Third Person's POV
"Where the f*ck is my woman, Dawson!" Bulyaw ni Magnus sa mukha nito habang kinikwelyuhan ito. Walang nakapigil sa binatang Mafia nang bumaba ito ng sasakyan at sinunggaban si Dawson.
Agad na napayuko si Dawson bilang paghingi ng tawad sa naging kakulangan nito. Wala siyang nakuhang sagot mula sa binata kaya nag-angat siya ng tingin, ngunit sinalubong siya ng malakas nitong kamao. Kahit pa inaasahan niya nang mangyayari ito ay nabigla pa rin siya.
Halos umalog ang utak niya nang suntukin siya nito sa panga dahilan upang masubsob siya sa bunganga ng limo. Muli siyang humingi ng paumanhin.
Akma siyang susuntukin ulit ng binata ngunit nagawa nitong magpigil, sa halip na suntukin siya nito ay napasuklay na lamang ng buhok si Magnus saka napahilamos ng mukha. Napaigtad si Dawson nang sipain ni Magnus ang gulong ng limo.
"Where did you last saw her?" tanong ng binata sa kanya.
"Huli ko po siyang ibinaba sa likuran ng Ace Academy--" naudlot ang dapat pa sana'y sasabihin ni Dawson nang barahin siya ng binata.
"What? Anong sa likuran?" tila ba nabibinging turan ni Magnus.
"Nais po kasi ng Missus na sa likuran siya ibaba kung saan walang taong makakakita sa kanya," sagot naman ng isa.
"Stupido!" bulayaw ni Magnus while snapping his pursed Italian finger sa harap ng takot na si Dawson. Batid niya at ng lahat ng naroon kung gaano na kagalit ang binatang Alphamirano. "Dawson, Dawson! How many times have I told you that she don't get to deside for herself when it comes to safety-- it gotta be you!" singhal ng binata saka dinuro ang dibdib ng isa na sa sobrang lakas ay napapaatras na ito.
"My lord, if you wouldn't mind, let me handle this," singing ni Mikhael. Bahagyang napakalma si Magnus saka ito tumalikod.
Hinarap ni Mikhael si Dawson saka nito inabutan ng panyo ang kaharap na agad naman nitong ipinunas sa duguan nitong labi, "After you drop the Young Miss, where did she went?" tanong ni Mikhael dito.
"She entered the academy," sagot ni Dawson. Agad na napatingala si Magnus sa itaas na bahagi ng Ace Academy saka siya tumuloy.
Agad na sumalubong ang mga staff upang magbigay galang. Napatingin siya sa concierge saka ito nilapitan.
"Did you--" hindi niya pa man natatapos ang dapat sana'y sasabihin ay nagsalita na ang isang babae.
"Si Miss Margaux po ba?" napatingin si Magnus sa sa dalaga.
"Yeah," tipid niyang sagot.
"She entered the elevator at 7:30am and she left at lunch using an the other door," sagot nito sabay turo ng pinto.
"Are you sure it was her?" tanong ni Magnus.
Napatango ang dalaga, halatang confident ito sa sinasabi, "kilalang-kilala po, maliban sa hawak niya po ang card na may owner seal ay siya lang po ang namumukod tanging nakikipag-usap sa amin dito sa concierge. "May problema po ba?" tanong ng dalaga.
"She's gone," nagitla ang dalaga sa narinig mula sa binata.
"That's impossible--"
Kunot noong napatingin si Magnus sa dalaga dahil sa binitawan nitong salita.
"She said she's going to see her family." Sabi ng dalaga.
Agad namang lumapit si Dawson, "young miss actually asked me this morning to bring her to her family pero hindi po ako pumayag," paliwanag niya habang nakayuko.
"Mr Alphamirano?" napalingon siya at nakita niya si Irene. "Anything I can do for you?" tanong nito.
"I'm looking for Margaux," maikli niyang tugon. Isang ngiti ang sumilay sa labi ng babaeng kaharap nito.
"She asked for an early out. May gagawin daw siyang importante."
"Thanks, Irene." Maikling tugon ng binata saka ito tinalikuran.
"Lead the way," sabi ni Magnus saka mahinang tinapik ang balikat ni Dawson saka ito nilagpasan. Saka lang din nakahinga ang huli knowing that he was just forgiven by the great magnate.
Margaux Arevalo
Dahil sa hindi ako sasamahan ni Dawson ay napagdesisyonan kong takasan ito. Matapos makapagpaalam kay Irene ay dali-dali na akong umalis gamit ang entrance ng Academy.
Malayo pa lang ako ay natatanaw ko nang naghahakot ng mga pinamili sila Inay at Gabriel.
Nang makita ako ni Gabriel ay ibinaba nito ang mga hawak saka tumakbo papunta sa akin. Napalingon na rin si inay. Lumapit ako dito at nagmano.
"Mukhang abala kayo, nay?" tanong ko dito.
"Oo nak, eh sisimulan muna namin sa pagluluto ng iilang ulam para makita namin kung may bibili ba," sagot nito saka muling kinuha ang mga dala na agad ko namang inagaw mula dito.
"Ako na po, kami na ni Gabriel, Nay." Sabi ko. "Ang tatay?" tanong ko.
"Wala pa ba ang tatay mo, Gabriel?" tanong ni nanay sa kapatid ko agad naman itong nagpalingo-lingo.
"Baka mamaya pa 'yon, bumili 'yon ng mga mesa," saad ni nanay.
Wala naman talaga akong gagawin sa bahay, gusto ko lang silang makita at magkaroon man lang ng kahit kaunting oras sa kanila.
"Hindi mo kasama si Dawson?" tanong ni Nanay.
"Hindi po eh, absent po siya ngayon," pagsisinungaling ko habang tinutulungan si Nanay na linisin at ilagay sa ref ang mga karne.
"Gano'n ba?" Nagpatuloy pa rin si nanay sa ginagawa. "Nga pala, nak. Birthday na ng kapatid mo sa susunod na linggo, punta ka dito at dalhin mo na rin ang mga katrabaho at boss mo," pag-aanyaya ni nanay. Napangiti ako dito.
"Sige po, nay."
Maya-maya lang ay dumating na si Tatay, lulan nito ang pick up truck namin. Bumaba si itay kaya sinalubong ko ito, nabigla pa ito nang makita ko ngunit agad namang napangiti.
Paisa-isang ibinaba nila itay at Gabriel ang mga mesa at upuan nang lumbas si inay dala-dala ang pampalamig nitong buko pandan.
"Nak, salamat sa pera mo. Kita mo naman, nakakapagsimula na kami ng nanay mo," bigla na lang saad ni Tatay.
"Naku, Tay. Wala pong dapat ipagpasalamat," saad ko.
Nanatili lamang kaming ganoon, pinag-uusapan ang mga bagay-bagay, kalakip na doon ang magiging negosyo nila tatay at ang paparating na birthday ni Gabriel.
Napansin kong medyo nagdidilim na ang kalangitan kaya naman ay hinalungkat ko ang bag upang tingnan ang cellphone at ma-check kung anong oras na. Saka ko lang napansin an hindi ko pala dala ang phone ko, mukhang naiwan ko ata sa bahay
"Tay, anong oras na po?" tanong ko dito.
Napatingin ito sa relo, "mag-aalas tres na," sagot nito.
Lihim akong nabigla saka ako magalang na nagpaalam. "Nay, Tay, Gabriel, kailangan ko nang umalis, may mememoryahin pa po kasi akong script," sabi ko, which is totoo naman.
"O, sige." Tumayo si tatay saka kinuha ang ang susi. "Ihahatid na kita," hindi ko na tinamggihan ang alok nito.
Around 3:30 nang ibinaba ako ni Tatay sa harap ng Academy. Mukka pang nalulula si tatay nang makita ang napakagandang building.
Matapos magpaalam ay pumanhik na ako. Nginitian at kinawayan ko pa ang mga babae sa concierge. Napatigil ako sa paglalakad nang lapitan ako nito.
"Miss, nandito po si Mr Alphamirano kanina, hinahanap po kayo," aniya. Lagot na! Maaaring alam na nitong tumakas ako. Naiwan ko pa naman ang phone, 'di ko to matatawagan o kahit si Dawson man lang.
"Kailan pa?" tanong ko dito.
"Mga ilang minuto pa lang po," sagot nito. Kung ilang minuto pa lang-- may chance pa akong makauwi ng bahay.
Dahil sa nag-commute lang ako ay natagalan ako dahil na rin sa hindi pumapasok ang mga sasakyan kaya sa bukana lang ako ibinaba. Kailangan ko pang lakarin ang ilang metro papasok.
Hinihingal at dismayado akong napatingin sa nakakandadong gate. Saka ko lang naalala na isinara pala ito kaninang umaga. Napatingala ako ska sinilip kung saan ako pwedeng dumaan.
Left with no other choice, I rolled the hem of my blue dress then I climbed the 12ft gate saka ako pumatong sa haligi nito. Bigla akong napalingon nang marinig ko ang sunod na tunog ng papasok na mga sasakyan. Sa sobrang pagkataranta ko ay na out of balance ako at nahulog mula sa haligi.
Mabuti na lang at may sumalo sa akin. Pinanlakihan ako ng mata nang mapagtanto na ang sumalo sa akin ay ang lalaking kinaladkad ko palabas ng silid kagabi.
Tila ba natulala ito at titig na titig lang ito sa mukha ko. Papalapit na ang ang mga sasakyan kaya itinulak ko 'to.
"Thank you!" Sabi ko saka kumaripas ng takbo.
Third Person's POV
"Is there a problem?" tanong ni Enrique sa mga pinsan nito nang makitang umalis si Magnus na animo'y nagmamadali. Nagkibit balikat lamang ang mga ito.
"Ba't 'di natin puntahan?" suhestyon naman ni Enzo. Nagkatitigan ang apat Hanggang sa napagdesisyonan nilang lumabas ng bahay.
Sa ganda ng mga tanawin at pananim sa paligid ng manor ay nawala sa kanilang isip ang tunay nilang pakay. Tuluyan na silang naaliw sa kakapanood.
Naupo si Enrique sa madamong harden ng manor na siya namang sinundan ni Aurelio.
"Lucca, tingnan mo may lawa," sigaw ni Enzo habang tinuturo ang man made lake ng manor na kabilang sa desinyo ng hardin.
"Lawa? What's that," tanong ni Lucca habang naglalakad papalapit dito.
"Lake, Lucca." walang ganang sagot ni Enzo. Habang inaaliw ng mga ito ang mga mata ay napadako ang mga tingin ni Enzo sa babaeng umaakyat ng gate. Nilapitan niya ito upang sitahin.
Nakapatong ito sa haligi ng gate hanggang sa nawalan ito ng balanse. Mabuti na lang at mabilis siya, nasalo niya ang dalaga mula sa pagkakahulog nito.
Tila ba tumigil ang mundo nang magtama ang kanilang mga mata, hindi niya maiwasang humanga sa ganda ng mukha nito, lalo pang bumagay dito ang namimilog nitong mga mata dulot ng pagkabigla. Hindi siya nakapagsalita habang bumibilis naman ang t***k ng puso niya.
"Thank you!" saad nito saka itinulak siya bago ito kumaripas ng takbo. Siya naman ay naiwang nakatulala habang hinahatid ng tingin ang tumakbong dalaga.