Chapter 18 - Enzo Alphamirano

2026 Words
Enzo Alphamirano Pabagsak akong napahiga sa kama matapos kaming ipagtabuyan ni Magnus palabas ng kwarto nito. Nilibot ko ng tingin ang napakalawak na silid. Kasi naman 'yong tatlo kung hindi sana sila sumunod sa akin sa kwarto ni Magnus eh 'di sana'y do'n ako natutulog ngayon. Naisipa ko sa ere ang mga paa sa sobrang inis saka ibinato ang unan na tumama sa door knob ng pinto. Dahil do'n ay may kung anong ideyang pumasok sa akin. Hindi pa naman ako inaantok, naalala ko no'ng umuwi ako ng Pilipinas eh may blue moon, baka ngayon din? Bumaba ako ng kama then I grabbed my pillow and carefully clutch the knob. Maingat ako, iniiwasan kong makagawa ng ingay dahil pag nagkataon ay sasama nanaman sa akin ang tatlo. Una kong inilabas ang aking ulo upang silipin kung may tao ba sa labas at nang masiguro kong wala ay saka na ako dahan-dahang lumabas ng silid. "O, 'san ka nanaman pupunta?" Sh*t! At nahuli pa ako ni Lucca. Napapikit ako ng mata saka napabuntong hininga. "Not tonight, Lucca. Not tonight." Naiirita kong turan habang itinataas ang palad sa harap ng mukha nito. "Bakit ba ka pasaway ka, Enzo? Kakapagalit nga lang sa atin ng Magnus," sita nito sa slang niyang pananalita. Sa aming apat, si Lucca ang medyo nahihirapang managalog kaya naman laging nabubulol ang dila nito. Minsan sobra ang pagkaka-jumble ng mga salita nito, ikaw na ang bahalang mag-arrange kung gustong mong intindihin. Pero much better kung mag-aral ka na lang ng Italian at nang di ka na mamroblema. "Tigil-tigilan mo ako Lucca ha," sabi ko dito saka nagpatuloy sa paglalakad. Napahawak ako sa leeg saka nabitawan ang unan na yakap-yakap ko nang hilain ako nito sa kwelyo sabay sabi, "Sono il tuo fratello maggiore, non hai rispetto!" bulyaw nito while snapping his ma che vuoi hand into the air three times. Ewan ko ba, napaka strikto nito, kaya sa aming apat eh siya ang mas madaling tumatanda kahit pa mas matanda sa kanya sina Aurelio at Enrique sa kanya Trans: I'm your big brother, you have no respect! Napabuga ako ng hangin at tulad ng ginawa nito, I pinched my fingers, snapping it multiple times into the air, "Stai zitto, Lucca! Mas bata nga ako sa 'yo pero isang buwan lang!" Sagot ko dito ng pabalang. Trans: Shut up, Lucca! "Bata ka pa rin!" sigaw nito. "No!" firm kong sagot, "so, you behave and let me roam around, okay?" sabi ko dito saka mahinang tinapik ang dibdib nito. "Shu shu," sabi ko pa habang kunwari'y tinataboy ito. "Hindi ako behave, Enzo. I will tell Magnus na matigas ka ulo," saad nito saka ako nilagpasan at akmang pupuntahan si Magnus. Out of frustration ay nakapamewang ko itong hinatid ng tingin. Mukhang seryoso nga ito dahil nagpatuloy lang ito, sa inis ko ay kinuha ko ang unan at binato dito. Napatigil ito sa paglalakad saka hinarap ako, he snapped his pursed finger again, "Rispetto! Rispetto! Ti comporti come un bambino, Enzo!" bulayaw nito, napangisi ako nang makita ang pamumula ng mukha nito. Trans: Respect! Respect! You're acting like a kid, Enzo! "Rispetto! Rispetto! Bla bla--" napatigil ako sa panggagaya dito nang tumama sa mukha ko ang unan. Dahil sa nilikha naming ingay ay napalabas sa kanilang silid sina Aurelio at Enrique. "Oi, what's going on?" tanong ni Enrique habang nagpalipat-lipat ang tingin sa aming dalawa. "Hindi ba halata? Syempre, kapag ganyan, nag-aaway na ang mga 'yan," sagot ni Aurelio na ngayon ay nakasandal sa pinto habang nakahalukipkip ang mga kamay. "Tumigil nga kayo sa kakaaway, napagalitan na nga tayo ni Magnus kanina," pagsita sa amin ni Enrique, "ikaw Lucca, mas matanda ka kay Enzo, intindihin mo na lang," dagdag pa nito sa kalamadong tono. "Intindi? Ako rin di matanda dapat ni Enzo sa akin din intindi!" sabi nito habang inwinawasiwas ang kumpol nitong mga daliri. "O, ayan. I-arrange niyo na lang ang mga words at nang maintindihan niyo," sabi ko. Nakita ko ang lihim na pagtawa ni Aurelio. "Ano problem mo tagalog ko?" sita sa akin ni Lucca. "Lahat, problema ko. Kailangan ko pang i-arrange lahat ng sasabihin mo, dobleng trabaho. Bakita ka kasi tagalog ng tagalog?" Mapanuya komg turan saka pinulot ang unan. "Kasi Pilipinas tayo--" I cut him off. "We are not the Philippines, huwag kang mang-angkin aakalain pa lang na mananakop tayo." Pabalang kong sagot dito. "Of course, we are not!" sagot niya naman. "Ba't sabi mo, Pilipinas tayo?" "Kasi we are in the Philippines!" "Sige na, sige na. Pumasok na kayo sa silid niyo, napakaingay niyo. Tayo na lang ang gising," sabi ni Aurelio. Napatango si Enrique saka kami isa-isang tinulak papasok. Bago tuluyang makapasok ay tinapunan ko muna ng masamang tingin si Lucca na siya ring nakatingin sa akin ng masama. Nagpalipas muna ako ng mahigit isang oras saka muling lumabas. Pakiramdam ko kasi'y tulog na si Lucca at wala nang makakasita sa akin. At tulad ng kanina ay nauna kong sinilip kung may tao ba sa labas at nang mapag-alamang wala ay kinuha ko ang susi at isinara ang silid para kung sakaling may mag check ay aakalain nitong nasa loob ako natutulog. Dahan-dahan akong naglakad, maingat sa bawat hakbang habang dinadaanan ang silid ng tatlo, kung bakit kasi'y nasa pinakadulo ako. Nalagpasan ko na ang huling silid nang marinig ko ang pagbukas ng pinto ni Lucca. Dali-dali akong tumakbo paliko kung nasaan ang hagdan. Sinilip ko ito at tama nga ang hinala ko, nakita ko si Lucca na sinusubukang buksan ang pinto ng aking silid. Hindi talaga ako lulubayan ng lalaking 'to. Nakakainis! Nanatili muna ako sa ganoong sitwasyon. My plan is to wait for Lucca to get back to his room ngunit natigilan ako nang marinig ko ang papalapit nitong yabag. "F*ck?!" I hissed, saka nilibot ng tingin ang paligid. Wala akong pwedeng mapagtataguan maliban sa mga kwartong nasa itaas. Dali-dali kong tinahak inakyat ang malapad na hagdan habang yakap-yakap ang unan. Natataranta kong pinihit ang lahat ng door knob makatago lang mula kay Luca. Suwerte namang may isang pintong nakabukas, dali-dali akong pumasok at nagkubli. Saka lang ako nakahinga nang makitang bumalik na si Lucca sa silid nito. Ngunit ang ginhawang 'yon ay panandalian lamang nang may narinig akong tila ba himig o babaeng umiiyak. Saka ko lang narealize na hindi ko nga pala na check kung anong silid ang pinasukan ko dahil sa kakamadali ko. Madilim din ang silid, ni ayaw kong lingunin ito dahil hindi ko gusto ang ideyang possibleng may makita akong hindi kanais-nais. Napahigpit ang pagyakap ko ng unan nang marinig kong tila ba papalapit ang tunog, ang himig na sinabayan ng iyak-- hindi ko maintindihan. Nanginginig din ako sa sobra lamig, for some reason ay napakalamig ng paligid, para bang nasa loob ako ng freezer. I could feel something creeping in the dark, dinig na dinig ko rin ang tila ba butong nababali. Gumapang ako to find something na pwede kong magamit na sandata. It was pitch black, wala akong ibang makita, ni hindi nga nagawang mag adjust ng mga mata ko sa dilim. Tanging ang talas lang ng pakiramdam ko ang maasahan ko ngayon. Nakahawak ako nang tila ba makinis na bagay ngunit malamig, kinapa ko iyon. Nahawakan ko ang hook ng lock saka ko na realize na tila kahon ito, baka lagayan ng kung anong tools. Sa pag-asang may mahanap ako dito ay binuksan ko iyon. Nangangapa sa dilim ang mga kamay ko nang may mahawakan akong paa? F*ck! Tapos may kamay na dumagan sa braso ko at napakalamig nito! Mortuary cabinet? What the f*ck?! Halos manglupasay ako nang marealize kung maaaring nasa anong lugar ako. Bigla kong naalala ang sabi ni Mom sa akin no'ng bata pa ako, na may sariling morgue at storage ng mga napapatay nito ang pinuno ng Familia. Dahil kapag hindi nakakabayad ng atraso o hindi kaya'y hindi natupad ang alin mang pinag-usapan ay napaparusahan ng kamatayan. At itatago ng pinuno ng Familia ang mga bangkay upang kunin ng mga kaanak nito sa napakalaking halaga. Maaaring... maaaring nasa-- gusto ko mang alisin ang ideyang 'yon sa isip ko ay imposible lalo pa nang may naamoy