Third Person's POV Nang lumapag ang private plane ay agad na tinungo ni Magnus ang lugar kung nasaan si Sato Yamaguchi. Habang binabagtas ng kanilang sasakyan ang loob ng city na 'yon ay napuna ni Magnus ang kakaibang pananamit ng mga tao sa paligid at ang desinyo ng mga bahay. Kung noong una ay para bagang may iilang traditional na mga chinese house ngayon ay mga Japanese style houses naman ang nakikita nila. Ngunit may nakahihigit ang bilang bahay na moderno man ay may sangkap pa rin ng Japanese design. "What is this place, Mikhael?" Namamanghang turan ni Magnus habang isa-isang tinitingnan ang mga tao sa paligid. Makikita sa mga ito na may mga lahi ito. "This is where foreign Asians live. They call this place as Asian District kasi narito halos lahat ng mga Chinese at Japanese ci