Margaux Arevalo Nakita ko kung papaano binawian ng buhay sa harap ko ang lalaking tinatawag nilang Tokogawa. Tulad ng nakasanayan, maliban sa pananhong nakita ko ang bangkay ng kinilala kong magulang ay hindi ako natinag. Muling nanumbalik sa akin ang pagnanais na hawakan ang pulang likidong nasa sahig. Ang makita ang pag-agos niyon sa butas na nilikha ng bala sa noo nito. "Hoshiko-sama," sambit ni Dawson. Saka lang ako nahimasmasan, napatingin ako dito. "Daizo?" Saad ko. Ipinulupot nito ang coat sa akin, lumapit naman si Akira na kakarating lang at inalalayan nila akong tumayo. Napatingin si lolo sa punit kong Kimono at nakita ko kung papaano nagtagis ang bagang nito saka niya inapakan ang putol na kamay ni Tokogawa. Lumabas si lolo ng silid at sumunod kami, napakaraming katiwala