Chapter 17 - Punished

1306 Words
Third Person's POV Nakakailang tobacco na si Magnus ngunit wala pa rin si Margaux. "Are you okay?" tanong ng pinsan niyang si Enzo. "Yeah," maikli niyang tugon saka nagsindi ng isa pa. "You look like you are waiting for someone," sabi ng pinakabata sa kanilang magpipinsan. Napatingin si Magnus sa kanya saka napabuga ng usok, "leave me be, go and have a rest," untag ni Magnus dito. Likas na matigas ang ulo ay naupo ito sa hammock na na nasa gilid ng terrace at nahiga. "Why are you here in rhe Philippines, by the way?" tanong ni Magnus na ang tinutukoy ay ang apat nitong pinsan. "Ah, we heard about the Vernardice. As for me, mom sent me to support you, I don't know about those three," pagpapaliwanag ni Enzo saka nagkibit balikat habang tinutukoy ang iba pa nitong pinsan. Napangisi si Magnus, "what support can you give me, Enzo?" tila ba mapanuyang tanong nito sa isa. "Moral support." Tipid ngunit seryoso nitong sagot, ni hindi man lang nito pinag-isipan ang isasagot. "Tss, moral support or headache?" pambubuska niya dito saka ito binato ng upos ng tobacco na nagmumula sa ash tray at siyang tumama sa noo nito. Napangiwi naman ang huli habang himas-himas ang noo na ngayon ay namumula na. Napatingin sa malayo si Magnus, batid niyang hindi sincere ang pakay ng mga tiyahin niya sa pagpapadala ng mga anak nito sa kaniya. He'd well aware that they could be waiting for his fall at sa oras na mawala siya ay mapapasakanila ang lahat ng mayroon siya. Bagay na hindi niya hahayaang mangyayari. Maya-maya lang ay lumabas na rin ang tatlo. "Seriously?" Bulalas niya nang makita ang tatlo na nakapantulog na na animo'y feel at home sa bahay niya. "Good night, Magnus." Sabi ni Lucca sa kanya saka isa-isang nagsialisan ang mga 'to. Nagawa pa nitong hilain at tangayin si Enzo sa kanila. 6:30 na nang maisipan ni Magnus na tunguhin ang sariling silid at doon na lang maghihintay. "What the f*ck?!" bulalas niya nang pihitin niya ang door knob at makita niya ang apat na magkatabing nakahiga sa kama niya. "Seriously?!" bulalas niya saka napahilamos ng mukha. Wala pang isang araw ngunit sumasakit na ang ulo niya sa mga ito. "Get out!" sigaw niya na ikinabigla ng mga ito. Hindi makamayaw sa pagtalon at pagdala ng sariling mga unan ang apat habang nakatayo sa harap niya "Get the hell out of my room or I'll drag the hell out you four out of my house," sabi niya dito. Dali-dali namang tumalima ang apat at nagsitakbuhan papunta sa bakanteng bahay.  Naiwan naman si Magnus na hilot-hilot ang sintido habang hinahatid ng tingin ang mga ito pababa ng hagdan. Sa isip-isip niya'y pumarito lang ang mga ito upang asarin at sayangin ang oras niya. Margaux Arevalo Mag aalas-syete na nang makauwi kami. Nagtatawanan pa kami ni Dawson dahil tuwang-tuwa ito sa ginawa nitong pambubugbog kanina nang maabutan naming nakaupo si Magnus sa king size couch nito. Naka-crossed legs habang prenteng nakaupo paharap sa sa malaking pinto. Agad na napayuko si Dawson bilang pagbibigay galang, "good evening, young lord." Maikli nitong tugon saka nagpaalam na aalis na. "What time is it now, Margaux?" tanong nito. Napatigil ako saka tahimik na nakatayo sa harapan nito. "Five minutes to seven," sagot ko. "And what time did you promise me to go home?" tanong nito ulet. Galit ba siya? Hindi, sa palagay ko hindi. Hindi naman siguro siya magagalit sa gano'ng bagay lang. Pero, mukha siyang galit! "Alas-sais," maikli kong tugon. "Then what took you so long?" tanong nito sa akin. Mukhang galit nga! Lagot! Ani, sasabihin ko ba ang totoo? Magsinungaling ba ako? Paano kapag nalaman niya. Diyos ko, may binugbugbog akong tao. Sabi pa naman nila, ayaw nito sa mga babaeng asal lalaki. Sige, I will lie na lang. Pero paano kung tanongin niya si Dawson, 'di ko pa naman na briefing 'yon! "Margaux, what took you so long?" napaigtad ako nang ulitin nito ang tanong. Ni hindi ako makatingin sa mga mata nito dahil alam kong magsinungaling ako. "Ah eh... nagluto kasi si Tatay ng paborito ko, naparami ang kain ko at napahaba din ang usapan namin." At 'yon nga, ang kasinungalingan ang pinili kong tahakin na landas. Please lang, bumenta sana. Kapanipaniwala naman at isa pa totoo namang napahaba ang usapan namin. So partially, hindi ako nagsinungaling. "Really?" tanong nito sa tono na animo'y hindi kombinsido. Dali-dali naman akong tumango. "Come here," saad nito habang itinataas ang kamay na animo'y tinatawag ako palapit. Agad ko naman itong sinunod. Umayos ito nang upo. Inilahad nito ang kamay as he leaned forward na animo'y hinihingi nito ang kamay ko. Agad ko namang iniabot ang kamay ko na siyang hinawakan nito. Nagitla ako nang inilapat nito sa mukha niya ang palad ko at amoyin nito ang kamay ko "Smells like cheap cigarettes," untag nito. Lihim akong napakagat ng labi. Paniguradong mabubuko ako nito. Wala na, nahuli na ako. Ano pang maipapalusot ko? Hindi naman ako naninigarilyo. "Tell me the truth," saad nito sa seryosong tono. Ano na? Paninindigan ko na lang ba? I lied na already eh, dapat panindigan ko na lang, 'di naman siguro ako papaluin nito. Lihim pa akong natawa sa ideyang papaluin ako nito, "I'm telling the truth," saad ko. Pinanindigan ko na talaga. "Dawson!" Pinanlakihan ako ng mata nang sumigaw ito. Tinawag nito si Dawson habang hindi nito inaalis ang mga kamay mula sa pagkakahawak sa akin. Maya-maya lang ay lumapit na si Dawson. Nagbigay galang ito. "Tell me, where did my Fräulein went after going to her family?" tanong ni Magnus dito. "She went beating off gangsters, young lord," walang pag-aalalangan nitong sagot. Agad akong nag-iwas ng tingin nang makita ko ang bahagyang pagtaas ng isang kilay ni Magnus. "So you went beating off people after eating?" hindi ako umimik sa naging pahayag nito. Through my pheripheral vision ay sumenyas ito kay Dawson na pinapaalis niya na ito. Napatingin sa akin si Dawson, yumuko saka nagbigay galang. Nang tuluyan nang makaalis si Dawson ay hinila ako ni Magnus palapit habang tinatapik nito ang hita.  Ayokong galitin pa ito kaya dali-dali akong nupo sa mga hita nito ngunit pinigilan niya ako. "Dapa." Sabi nito sa kalamadong tono saka nito inabot ang baso ng alak na nasa gilid ng upuan nito saka tinunga. "Ha? Dapa?" naguguluhan kong pag-uulit sa tanong nito. Inilapag nito ang baso saka ito hindi sumagot sa tanong ko. Mukhang galit nga ito at upang hindi ito magalit lalo ay pinili kong sundin ito. Dahan-dahan akong dumapa sa mga hita. Ano kayang gagawin ni-- napaigtad ako nang paluin nito ang pang-upo ko. Napaliyad ako sa pangatlong palo. Hindi ko inaasahang ito ang magiging parusa nito sa akin. Mas lalo pang uminit ang mga pisngi ko nang paluin nito ang p*ng-upo ko sa pangatlong beses na mas malakas kay sa dalawang nauna. Hindi ko mawari kung aling banda ko ibabaling ang ulo. Nangangamba akong may makakita sa amin dito. Matapos ang palong 'yon ay masuyong nitong hinaplos ang parteng pinalo. Matapos 'yon ay nahihiya akong napatayo. Napatingin ako sa paligid, sinisilip kong may nanonood ba. Saka lang ako nakahinga nang masigurong kami lang ang nasa bulwagan. Hinila ako ni Magnus paupo sa kandungan nito. "That was for lying to me," saad nito habang kalong-kalong ako. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang marinig nag sinabi ko. "Not because I went beating people in the street?" bulalas ko. "No, why would I punish you for something like that? As long as you see it fitting to do, beating bad guys is a piece of cake," sagot nito, "Now, give me a hug," dugtong nito sa masuyong tono. Hindi na ako nagmatigas, agad kong ipinulupot ang mga braso sa leeg nito saka ko isinubsob ang mukha sa balikat nito. Gustong-gusto ko talaga ang amoy nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD