Chapter 16 - A Glimpse of Her Soul

2034 Words
Margaux Arevalo Masaya kaming nag-uusap ni Nanay sa labas habang nasa tabi ko si Gabriel, nakapulupot pa rin ang mga kamay nito sa leeg ko na para bang ayaw akong bitawan. Maya-maya lang ay lumabas na sila Tatay at Dawson, tumulong pala ito sa pagdadala ng mga pagkain. Nang makita ni Gabriel na inilalabas na nila  Tatay ang mga pagkain ay bumitiw ito sa akin upang tumulong sa kanila. Napangiti ako sa kung gaano ka responsable si Gabriel. "Nay, kumusta po si Gabriel?" tanong ko dito. Napatingin si Nanay kay Gabriel saka ito ngumiti na tila ba naaawa siya para dito, "mas mabuti sana kung nakakapagsalita ang kapatid mo, mas malayo ang mararating niyan," sabi ni Nanay. Napansin ko ang pamamasa ng gilid ng mga mata nito, "alam mo, kahit pa hindi ako ang nagluwal kay Gabriel ay mahal na mahal ko 'yan tulad ng pagmamahal ko sa 'yo," dugtong nito. Inabot ko ang kamay ni Nanay saka ito masuyong hinaplos upang aluin siya. Muling lumiwanag ang mukha ni Nanay at sumilay doon ang saya, "alam mo bang humakot 'yan ng award sa paaralan, anak?" proud na proud na turan ni Nanay. "Talaga?!" nae-excite kong turan. "Oo, napakasipag niyan mag-aral," pagmamayabang ni Nanay. "O, kain na muna tayo?" pag anyaya ni Tatay nang matapos nilang ihanda ang mesa. Naupo na kami sa paligid ng mesa, magkatabi si Nanay at Tatay habang katabi ko naman si Dawson at Gabriel. "O kain na," untag ni Tatay. Tumango si Dawson saka ngumiti at nagsimulang mag sandok ng pagkain. "Whoah! Ang sarap naman po ng adobo, n'yo!" untag ni Dawson matapos ang isang subo. "Ay naku, nasunog na nga," sagot ni Tatay habang tumatawa. "Papaano na po kaya kung hindi ito nasunod, bakas mas masarap pa," sagot ni Dawson. Napabunghalit ng tawa si Tatay saka ito tumayo at sinandukan ng maraming hiwa ng manok si Dawson na siya namang nilantakan nito. Napapangiti na rin ako habang pinapanood na masaya sila Tatay. Napatingin ako kay Gabriel nang mapuna kong tila ba kanina pa ito nakatingin sa akin. "Yes, Gab?" bulong ko dito ng nakangiti. Napatingin ito sa akin na may maliwanag na mga mga mata, halatang may nais itong sabihin ngunit nag-aalangan. "You can tell me," saad ko saka mahinang tumawa. Nagpalingo-lingo ito saka nagsandok ng pagkain. Tinulungan ko ito at ipinagsando na rin ng ulam saka sinalinan ng inumin sa baso. Matapos ang hapunan ay tumulong ako sa paglilinis ng hapag. Nang ihatid ko sa kusina ang mga pinagkainan ay naabutan kong naghuhugas si Gabriel. "Gabby, okay ka lang d'yan?" nakangiti kong tanong dito. Tumango ito. Agad nawala ang mga ngiti ko nang mapuna ko ang mga pasa sa braso nito dahil sa inilukot nito ang mahabang manggas ng suot nitong long sleeve. "Gabriel?" saad ko dahilan upang mapalingon ito sa akin, "ano 'yan?" tanong ko habang nakatingin sa mga pasa nito. Ngumiti lamang ito saka nagpalingo-lingo. Ibinaba nito ang hawak-hawak na pinggan saka sumenyas na wala lang iyon. "Grupo nanaman ba nila Luis ang may gawa n'yan?" tanong ko dito. Hindi ito nag react, sa halip ay bumalik ito sa ginagawa, sapat na iyon upang maintindihan kong tama ang hinala ko. Noon kasing dito pa ako umuuwi ay lagi itong nagbu-bully ng grupo nila Luis dahil sa hindi nga ito nakakapagsalita. Wala ring gaanong nakikipagkaibigan dito, idagdag pa na napakailap din ni Gabriel, halos hindi na nga ito lumabas ng bahay. Hindi ko na kinulit pa si Gabriel, sa halip ay marahan kong hinaplos ang likod nito saka ako lumabas. Paglabas ko ng bahay ay naabutan kong nag-uusap sila Nanay at Tatay habang si Dawson naman ay nasa gilid ng sasakyan, nakasandal at naninigarilyo. "Nay, Tay." Sambit ko nang makalapit ako dito. "Halika, anak." Pagtawag ni Tatay saka ito umusog palayo kay Nanay, naupo ako sa gitna nilang dalawa saka ko ipinulupot ang mga kamay sa bewang nila. "Sigurado ka bang ibibigay mo 'yong pera sa amin? Paano ka?" puno ng pag-aalalang turan ni Tatay. "Opo, Tay. Magnegosyo na po kayo, makaka-earn pa naman ako, Tay. Huwag din po kayong mag-alala dahil may itinira naman po ako para sa sarili ko. Napabitiw ako sa pagkakayapos ng mga kamay ko nang umusog si Tatay at hinarap ako. "Salamat, Nak. Napakasaya ni Tatay," gaya nga ng sinabi nito ay mababakas nga sa mukh nito ang saya. Napatingin ako sa mukha nitong napagdaanan na ng panahon. May kulubot na ang kanyang balat at may iilang puting hibla na rin ng buhok sa ulo nito. Biglang sumagi sa isip ko nang bigyan ako nito ng pinakauna kong cellphone na napulot niya lang sa daan mula trabaho. Hindi niya ako magawang bilhan ng cellphone noon kaya naman labis ang tuwa nito nang nakapulot ng cellphone na siyang ibinigay sa akin. "Dahil sa negosyo na ibibigay mo ay hindi na inutil ang Tatay, Nak." Sabi nito saka mariing niyapos ang mga kamay ko. Ramdam ko ang init ng mahihigpit nitong hawak. Napakunot noo ako, "Tay naman, hindi naman po kayo, inutil." Pagsita ko dito. "Naku, alam mo naman 'yang tatay mo na hindi na 'yan nasanay na walang ginagawa, 'di yan nasasayahan kung nasa bahay lang siya," singit ni Nanay. "Naku, 'wag po kayong mag-isip ng ganyan, Tay. Napakarami na po nang naisakripisyo niyo para sa amin." saad ko. "Salamat, Nak." Maikli nitong tugon. "Siya nga po pala, may mga pasa po si Gabriel," panimula ko dito. Nakita kong nag-iwas ng tingin si Tatay at si Nanay naman ay napangiwi. "Pinagkaisahan ng grupo nila Luis, nabigla na lang kami nang umuwi 'yam dito no'ng nakaraang araw na puro pasa." Tama nga ang hinala ko. Dahil sa sinabi ni Nanay ay nakompirma ko kung sino ang nanakit sa kapatid ko. Halos mapatalon ako nang makita kong sampong minuto na lang para alas-sais. Agad akong napatayo dahilan upang mapatingin sila Tatay sa akin. "Kailangan ko na po palang bumalik, alas-sais na po," paghingi ko ng pahintulot. "O, siya sige. Gagabihin n kayo sa daan," saad ni Nanay saka napatingin kay Dawson na nag-aantay sa labas. "Ayos lang po," sagot ko. "Gabriel, Anak. Aalis na ang ate mo, halika dito," pagtawag ni Tatay sa kapatid ko. Ilang segundo lang ay patakbo na itong lumabas ng bahay habang ipinupunas nito ang basang kamay sa damit. Napaatras ako nang salubungin ako nito ng mahigpit na yakap na ginantihan ko rin. Gamit ang sign language ay nagpaalam ako dito at sinabihan itong mag-aral ng mabuti. Sunod-sunod din ang naging mga tanong nito gamit ang sign language, tinatanong nito kung kelan ako uuwi ulot, kelan kami magkikita at magkakasama ulit-- napaka-attached sa akin ni Gabriel. Pinangakoan ko itong babalik-balik ako dito saka ko siya pinangakoan na sa susunod king uwi ay dadalhan ko siya ng cellphone. Nakita ko kung papaano gumuhit ang excitement sa mukha nito saka ako niyakap ulit. "Sige na Gabriel at gagabihin na ang ate mo sa daan," sabi ni Tatay kay Gabriel dahilan upang bumitiw ito. Nang makalabas ako ng bahay ay nagpaalam na rin si Dawson sa kanila at nagpasalamat para sa hapunan. "Mag-iingat kayo," sabi ni Nanay kay Dawson. Pinagbuksan ako ni Dawson saka ito sumampa sa driver's seat. Napatingin ako sa oras na nasa cellphone ko, lagpas isang minuto na mula mag alas-sais. Ano pang mamadaliin ngayong na late naman na ako sa ipinangako kong pag uwi kay Magnus. "Dawson," mahina kong sambit. "Yes, young miss?" sagot nito. "May dadaanan muna tayo," sagot ko. "Sure, lead the way, young miss," sagot nito habang nagmamaneho at hindi inaalis sa daan ang tingin. Alam kong tumatambay ang grupo nila Luis sa madilim na parte ng basketball court, sa gilid ng daan. Doon sila tumatambay upang mag-abang ng mapagti-tripan nilang daraan. "Lumiko ka sa pangalawang kanto, sa may basketball court tayo." Kinabig ni Dawson ang manibela pakanan. Itinigil niya ang limo sa harap ng basketball court at hindi nga ako nagkamali naroon nga sila Dawson, abalang-abala sa pananakot at pangungutong sa isang batang lalaki. "Can I ask you a favor, Dawson?" untag ko dito habang nakatingin sa grupo nila Luis. "Anything, young miss," sagot nito. "Good, do you like to fight?" tanong ko. "I miss fighting." Maikli nitong tugon. Nakita kong sinundan nito ng tingin ang mga mata ko. "Do you want me to get them for you, young miss," tanong nito. "If you wouldn't mind," sagot ko. "Sure, how would you like it done, young miss?" tanong nito habang niluluwagan ang bandang leeg sa pamamagitan ng pagtanggal ng ilang butones. "Medium rare, medium well or well done?" tanong nito sa pamamagitan ng pagpapapili sa akin na animo'y magluluto ito ng karne. "Of course, do it medium rare and let me do it well," seryoso kong turan. "And do you want me to bring five of them to you?" tanong nito. "Nah, give me that red head," sagot ko na ang tinutukoy ay si Luis dahil sa pula nitong buhok, "and you can do the 'well' yourself with the rest of them," dugtong ko. "As you wish, young miss. Give me a minute," sagot nito saka napangisi. He cracked his knuckles bago ito bumaba ng limo. Marahil ay naagaw ng sasakyan namin ang atensyon ng grupo nila Luis kaya binitawan nilang batang lalaki na hawak nila saka naglakad papalapit sa sasakyan namin. Nang makababa si Dawson ay agad itong inangasan ni Luis habang nasa likod nito ang apat niyang kasama. Napatingin ako sa cellphone. Nanatiling kalmado si Dawson habang nakatayo at pinapalibutan siya ng mga ito, mga ilang mijuto lang ay naglaban ang mga ito. At tulad nga ng sinabi ni Dawson ay napatumba niya ang apat sa loob ng isang minuto habang nakadapa sa harap ng limo si Luis. Nagpumiglas ito ngunit wala itong panama kay Dawson. Bumaba ako ng sasakyan at saka lumapit sa kanila. "T*ang'na! Sino ka ba ha?" Galit na sigaw ni Luis. Tinungo ko ang harapang bahagi ng limo kung saan ito nakadapa saka ako naupo roon. Napalingon ito sa akin at nagkatitigan kami. "Ako, kilala mo ba ako?" tanong ko. Siguro ay nakilala ako nito, ang kapatid ng batang binugbog niya noong nakaraang araw ay bigla itong nagpumiglas ngunit wala itong magawa dahil mahigpit ang pagkakahawak ni Dawson sa kanya. Tumayo ako saka hinila ang buhok nito, "makinis ang mukha mo, yho," bulong ko. Napatingin ito sa akin na animo'y galit na galit, napangisi ako nang magmistula itong halimaw na nais akong lapain ngunit walang magawa. Kinuha ko ang sigarilyo sa bibig ni Dawson saka itinuon sa mukha nito, "tingnan natin kung kikinis pa ba 'yan bukas," bulong ko. Nakita ko kung papaano lumambot ang ekspresyon nito hanggang sa napalitan iyong ng takot, nagsimula itong manginig sa takot habang nakikita ko ang repleksyon ng apoy mula sa sigarilyo sa maluha-luha nitong mga mata. "Akala ko ba wala kang kinakatakutan?" bulong ko dito. "Sorry na po, hindi ko na pagtitripan si Gabriel," sabi nito saka pumalahaw ng iyak. "Talaga? Eh sa ayaw kong maniwala," sabi ko. "Please po, last chance lang!" sigaw nito. "Ampanget mo," saad ko nang makita ang madungis na nitong mukha dulot ng pag iyak. Kinuha ko ang phone saka iyon kinunan ng larawan. Tumayo ako saka sumenyas kay Dawson. Agad naman iyong naintindihan ni Dawson at hinawakan nito ang kanang kamay ni Luis, he pinned it against the limo saka ko pinatay ang sigarilyo gamit ang kamay nito. Napahiyaw ito sa sakit dahilan upang magising ang iilan nitong kasama. "Nagyon, sino sa kanilang apat ang nakahawak kay Gabriel?" tanong ko sa namimilipit na si Luis. "Si-silang apat," Nanginginig na sagot nito. Dahil nga sa nalumpo sila ni Dawson ay hindi nito magawang tumakbo. Lumapit ako sa mga ito at isa-isang inapakan ang mga kamay nito. Sunod na sunod na sigaw ng mga ito ang umugong sa basketball court. "Sa susunod na makita kong may ginag*go kayo, puputulin ko ng paisa-isa ang mga daliri niyo bago ang mga kamay niyo," sabi ko dito saka tinalikuran ang mga ito. Nauna na akong sumampa sa sasakyan habang nagpatuloy si Dawson sa pagsipa ng mga ito, binigyan niya pa ng isang suntok sa sikmura si Luis saka ito nawalan ng malay. "Thank you, Dawson," nakangiti kong turan dito. "My pleasure, young miss," abot tenga ng turan nito saka pinaandar ang makina.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD