Margaux Arevalo
"Pwede ko bang mahiram ulit ang phone mo?" tanong ko kay Dawson, nakita kong napatingin ito sa akin mula sa rearview mirror saka nito dinukot ang cellphone. Nakamarka na sa screen nito ang number ni Magnus na animo'y alam na nito kung sino ang gusto kong kausapin.
Nakaisang ring pa lang ay nasagot na agad nito, "My Schatz?" bungad nito.
"Magnus, may pakiusap sana ako," nag-aalangan kong turan.
"What is it? Speak." Saad nito, mula sa background ay dinig na dinig ko ang ingay ng ilang kalalakihan.
"I wanna see my family, can I go?" Kagat labing tanong ko dito. Hindi ito nakasagit agad kaya kinakabahan ako kung papayag ba ito o hindi. "Kasama ko naman si Dawson," dugtong. Awtomatiko namang napatingin si Dawson sa akin through the rearview mirror, "di ba, Dawson?" paghingi ko ng kompirmasyon dito.
Narinig ko mula sa kabilang linya ang mahinang pagbuga ng hangin ni Magnus saka ito nagsalita. "Give the phone to him," utos nito. I instantly turn the loudspeaker on saka ko itinuon ang cellphone kay Dawson.
"Galingan mo para mapapayag mo," bulong ko dito. Nakita ko kung papaano napalunok si Dawson saka napangiting aso.
"Young Lord Magnus." Sabi nito.
"Dawson," 'yon pa nga lang ang sinabi ni Magnus ngunit tila ba nanginginig na si Dawson.
"Y-yes, my lord?" sagot nito. Naiinis ako, ba't ba hindi ito nagsalita, lagi na lang 'my lord' 'my lord'.
Kaya mas lumapit pa ako dito upang bumulong, "sabihin mo, ikaw bahala sa akin, sasamahan mo ako. Mag promise ka na hindi ako makakatakas," utos ko dito. Napatingin sa akin si Dawson saka nito sinunod ang utos ko.
"The Missus wanted to go to her family, young lord. If you'll grant, I'll watch over her, I can make sure that she wouldn't run away, my lord." Napangiti ako nang marinig ang sinabi ni Dawson, sinusunod nito ang sinasabi ko.
"What?" nanigas si Dawson sa biglaang pagsigaw ni Magnus, maging ako ay napaigtad din. "Dawson, I think you are not understanding things," napasinghap si Dawson nang marinig ang malamig at tila ba disappointed na boses ni Magnus. Maging ako ay napalunok din ng laway, nakonsensya tuloy ako dahil napasubo si Dawson dahil sa akin.
"Dawson, it's not her, running away that's what kept me from letting her leave my sight, you know I can find and get her in a blink of an eye if ever she end up running--" biglang gumapang ang kilabot sa aking buong katawan, dahil na rin siguro sa hindi ko inaasahang maririnig ko iyon mula kay Magnus. Para bang ipinapahiwatig nito na wala akong kawala sa mga kamay nito, "-- it's her safety, Dawson," dugtong nito. Tila nawala lahat ng takot na kanina lang ay naramdaman ko nang marinig kung ano ang pinakamahalaga para sa kanya.
"Of course, my lord. The Missus' safety is my priority. You can count on me, lord Magnus," seryosong pangako ni Dawson dito.
"Okay then, protect her as if you are protecting me," sabi ni Magnus dito. Nakita ko ang lihim na pagngiti ni Dawson na animo'y masayang masaya ito sa narinig mula kay Magnus.
"My Schatz?" dinig kong sambit ni Magnus kaya naman dali-dali kong binawi ang cellphone at itinuon sa tainga.
"Magnus... Hello?" saad ko sa mababang tono.
"It's 3pm in the afternoon, I need you to be back before six in the evening, understood?" saad nito. Agad namang nagliwanag ang mukha ko nang marinig iyon. Ang saya-saya ko!
"Yes, I'll be back before six. Thank you Magnus," tuwang-tuwa kong turan saka ko pinatay ang tawag. May sasabihin pa sana ito ngunit naputol nang babaan ko ito.
Napatingin ako kay Dawson na ngayon ay ngiting-ngiti pa rin.
"Thank you," sabi ko dito, tinapunan ako nito ng panandalian ngunit nagtatakang tingin, "thank you kasi napapayag mo siya, makikita ko na ang pamilya ko," dugtong ko.
"Wala pong ano man, young miss. Ako nga dapat nag magpasalamat sa 'yo," saad nito habang nakatuon pa rin ang atensyon sa daan. Napakunot noo ako, wala naman akong nagawa para dito.
"Wala naman akong nagawa," saad ko .
"You gave me the honor to be trusted by my lord, that's a big deal." Saka ko lang napagtanto na iyon ang dahilan ng napakalawak nitong ngiti. Minsan napapaisip ako kung gaano karami ang tao na may ganitong pagtanaw sa kanya.
"Saan po ba ang daan?" tanong ni Dawson nang marating namin ang sanga-sangang daan.
"Pakanan," sagot ko.
"Maganda naman pala dito, young miss." Untag ni Dawson habang nililibot ng tingin ang buong subdivision, "tahimik at mapayapa," dugtong nito.
"Totoo, dito ako lumaki," saad ko. Napatingin ako nang madaanan namin ang lumang bahay na tinitirhan ni Ace, ang natatanging lalaki na minahal at mamahalin ko. Natigilan ako nang maalalang Ace din ang tawag nila kay Magnus, kakatwa. Kung sana'y ang Ace ko ang kasama ko ngayon, ang may hawak ng buhay ko ngayon at ang nag-aya sa akin ng kasal ay magpapakasal agad ako sa kanya.
Bakit ba naman kasi'y hindi ko maalala ang totoo nitong pangalan, para bang sinadya itong burahin sa isipan ko. Nang itanong ko sa school ang tungkol sa kanya, sabi nila walang estudyante na may ganoong record sa school na ka batch ko. Wala na rin akong mapagtanungan dahil ang bahay na dati nilang tinitirhan ay nabili na ng iba, maging si Aling Marta na dating nag-aalaga kay Ace ay pumanaw na rin sa sakit Canser at inulila ang anak nitong dalawang limang taon pa lamang na ngayon ay nasa pangangalaga na nila Nanay at Tatay. Ang itinuring ko ng kapatid-- si Gabriel.
"Dito na lang, Dawson." Itinabi ni Dawson ang limo sa gilid ng daan sa harap ng bahay namin. Dahil nga sa pangkaraniwan lamang ang bayan na ito maging ang mga naninirahan ay nasa pangkaraniwang pamumuhay din ay sadyang nakakaagaw pansin ang sasakyang lulan namin.
Hindi ko na inantay pang pagbuksan ako ni Dawson, kasabay ng pagbaba nito ay ang pagbukas ko ng pinto.
"Act normal, kahit ngayon lang, don't treat me like how you treat me sa bahay ni Magnus, nanonood ang pamilya ko," saad ko dito.
"As you wish, young miss." Sagot nito sa mababang tono.
Hindi pa man ako nakakapasok ng bahay ay sinalubong na ako ni Nanay ay Gabriel ng isang mahigpit na yakap.
"Anak, mabuti at nakauwi ka. Tamang-tama ang uwi mo nagluluto ang tatay mo ng adobong manok, paborito mo." Abot tenga ang ngiti na turan ni Nanay saka nito bahagyang sinilip ang likuran ko.
"Kasama mo?" tanong nito.
"Opo, katrabaho ko po." Pagsisinungaling ko.
"Hali ka, dito na kayo maghapunan." Pag-anyaya ni Nanay dito, napangiti naman si Dawson saka pumanhik na rin ng bahay.
"Gabriel," mahina kong sambit habang nakapulupot ito sa bewang ko at nakasandal ang ulo sa leeg ko. 16 years old pa lang si Gabriel ngunit halos magkasingtangkad na kami. Isiniksik lang nito lalo ang mukha sa leeg ko bilang sagot sa pagtawag ko ng pangalan nito. Hindi nakakapagsalita si Gabriel kaya naman ay tanging sa ganitong paraan lang ito nakikioag-usap.
Masuyo kong sinuklay ang buhok nito saka ito hinalikan sa pisngi.
"Have you been good, Gabriel?" tanong ko dito. Tumango ito.
"Tinulungan mo ba sila Nanay at Tatay?" tanong ko, agad itong ngumiti saka tumingin sa direksyon nila Nanay na animo'y hinihintay nitong sila Nanay ang magsabi.
"Naku, napakabait ni Gabriel, tumutulong 'yan dito." Saad ni Nanay. Maya-maya lang ay lumabas na si Tatay na naka-apron at may hawak pang sandok.
"Anak!" bulalas nito, bumiti si Gabriel kaya naman ay patakbo kong niyakap si Tatay.
"Walang pasok, Tay?" tanong ko. Natahimik ako nang tumahimik ang mga ito. Napangiti ako, "Tay, ano pong problema?" tanong ko dito.
"Eh anak kasi, natanggal ang tatay sa trabaho. Naglagas ng mga lumang security, pinalitan kami ng mas bata," batid ko ang lungkot sa boses ni Tatay.
"Di ba tay, mahilig naman kayong magluto? Magnegosyo na lang po kayo," mungkahi ko.
"Sana nga anak, mas maganda 'yan. Iyan pa ba na makakasama ko na ang Nanay at kapatid mo. Ngunit saan naman kukuha ang Tatay ng pera panimula, anak? Natalo kasi ang Tatay sa isinampa naming kaso sa kompanya kaya hindi kami mababayaran," pagkikwento nito.
"Regor, ang adobo, nasusunog na!" sigaw ni Nanay. Patakbo naman iyong binalikan ni Tatay. Lumapit ako dito saka ito niyakap mula sa likuran, nang makita kami ni Nanay ay nakiyakap na rin ito na ginaya din ni Gabriel.
"Tay, magnegosyo na lang kayo ni Nanay. Ako na ang bahala sa inyo." Naramdaman ko ang pagluwag ng yakap ni Nanay sa akin at ang pag-ikot paharap sa akin ni Tatay.
"Nak?" mahinang saad ni Nanay.
"May trabaho na po ako, Nay, Tay. Ako po ang nakuhang lead bilang Veronica." Nakita ko kung papaanong gumuhit nag tuwa sa mukha ng mga magulang ko. Kaya kinuha ko ang bag at dumukot ng bulto-bultong pera.
"Tay, kalimutan mo na ang kompanya niyo, magsimula ka ng panibago," sabi ko dito saka ipinatong sa kamay niyo ang limang bundle ng pera woth 500 thousand.
Nakita ko nag sunod-sunod na pagkalaglag ng mga luha ni Tatay na sinundan ng napakahigpit nitong yakap sa akin. Nang mga oras na 'yon ay walang pagsidlan ang aking tuwa nang makitang abot langit ang sayang nararamdaman ng mga magulang ko.