Margaux Arevalo Matapos ang pag-uusap namin ni lolo ay nagpaalam na kaming uuwi lalo't nagdidilim na rin. Habang lulan ang sasakyan ay lumilipad naman ang isip ko tungkol sa kwento ni lolo. Parang gusto ko na tuloy na liparin pauwi ang manor. "Ilang minuto pa bago tayo makakarating?" tanong ko kay Dawson. Nakadalawang tingin pa ito sa akin mula sa rearview mirror. Halatang nagulat ito sa tanong ko. "Ten... Ten minutes, young miss." Sagot nito. Muli akong napatingin sa labas ng bintana. Nangangati na ang mga paa kong makaapak sa manor at halungkatin ang mga lumang larawan. Nang marating namin ang bahay ay agad akong bumaba ng sasakyan at patakbong pumasok. Sinalubong ako nila Lucca ngunit hindi ko na ito pinansin. "Romana?" Pagtawag ko dito. Agad naman itong lumapit nang tawagin ko. "