Margaux Arevalo Nagising ako sa ingay na nagmumula sa labas na para bang may mga nagkakagulo. Kakagising ko pa lang at talagang inaantok pa ako dulot ng nakatulog na kami mga bandang alas singko ng umaga, kaya naman ay napahilamos ako sa sariling mukha. Napatingin ako sa orasan at alas-dyes pa lang ng umaga, "limang oras na tulog, patay ang katawan," bulong ko sa sarili saka ako napatingin sa labas, walang araw ant makulimlim ang panahon. Aakalain mong hapon na. Patayo na ako nang bumukas ang pinto at bumagsak si Dawson habang nasa ibabaw nito si Lucca at Enzo habang nakatayo namam sina Aurelio at Enrique sa bukana. Natahimik silang lahat at napatingin sa akin. "Anong nangyayari?" tanong ko dito. "Eto kasi sila, young miss. I told them that you're still sleeping pero nagpumilit na