Enzo Alphamirano
Nagising akong tila ba idinuduyan ako. Pagmulat ko ng mga mata ay nakita kong pinagtulungan akong buhatin nilang apat. Hawak ni Enrique ang kanan kong kamay, hawak naman ni Aurelio ang kaliwa kong kamay. Sa kanan ko namang paa ay si Lucca at sa kaliwa ay si Mikhael.
"Hey!" sigaw ko ngunit tila ba walang narinig ang mga ito. "I'm awake! Put me down," sigaw ko, ngunit nagpatuloy pa rin ang mga ito ni hindi man lang nila ako tinatapunan ng tingin.
"Aray! F*ck, dahan-dahan naman!" pagrereklamo ko sa tuwing tumatama ang likod ko sa hagdan habang pababa kami.
"Put me down!" Sigaw ko ulit ngunit tila ba hindi nila ako naririnig. Natigilan ako nang bigla kong maalala ang nangyari kagabi. Hindi kaya'y-- no, no that's impossible, I know I'm alive. Pero bakit hindi nila ako naririnig.
"Lucca, put me down!" Sigaw ko dito saka ko isinipa ang paa na hawak-hawak nito. Napagod ako sa. Kakasigaw at kakasipa nang di man lang natinag ang mga 'to. Hinayaan ko na lamang silang buhatin ako na para bang kakatayin na hayop.
Habang pababa ng hagdan ay napatingin ako sa silid jung saan ako napadpad kagabi habang sa harap no'n, sa rail ay ang nakatayong si Magnus habang hinahatid kami ng tingin.
Marahil nga ay tama ako, Morgue talaga ang kwarto na 'yon. Naaalala ko pa lang ang mga nangyari kagabi ay kinikilabutan na ako.
Ipinasok nila ako sa kwarto saka inihagis sa kama na para bang sako.
Isa-isang lumabas ang mga ito na para bang walang nangyari, ni hindi man lang ako kinausap.
Enrique Aphamirano
"Lucca!" Umugong ang sigaw na 'yon mula sa itaas kaya napalabas ako ng silid, paglabas ko ay siya ring paglabas nila Aurelio at Lucca. Isa-isa kaming naglakad palabas ng corridor upang silipin kung ano ang dahilan ng sigaw na 'to habang si Lucca naman ay kumaripas na ng takbo.
Nakita naming nakatayo sa ikalawang palapag si Magnus habang nakatingin sa sahig kaya umakyat na kami ng hagdan at bumungad sa amin si Enzo na nakahilata sa sahig, tulog na tulog habang yakap-yakap ang unan at may kumot pa.
"Wake up." Mahinang turan ni Lucca saka ito marahang sinipa ngunit hindi ito nagising.
"I told you to look after him, Lucca." Sabi ni Magnus nang hindi tinitingnan si Lucca.
"I did, Aurelio and Enrique knew how we fought a while ago," depensa naman ni Lucca.
Nakadungaw na kaming lahat sa kanya ngunit tulog na tulog ito. Kinuha ni Magnus ang kumot saka ito inamoy. Nagkatitigan kaming lahat, lahat ay nagtataka kung papaanong napunta si Enzo dito.
"Take him out of here," saad ni Magnus. "Mikhael," pagtawag nito kay Mikhael na siya namang lumapit kaagad sa amin. Pinagtulungan namin itong buhatin. Maya-maya lang ay nagising ito at nagpumiglas ngunit hindi namin pinansin.
Margaux Arevalo
Napabalikwas ako nang gising nang biglang pumasok si Magnus sa kwarto ko, "anong ginagawa mo dito?" tanong ko.
Napatingin ako sa hawak-hawak nitong kumot. Ang kumot ko na ikinumot ko sa lalaking hinimatay kanina. Iwinasiwas nito sa ere and kumot habang nakatayo siya sa paanan ng kama.
"Explain." Utos nito sa akin.
Napa-indian sit ako sa kama, paharap dito.
"Kasi naman ayokong matulog siya sa kabilang kwarto," sagot ko habang nilalaro ang daliri.
"And why would he sleep in that room?" tanong nito. Bakit ba ako ang tinatanong niya? Di ba dapat ang lalaki ang tinatanong niya?
"Paano ko malalaman?" pabulong at pabalang kong sagot.
"What?" agad kong isinara ang bibig nang bahagyang tumaas ang boses nito.
"Hindi ko alam, basta nakita ko lang siyang pumasok do'n bigla," sagot ko. "Akala ko nga takot siya sa dilim kasi Nanginginig siya, tapos nang hawakan ko ang balikat niya ay sumigaw siya, nanigas tapos nawalan ng malay," dugtong ko dito.
"And why your blanket?" Napakunot noo ako sa tanong nito. Ano bang problema niya sa kumot ko.
"Anong why?" tanong ko pabalik.
"Bakit nasa kanya 'to?" tanong nito habang iwinasiwas nito ang kumot sa ere.
"kasi kinumutan ko siya," tipid kong sagot, "kasi naman baka maligan siya. Ako naman ang nag-iwan sa kanya do'n sa labas.
"I see," tipid nitong sagot saka lumapit sa akin. "Go to sleep," utos nito kaya nahiga na ako, agad niya naman akong kinumutan.
Alas sais ng umaga nang magising ako dulot ng ingay na nalilikha nila Hannah at Sofia.
"Good morning, Missus," bati ng mga ito.
"Good morning." Maikli kong tugon. Dali-dali na akong nagbihis dahil may klase pa ako. Inihatid na rin si Hannah sa kama ko ang agahan kaya naman maaga akong natapos.
Napatingin ako sa paligid nang mapansin kong tila ba ibang rota ang dinadaanan natin, "bakit sa likuran tayo dumaan at hindi sa bukana?" napatingin sa akin si Dawson sa pamamagitan ng rearview mirror.
"The front gate has been blocked, young miss," sagot nito.
"Blocked? Di ba kakadaan lang natin kahapon do'n? Paanong naging blocked yo'n?" Tanong ko. I'm really curious, wala namang ulan kagabi na maaaring magsanhi ng sirang daan.
"Yesterday, yes. But the young lord instructed me not to take that route." Sapat na ang paliwanag na 'yon upang hindi na ako mangulit pa, ang salita ni Magnus ang batas.
At tulad kahapon ay sa likurang bahagi ako ng Ace nagpahatid kung saan walang katao-tao. Alas syete nang maihatid ako ni Dawson sa Ace Academy, "Dawson, can we go to my parents house later?" tanong ko dito.
"I'm sorry but Lord Magnus forbid, young miss." Sagot nito.
Dumungaw ako sa loob, "hindi mo naman sasabihin, secret lang natin," nakangiti kong turan.
"I'm really sorry, young miss. But you have to go home early today." Seryoso nitong turan. Napabuntong hininga ako saka umatras.
"Okay," maikli kong tugon saka naglakad papunta sa harapang bahagi ng Academy.
Nang pumasok ako ng building ay sinalubong ako ng ngiti ng dalawang babae na nasa concierge. Ginantihan ko ang mga ngiti nito saka ako sumakay ng elevator.
Pagdating ko ay wala pang gaanong tao roon. "Margaux." Napalingon ako nang marinig si Irene. Paglingon ko ay nakita ko itong papalapit sa akin.
"Irene," sambit ko saka ngumiti.
"Are you ready for next week?" Napakunot noo ako sa tanong nito.
"Anong meron?"
"Signing of contract na," saad nito na animo'y nababasa ang nasa isip ko. Napangiting aso ako saka tumango.
"Ah, pwede na ba kahit nag-aaral pa ako?" tanong ko dito.
Kumindat ito saka hinawakan ang balikat ko, "naman," maikli nitong tugon saka tinungo ang mesa elevated stage at inilapag ang bag na dala nito.
"Ah, isang tanong pa sana," pahabol ko.
"Yes?"
"Hindi na ba talaga ako pwedeng maging Victoria?" Nakita ko kung papaano ito natigilan.
Lumapit siya sa akin saka ngumiti, "try playing Veronica first, after this project you can be who you want," saad nito. Muling nabuhay sa puso ko ang pag-asa na balang araw ay magiging bida rin ako ng isang horror movie.
Magnus Alphamirano
Nanananghalian ako nang lumapit sa akin si Mikhael, "My lord, the Vernardice are waiting for you at the entrance." Napatigil ako sa pagsubo nang marinig ang sinabi ni Mikhael. Ibinaba ko ang kubyertos at nagpunas ng labi.
"Where's Margaux?" tanong ko dito.
"They already left for Ace Academy, my lord and they've took the route using the gate at the back," sagot nito.
