa. Naunang lumabas ang babae kasunod ako, napatigil ang lahat sa ginagawa.
Para akong matutunaw sa tingin na ipinupukol ng lahat sa akin, pawang mapanuri, animo'y tinatansya ang bawat galaw ko. May mga nagbubulungan pa.
"Margaux!" agad akong napalingon nang marinig ang sigaw na 'yon. Nakita ko si Irish na papalapit sa amin.
"Good morning, Miss Irish." Bati ng babae dito.
"Good morning," nakangiting sagot ni Irish saka napatingin sa akin. Lumapit ang babae sa kanya saka may ibinulong. Napangiti si Irish saka ito tumango.
"I'll handle everything," sabi niya sa babae saka mahinang tinapik ang balikat nito.
"Excuse me, Miss." Paalam ng babae sa akin na bahagya pang yumuko saka ito umalis. Batid ko pa rin ang tingin na iginagawad ng lahat.
"I'm glad you finally decided to join the academy, Margaux." Untag ni Irish. Awtomatiko naman akong napatingin dito.
"Thank you for the opportunity," sagot ko dito. Nakita ko itong ngumiti saka ito naglakad papunta sa isang mesa. Binuksan nito ang laptop saka tumipa.
"This is your first day, Margaux. Sa ngayon ay mag focus ka muna sa basic classes then we will move forward sabi nito.
Natapos ang araw na puro lang papel ang inatupag ko. Malayong malayo sa inaakala kong acting class. Noong una ang akala ko at buong magdamag kaming aarte-- hindi pala. Parang dinaanan namin ang fundamentals ng acting school dahilan upang ma drain ng todo ang utak ko. Gusto ko na lang makauwi at humiga sa kama ngayon.
"Kumusta na kaya ang mga specimen ko do'n?" tanong ko sa sariling saka napabuga ng hangin.
Pagod at walang gana kong binabagtas ang hallway palabas ng academy nang tumunog ang phone ko.
"Hello?" pagsagot ko dito.
"Young Miss, where shall I pick you up?" tanong nito. Agad kong nakilala ang kausap.
"Do'n pa rin, Dawson." Sagot ko saka nagpatuloy sa paglalakad. Pagalabas ko ay sinalubong ako ng dalawang babae sa concierge kanina saka magalang na nagpaalam sa akin, hinatid pa nila ako palabas.
Pababa ako ng hagdan nang may babaeng bumangga sa akin. Napatigil ako sa paglalakad saka ko ito tiningnan.
"You again?" Sarkastiko nitong turan. Bahagya pang umangat ang dulo ng labi nitong ubod ng pula.
"Again? Why, do you know me?" tanong ko pabalik. Nakita ko kung paano nabura ang ngiti sa labi nito.
"Are you sure you did not recognize me?" tila gulat nitong tanong.
"Recognize you? Bakit, sino ka ba?" blanko kong turan.
"Seriously? How dare you forget me?" Tanong nito. Kasabay ng pagtaas ng kilay nito ay ang pagtaas din ng boses nito.
"Sorry, I easily forgot insignificant stuff," natigilan ito sa naging sagot ko. Bago pa man ito makapagsalita ay nagpaalam na ako saka patakbong lumayo.
Pagdating ko sa likurang bahagi ng building ay naroon na ang limo na naghihintay sa akin. Dali-dali kong binuksan ang pinto saka sumampa.
"Thanks, Dawson." Saad ko dito na sinagot niya lang ng ngiti.