akong tila ba matapang na chemical. Napaatras ako sa sobrang takot saka ako gumapang pabalik sa pinto, hinablot ko ulit ang unan na nabitawan ko saka nanginginig ang mga kamay na inabot ko ang door knob upang nakalabas nang may humawak ng balikat ko. Tila may kung anong enerhiya ang nagtutulak sa akin na lingunin ito, laking takot ko nang salubungin ako ng babae na may napakaputlang mukha, dito na ako napasigaw sa takot. Napatigil ako sa paghinga, ramdam ko ang pagkawala ng lahat ng lakas ng aking katawan saka sumikip ang diddib ko hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng malay at bumagsak sa isang napakalamig na bagay. Margaux Arevalo "Napakabastos naman ni Magnus, namamalo ng pw*t!" Pabagsak kong isinara ang pinto ng kwarto saka ko ibinato ang bag sa kama. "Hindi sana ako stress pero dahil napalo ako-- stress na ako," napabuga ako ng hangin saka sinilip ang kabilang silid. Napatigil ako  nang may narinig akong tila ba nag-aaway sa ilalim. Pero dahil sa wala akong pakialam ay binalewala ko ito at bumalik sa sariling silid. I will shower muna bago ako tatambay sa paborito kong kwarto. Matapos ang hot bath ay naglagay ako ng peel off mask sa mukha, "grabe, ang puti naman nito," reklamo ko sa sarili habang tinitingnan ang repleksyon sa salamin. Napapaypay ako sa sarili nang makaramdam ng init, para bang biglang naging maalinsangan ang pananhon, siguro dahil na rin sa nag-hot shower ako. Pumasok ako sa kabilang silid kung saan naroon ang mga koleksyon ko. Dahil nga sa maalinsangan ay mas nilakasan ko pa ang Aircon ng kwarto dahilan upang magmistula itong freezer. Laking ginhawa ko nang maramdaman ang lamig na nanonoot sa buo kung katawan. Sa sobrang sarap sa pakiramdam ay napapakanta pa ako. Ay mali, 'di pala kanta-- himig lang 'di ko naman kasi alam ang lyrics nitong kantang ginawa-gawa ko lang. Hindi na ako nag-abalang buksan ang ilaw dahil mas maganda naman sa dilim, mas na-appreciate ko rin ang preserve na fossil na inilagay sa isang tila ba glass frame habang may berdeng ilaw sa gilid nito. Napatigil ako sa pagkulikot ng nga kahon nang marinig ko ang pagbukas ng pinto. Sinilip ko ito ngunit nakilala ko na hindi ito si Magnus lalong hindi rin si Dawson. I continued to hum habang papalapit dito. Nakita kong nanginginig nitong inabot ang door knob. Marahil ay takot ito sa dilim dahil sa paninigas ng katawan nito. Gusto ko sanang abutin ang switch ng ilaw ngunit nakaharang ito kaya naman ay kinalabit ko siya. Napaatras ako dulot ng pagkabigla nang sumigaw ito saka nanigas bago nawalan ng malay. Dali-dali king binuksan ang ilaw, napakunot noo ako dahil hindi ko ito namumukhaan. Base sa suot nito ay hindi naman ito akyat baha. Nakapajama pa nga, idagdag pa ang yakap-yakap nitong unan, marahil ay bisita 'to nila Magnus. Pasalampak akong napaupo sa sahig habang nakapangalumbaba, iniisip kung ano ang maaari kong gawin dito. Hindi ko naman 'to pwedeng iwan sa loob ng collection room ko. Marahan kong tinapik ang pisngi nito sa pag-aasang gigising pa 'to ngunit parang walang pag-asang magising ito. Napahikab ako nang makaramdam ng antok. "Tsk! Ba't ba lagi na lang may kung sino-sinong pumapasok sa silid ko? Kung hindi sa sariling kwarto ay dito naman, lahat pa naghihimatay." Tumayo na ako saka ito marahang sinipa at nang wala akong makuhang reaksyon mula dito ay hinila ko ito sa paa palayo sa pinto saka ko binuksan ang pinto. Kinuha ko ang mga kamay nito saka  ito hinila palabas ng silid at iniwan sa corridor ng second floor. Pumanhik na ako sa sariling silid saka sumampa sa kama, "kawawa naman ang mga tao dito, mukhang mga sakitin. Laging nawawalan ng malay at ang puputla. Hindi ba sila pinapakain ng maayos ni Magnus?" Napabuga na lang ako ng hangin sa isiping 'yon. Sa palagay ko'y kailangan kong sabihan si Magnus na ayusin niya naman ang pamamahala sa mga tao niya baka magsilayas ang mga 'to. Bukas na. Sa ngayon ay matutulog muna ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD