Margaux Arevalo "Hoshiko-sama?" Hinigop ako pabalik sa kasalukuyan nang marinig ang pagtawag sa akin nito. Marahil ay napuna nito na lumilipad sa malayo ang isip ko, napatikhim ako. "Pasensya na, may iniisip lang ako," paghingi ko ng paumanhin dito. Tila ba namilog ang mga mata nito nang marinig ang sinabi ko. Dali-dali ito pumunta sa tagiliran ko at saka lumuhod. Napatayo ako sa biglaan nitong pagluhod. "What are you doing? Get up!" Bulyaw ko Dito. "Forgive my irreverence towards you, Hoshiko-sama." Paghingi nito ng paumanhin saka yumuko. Napaatras ako at napasandal sa isang matigas na bagay na alam kong dibdib ng isang tao. "Hoshiko-sama," bulong nito, dito ko nakilala ang boses nito, "you don't have to apologize, anything you say or do is right wether it would be wrong or right," d