Third Person's POV Habang papalabas ng conference room ay dinukot ni First ang hindi pa nasisindihang tobacco na binigay sa kanya ni Klaus kanina. "Sa sobrang bilis ng conference, 'di ko pa nasisindihan," pabirong turan ni First. "What do you expect from him? So impatient, lahat gustong makuha ng mabilisan." Saad ni Second. "Isn't it a good thing?" Nakangiting turan ni First saka sinindihan ang tobacco. "Dad?!" Bulalas ni Second na animo'y hindi ito makapaniwala sa narinig. "Mana nga sa 'yo." Bulong ni Second. Natawa na lang si First. Maya-maya lang ay lumabas na rin si Magnus. "I'll head to my suite, Dad, Lo." Paalam ng binata. Pinagbuksan ni Mikhael si Magnus ng sasakyan at saka nila tinungo ang suite. Pagdating ay saka pa lamang naramdaman ng binata ang pagod dulot ng mahabang b