"That's good, have you reminded Dawson not to allow Margaux to go anywhere and he should bring her home instantly?" tanong ko.
"Yes, my lord."
"No mistakes today, Mikhael. Nobody should know about my weaknes." Seryoso kong turan.
"That's for sure, my lord. How about the Vernardice?"
"Tell them to wait for me outside," utos ko kay Michael.
"Are you sure you wanna talk to them, my lord?" tanong nito.
"Yeah, I wanna hear their lies now." Tumayo ako saka naman naglakad si Mikhael paalis. Lumapit si Romana at at iniabot sa akin ang baril na siyang inilagay ko sa likuran saka ako ng suot ng suit upang matakpan ito.
Malayo pa lang ako sa bukana ay nakikita ko na ang mga 'to na nakatayo sa labas ng gate.
"Magnus!" bati sa akin ng anak ng mga Vernardice. "Alam mo naman siguro kung ano ang pakay ko dito?" makahulugan nitong turan.
"Of course, but sorry to disappoint you the cargo is mine." Nakita ko kung papaano nawala ang ngiti sa mga labi nito nang sabihin ko 'yon.
"What did you say," gulat nitong turan.
"I only say my words once. Kung hindi mo narinig dahil tat*nga-tànga ka-- then it's not my fault." Sabi ko dito saka ito tinalikuran.
Ramdam ko ang pagbunot nito ng kung ano kaya umikot ako sabay bunot ng baril ay itinuon sa noo nito. Napataas ito ng mga kamay sa ere saka nito binitawan ang baril at nalaglag iyon sa lupa. Ipinadausdos ko ang dulo ng baril mula sa noo nito papunta sa pisngi hanggang sa baba nito.
"Pag ba kinalabit ko ang gatilyo, tatagos ba ang bala mula dito hanggang sa bungo mo?" Nakangisi kong turan. Bigla itong Nanginig sa takot saka pinagpawisan, nagpalingo-lingo ito na wari'y nakiusap na 'wag kong kalabitin ang gatilyo. "I'm curious though," bulong ko. Napapikit ito saka ko kinalabit ang gatilyo.
Napadilat ito ng mata saka kinapa ang sarili. Napatawa ako ng malakas, "relax, wala naman 'yong bala. Alam kong duwag ka kaya kampante akong magdala ng baril na walang bala," nagtagis ang mga bagang nito sa inis.
Tinutukan naman sila ng baril ng mga tauhan ko dahilan upang mapaatras nag mga ito.
"You'll regret this day, Magnus." Galit na galit nitong turan habang naglalakad paatras. "I will kíll you with my own hand," saad nito.
Napadipa ako saka ito nginisihan, "be my guest, don't pressure yourself though baka lalo kang maginf g*go," mapanuya kong turan na ikinainis nito. Tinalikuran ako nito saka ito sumampa sa sarili nitong sasakyan saka pinaharorot ang kotse. Isa-isa namang nagsialisan ang jga kasamahan nito.
"Mikhael," patawag ko dito.
"My Lord," sabi nito saka yumuko.
"No mistakes this time, Mikhael. No one should know about Margaux," saad ko. "Understood?"
"I understand, my lord."
Mula ngayon, gagawin nila ang lahat upang makaganti, idadamay nila si Margaux. Hindi ko sigurado kung alam na ba nila ang tungkol dito kaya mas maaaring hindi ito lumabas ng bahay o di kaya'y lumayo sa paningin ko.
Napakuyom ako ng kamao nang maalala ang sinabi ng lalaking nahuli namin noong nakaraang araw. F*ck! I think they really knew about her! So the Family Vernardice is aiming at her.
"Mikhael, call Dawson and tell him not to get his eyes off her," utos ko dito.
"I will, my lord." Kinuha ni Dawson ang cellphone saka ito tinawagan. Napakunot noo ako nang biglang tumaas ang boses ni Mikhael.
"What do you mean by that, Dawson?!" sigaw nito sa kausap. Agad kong inagaw ang cellphone kay Mikhael upang ako na mismo ang kumausap dito.
"Dawson," sambit ko.
"My lord, I need another people to back me up," humahangos nitong turan.
"Where's my woman?" Tiimbagang kong turan.
"She's gone, my lord." Napahigpit ang pagkakahawak ko sa cellphone saka napatingin kay Mikhael.
"F*ck!" I hissed.