Third Person's POV "Margaux!" sigaw ni Lucca nang makitang hinila ito nang isang hindi kilalang lalaki. "Hoshiko-sama!" Maagap si Dawson, agad niyang nabawi ang dalaga at inutusan itong tumakbo habang hinaharangan niya ang lalaki. Nagpaiwan din si Aurelio at Enrique upang tulungan si Dawson ngunit nang nagsidatingan ang mga kasamahan nito ay tumakbo na rin sila palayo, tinatahak nila ang daan palabas ng palengke-- 'yon ang akala nila. Dahil sa magtatakipsilim na ay wala nang gaanong tao sa palengke at napadpad sila sa isang dead end. Natigilan silang anim habang nakaharap sa mataas na pader. "Pinahirapan niyo pa kami," saad ng lalaki as he cracked his knuckles and neck. Sabay silang napaharap dito at saka nila pinalibutan si Margaux upang maprotektahan ito. "Stay behind us," utos ni